Kabanata Isa

3.5K 73 4
                                    

HAPPY NEW YEAR EVERYONE! ENJOY!

Shayna P.O.V

"SAAN ka nakakuha ng ganitong pera, anak? hindi naman puwede na ipon mo ito kasi imposible iyon. Malaki ito." Sermon kaagad ni nanay nang ibigay ko sa kanya ang isang supot ng pera, laman ang fifty thousand na kailangang bayaran sa ospital.

"May na utangan po ako, 'nay. Isa sa mga kaklase ko, mabait po siya at sinabi na babayaran ko na lang siya kapag kaya ko na." Ani ko, pinilit ko ang sariling hindi mapiyok dahil sa pagsisinungaling kay nanay.

Sana naman patawarin ako ng Diyos, kailangan ko lang talaga ito para kay tatay ko eh. Huminga si nanay ng nalalim at tumitig sa akin, halatang hindi pa rin siya nakumbinsi sa sinabi ko.

"O siya sige kung ganyan ang gusto mong paniwalaan ko, pero hindi mo naman ipinagbili ang katawan mo diba? hindi naman kita pinalaking ganyan." Aniya na nagpalunok sa akin ng malalim, hindi nga pero buong pagkatao ko ay nakasold out na para sa lalaking hindi ko man lang kilala.

Peke akong tumawa at umiwas ng tingin, "naku hindi naman ako ganyan, 'nay." Nilagpasan ko siya at pumasok sa kuwarto ni tatay, gising na ito habang kumakain at nagbabasa ng dyaryo.

"Kumusta ang pakiramdam mo, 'tay?" Tanong ko ng magiliw, ngumiti ako ng malawak na parang walang problema ngunit ngumiwi lang siya sa akin.

"Wala kang pasok? diba dapat nasa paaralan ka ngayon? okay naman ako rito, lalabas na ako bukas at mabuti na ang pakiramdam ko." Aniya at ngumiti ng tipid pero may kaunting sakit sa kanyang mga mata, I bit my lower lip because I know those eyes.

Iyong mga matang nakikita ko kapag humingi ako ng pera dati sa project pero wala siyang maibigay pero sinasabi niyang gagawan niya muna ng paraan, huwag kang mag-alala dahil simula ngayon ay sagot ko na ang lahat.

"Okay na ang lahat, 'tay. May nagpautang sa akin, kaklase ko po at tsaka sabi niya ay babayaran ko na lang kapag kaya ko na." Napatingin siya sa akin dahil sa sinabi ko, ilang segundo pa ay hinila niya ako at niyakap ng mahigpit.

"Salamat, 'nak. Alam kong pagod ka na, pero salamat pa rin dahil ni minsan ay hindi ka sumuko." Bulong niya na man lalong nagpakaba sa akin, kung alam mo lang po...

TAHIMIK akong naglalakad pabalik sa boarding house ni Aling Roma ngunit hindi pa ako gaano nakalapit ay nakakunot na ang noo ko nang makita ang ilang bag ko na sunod sunod na inilalabas ni bakla at Aling Roma, namilog ang aking mga mata at kaagad na tumakbo papalapit do'n.

"Teka, anong ginagawa ninyo? pinapalayas niyo na po ako?" Natataranta kong tanong habang isa isang dinampot ang ilang bag at isinuot sa likod ko, lumabas si Aling Roma na may ngiti sa kanyang labi.

"Ano ka ba, bakit ko naman gagawin iyon?" Lubos ang pagtataka ko dahil sa sinagot ni niya, si bakla naman ay lumabas din at nilapag ang kulay pink kong arinola.

"Ho? anong ibig niyong sabihin?"

"Pumunta kanina rito ang isang lalaki, mukhang mayaman. Ang sabi, ipalabas ang mga gamit mo dahil pinapasundo ka na ng asawa mo. Naku ikaw na bata ka, bakit huli mong sinabi na may asawa ka na pala? at mayaman pa! bakit ka nag tatrabaho rito?" Hindi ako makapaniwala sa kanyang tugon at napasinghap na lang sa hangin, panay irap naman ng anak niya na parang hindi makatanggap na asawa ako ng isang mayaman at mas maganda ako sa kanya.

Sinundan ko ang daliri ni Aling Roma kung saan ito nakaturo hanggang sa matagpuan ng mga mata ko ang isang itim at pamilyar na sasakyan, nasa labas na rin nito si Greco.

Hindi ako nagsalita at tumango na lang kina Aling Roma, nagpasalamat ako sa lahat ng bagay na naitulong nila sa akin.

"Good evening, madam." Pormal ulit ang boses ni Greco katulad lang ng una naming pagkikita, huminga ako ng malalim at tumango bago inabot sa kanya ang isang maleta ko.

The Untold Wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon