Kabanata Dalawampu't Apat

1.8K 41 0
                                    

Shayna P.O.V

"Oh my gosh, gabi na at bakit nasa labas ka pa?" Nakita ko ang pag-aalala sa mga mata ay kilos ni Joy nang bumaba ito mula sa kanyang sasakyan, hindi ko rin inakala na magkita ulit ang landas naming dalawa.

Hindi ako nagsalita at tumitig lang sa kanya hanggang sa unti-unting umulan, kinuha niya mula sa loob ng sasakyan ang payong at kaagad akong pinasilong.

"Ihahatid na kita sa bahay niyo." Aniya at ngumiti bago kami naglakad patungo sa sasakyan, but I don't have any house or property.

Lutang akong nakaupo sa front seat habang nakikinig naman sa mga kuwento ni Joy, bagong dating lang daw siya ngayon sa Maynila dahil nagbakasyon din pala ito ng tatlong araw sa Palawan.

"Bitin nga ako sa tour na iyon, tsaka ang aarte naman kasi ng mga kasama ko sa trabaho, alam mo na kapag matatanda." Tumawa siya, hindi naman ako kumibo pero may gumihit na maliit na ngiti sa aking labi.

How can I laugh again like that?

"Ikaw? alam mo, hindi nga ako makapaniwala na nagkita ulit tayo. Siguro, need ko naman ng kausap pero wala naman akong problema ngayon, or puwede ko namang i-open sa'yo ang problema ko pero pag-iisipan ko." Tumingin siya sa akin at nang mapagtanto na parang hindi ko naman narinig ay itinigil niya ang sasakyan, I wanted to smile and act like there's nothing wrong but I can't, pagod na ako.

"Honestly, I came here to see you after watched the live interview." Napayuko ako dahil sa sinabi niya, ibig sabihin ay nakita niya kung paano ako nagmukhang tanga do'n at hindi makapagsalita dahil sa mga sinabi ni Ayassa.

"Then, I suddenly saw you in the street. How are you? I mean, what's your plan?" She asked like she can feel my pain, umangat ako ng tingin nang nagsilabasan ang mga luha ko. I want to go away, pagod na ako.

"Can I stay with you?" Kinapalan ko na ang mukha ko dahil totoo naman talang wala akong matutuluyan.

Kapag nakita ako ni Lim o ni Ayassa na palaboy-laboy lang ay talagang pagtatawanan nila ako dahil nabilog nila ang utak at puso ko.

"Of course, I mean mag-isa lang naman ako sa condo at malaki naman ang space do'n." Ngumiti siya sa akin at hinaplos ang ulo ko, kahit papaano ay nakahinga naman ako ng malalim dahil sa nalaman, kung gano'n ay hindi ko na problema ang matutuloyan ko.

"PASOK ka, dito ako sa condo kapag wala akong pasok sa trabaho at gusto kong mamasyal sa City na ito." Nakangiting anyaya sa akin ni Joy nang pumasok kami sa loob ng condo niya, malaki at malinis ang masasabi sa loob nito at talagang pareho sa mga kdrama kong napapanood.

Dinala niya ako sa loob ng extra na kuwarto at hindi pa nagagamit ng kahit na sino man, maliit lang sa loob pero okay na ako rito.

"Salamat talaga, Joy. Hayaan mo at kapag nakapay-out ako ng ipon ko bukas ay talagang babayaran kita." Sabi ko nang umupo kami sa upuan dito sa kitchen, mahina siyang tumawa at umiling-iling.

"Naku huwag na, tsaka mukhang one week naman ako rito kaya makakasama pa kita. You're a sister to me now, na aalala ko sa'yo ang kapatid kong babae na nasa ibang bansa na ngayon at hindi pa kami nagkikita pagkatapos ng apat na taon." May ngiti sa kanyang labi pero may kalungkutan naman sa kanyang mga mata.

Joy is like a strong independent woman but also has a problem and sadness inside.

"Anyways, walang hiya naman pala ang asawa mo at pinalayas ka pa." Biglang tumaas ang boses niya sabay pamewang, kinuwento ko kanina ang lahat habang nasa sasakyan kami kung bakit wala akong matuluyan ngayong gabi at ang totoo na ginamit lang ako.

Honestly it's so good to feel, masarap sa pakiramdam na may taong nakikinig sa'yo. Ngumiti ako ng maliit at mabilis na uminom ng tubig bago kami nagpaalam sa isa't isa para matulog.

The Untold Wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon