Between Us 49

91 3 0
                                    

Between Us 49

 

~Megan's POV

It's been a days simula ng umalis ang banda nila Johannes for their album tour. Sana noon pa lang ay naisip na niyang isama ako para hindi ako mag-iisa today. Bukas na rin naman ang birthday ko pero hindi naman 'yon ang magiging dahilan para hindi ko i-celebrate ang birthday ko diba? Nandiyan naman sina Tiffany at Arjay, sina mom at dad and even si Cara na sabi niya i-ce-celebrate daw namin if ever ang birthday chuchu ko daw.

            Na-upload ko na rin kahapon 'yong feeling na ginawa namin sa beach sa accout ko. Mabuti na lang ay tinulungan ako ni Kurt na mai-retrieve 'yong account ko na 'yon dahil sayang naman ang mga pinaghirapan ko do'n at sasayangin lang ng mga hackers na 'yon. Kaya ayun, marami ring natuwang fans ko na malaman nilang bumalik ako sa paga-upload ko ng videos ko.

            Akala nga ng iba patay na ako kasi ang tagal ko daw nawala sa account ko na ito at malala pa daw eh 'yong na-hack ang account kaya ayun. Wala silang balita sa akin kaya naman ngayon, pipilitin kong ibangon muli kung sino si Megan Ynez na nakilala bilang isang online sensation.

            Ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na sa sobrang daming problema na dumating sa akin ay mas madami pa pala ang mga blessing na natanggap ko, hindi ko lang pinapahalagahan dahil nasa ibang bagay ang atensyon ko.

            Mayamaya lamang ay may kumatok sa pinto ng recording room ko kaya ng pinagbuksan ko naman ito ng pinto ay bumungad sa akin si mom.

            "May naghahanap sayo sa labas, kapatid daw siya ni Johannes." Sabi naman sa akin ni mom.

            Nagulat naman ako, "Talaga po? Si Cara? Anong ginagawa niya dito, gabi na."

            "Hindi ko alam, sige puntahan mo na lang doon."

            Tumango naman ako kay mom at tinungo ko naman ang pinto kung saan nakatayo si Cara at nang makita naman niya ako ay pinagmamadali niya akong lumapit sa kanya at nang malapit na ako sa kanya ay agad nitong hinigit ang kamay ko at muntik pa akong masubsob dahil sa pagmamadali niya.

            "Wait! Cara, easy ka lang!" pinigilan ko naman siya.

            "Dalian mo ate Megan!" aniya.

            "Ano ba kasi 'yon?" tanong ko naman sa kanya.

            "Basta! Kailangan nating magmadali!"

            "Saan ba kasi tayo pupunta?"

            Hindi na niya ako sinagot kundi pumasok na siya sa loob ng sasakyan, maging ako naman. Mabuti na lang hindi ako nakapangbahay ngayon at hindi ko naman alam na hihigitin ako ni Cara at pagmamadaliin na lang bigla. Habang nasa loob naman kami ng kotse ay hindi ako kinakausap ni Cara at kapag magsusubok naman akong kausapin siya at pinapatigil niya rin kaagad ako.

            Wala akong alam kung saan kami pupunta ngayon. Hindi rin naman sa bahay nila dahil ang layo na ng dinaanan namin at ngayon na napapansin ko naman sa paligid nang dinadaanan namin ay ang ganda ng paligid. Kahit madilim na ay kitang-kita mo pa rin ang ganda dahil sa mga ilaw din doon.

            Nang makarating na kami sa pupuntahan namin, hindi ako sure kung nandito na nga ba talaga kami dahil bumaba na ng kotse si Cara at lumabas din naman ako at nang hanapin ko naman siya ay bigla itong nawala sa paningin ko at nagulat na lamang ako ng biglang umalis ang sasakyan. Sinubukan ko pa itong habulin pero hindi na ito tumigil.

Between Me and the StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon