Shayna P.O.V
HABOL KO ang sariling hininga habang binubuhat ang isang piraso ngunit mabigat na palayok ng bulaklak, wala akong choice kundi gawin ito para magkaextra ngayong araw.
"Shayna, ito pa!" Sigaw ni Aling Roma pagkatapos kong malapag ang malaking paso sa labas ng tindahan niya, pinunasan ko ang pawis gamit ang sariling mga braso bago lumingon sa salaming bintana ng tindahan at tumango sa kanya.
"Susunod na po," medyo may kalakasan kong sagot sa kanya dahil kapag normal na pananalita lang ay hindi niya ito maririnig, alam niyo na kapag matanda hindi lang buhok at balat ang nagre-retiro na kundi pati na rin ang eardrums.
Ginawa ko ang dapat na gawin pagkapatos na pumasok uli' sa loob ng flower shop, it was already seven in the morning pero unti-unti na ang mga taong pumapasok sa loob ng tindahan.
"Shayna, punta ka muna sa likod at igiya ang mga delivery ng abono." Kaagad na utos ng isang anak na lalaki ni Aling Roma, I mean hindi naman siya talaga lalaki kasi may make up at pink na hair clip sa buhok niyang hindi naman mahaba tulad ng sa akin; in short, maarting lalaking hilaw na anak ni Aling Roma.
Ang bastos ah, utos iyon ng nanay niya sa kanya pero sa akin niya na naman ipinasa. I rolled my eyes and started walking through the door in the back, umirap ako sa hangin nang marinig ang boses ng bakla habang tuwang tuwa sa paggiya ng ilang mamimili.
"Tenya! Tenya! antito na pala itaw Tenya...!" Kung may sasabihin man ako ngayon, iyon ay ang malas talaga ng umagang ito! huminga ako ng malalim at ngumiti ng peke bago humarap kay Choco na isang laborer ng mga abono.
"Ikaw pala, Choco. Paki lagay na lang dito ang mga sako ng abono na order ni Aling Roma, salamat." Mabilis lang ang sabi ko at kaagad na tumalikod pero akmang hahawakan ko ang door knob pero narinig ko ulit si Choco.
"Tenya, guto mo ba na kain tayo alabas? tami atong pela ngayon, Tenya." Ngumisi siya at dahil do'n ay nakita ang bungi niyang mga ngipin, no'ng isang linggo ay dalawa ang kulang at ngayon ay apat na! ano kaya ang kinakain niya o ginagawa niya? siguro ipinagbibili niya kaya nagkakapera siya eh.
"Naku, 'wag na kasi busog naman ako at sa loob ako kumakain hindi sa labas."
"Tege kung 'yan ang guto mo, pero guto talaga kita, Tenya. Kailan mo ta ba ako tatagutin? gwato naman daw ako tabi ni nanay ko, Tenya." Aniya at halos lumutang ako sa hangin dahil sa narinig, hindi ko nga siya maintindihan eh tsaka hindi niya nga masabi ng maayos ang pangalan ko kaya bakit ko siya sasagotin? suwerte ah? di pa nga ako nagkakaboyfriend.
"Choco, sabihin mo muna ng maayos ang pangalan ko. Shayna, hindi Tenya." Sabay tingin sa paligid, kasi baka maabotan kami ni Aling Roma at irereto niya ulit ako kay Choco.
Naku! kaya di ako tinitigilan ng bungi na lalaking 'to dahil nireto ako ng baklang anak ni Aling Roma, bwisit!
"Peto tabi nila Tenya ang pangalan mo at di Tetayna. Torry talaga, Tetayna ka pala." Aniya, halos di ko mapigilang mapasapo sa noo. Kailangan kong umalis dito bago maisugod sa ospital, wala pa naman akong perang ibabayad kapag dinila ako do'n dahil sa sakit na over stress kay Choco.
"Basta hindi ako ready magkaboyfriend," lalo na bungi na tulad mo, "kaya sige aalis na ako." Hindi ko na siya hinintay na makasagot at kaagad na pumasok ng flower shop, nakahinga lang ako ng malalim nang maisara ko talaga ng tuloyan ang pinto.
"Saan ka galing? kanina pa kita hinahanap, hala sige at gumalaw ka na riyan dahil may pasok ka pa mamaya diba?" Tumango ako at ngumiti kay Aling Roma nang madaanan niya ako habang buhat buhat ang maliit na paso ng rosas, I cleared my throat and welcome some people who's entering the flower shop.
BINABASA MO ANG
The Untold Wife (COMPLETED)
Художественная прозаA bride who's badly want to be known. WARNING: MATURED (R18) AHEAD Ⓒ︎22