Shayna P.O.V
"PAANO naman kayo nagkakilala ng anak ko?" Muntik na akong maubo habang umiinom ng kape pagkatapos marinig ang tanong ni nanay kay Lim, lahat sila ay napatingin sa akin.
"Ito namang si ate, purkit itanong lang ni nanay kung paano kayo nagkakilala e', paano na kaya kung itanong namin kung mag-e-expect na kami ng bagong apo nila tatay at nanay." Tudyo ni Lolita at dahil do'n ay tuloyan akong napaubo ng malakas, punyeta talaga itong mga kapatid ko! matalim ko siyang tinignan pero ngumisi lang siya sa akin.
"Are you okay?" At isa pa ang lalaking 'to, anong okay? pabilaukan ako, tas itatanong niya kung okay ako? hindi ako sumagot at kinuha sa kamay niya ang tissue na sana'y siya mismo ang pupunas sa gilid ng labi ko.
Ramdam ko ang pagdampi ng isang palad niya sa likod ko, he was softly tapping my back while his other fingers were fixing my hair.
"I'm fine, thanks." Ngumiti ako at pinilit na hindi ipakita ang nanginginig kong mga labi, sigurado na rin akong pulang pula na ngayon ang magkabila kong pisngi.
"So ano nga? paano nga kayo nagkakilala?" Tanong ulit ni Sheena, hindi pa rin ito sumusuko.
Binigyan ko siya ng isang matalim na tingin pero parang wala lang iyon sa kanya, nakakahiya talaga kapag may kinakasama ka tapos itatanong nila kaagad na kung paano kayo nagkakilala, hindi ba puwedeng sa amin na lang!? wala naman kasing nagsabi sa akin na tsismosa pala ang mga pamilya ko sa ganito.
"I met her almost five years ago, I mean hindi naman sa nagkakilala kami pero una ko siyang na encounter no'ng ginamit niyang salamin ang bintana ng sasakyan ko and it was five years ago. Well, nakilala namin ang isa't isa this days and now I decided to court her with your permission." Magalang niyang sabi habang lahat naman ay nakatingin lang sa kanya, tumingin ako kay tatay at nakita kong isang tanong lang at ngiti ang binigay niya sa akin.
"Malaki na ang anak namin, iho at alam naming may sariling utak na iyan para makapagdesisyon kung talaga ba na okay lang kung ligawan mo siya." Ani tatay, kahit ang lahat sa hapagkainina ay sumang-ayon sa sinabi ni tatay.
"So, is it okay if I court you?" Napatingin ako kay Lim na katabi ko lang dahil sa tanong niya, seryoso ba siya!? parang tumigil ang mundo ko dahil sa tanong niya at parang siya lang ang nakikita nito.
"I know we been through a lot at this point but I want to court you, iyon ang sabi ni lola e' para mas maramdaman daw ng isang babae ang na seryoso talaga ang lalaki." Aniya, kinagat ko ang ibabang labi.
Alam kong napakaeme nito pakinggan pero aaminin ko na, kinikilig ako! kinagat ko ang ibabang labi at nakita kong paano bumaba ang mga mata niya do'n dahil sa ginawa ko, ay shit!
"How about start courting me now?" Panghahamon ko kahit halos mapugto ang hinga ko sa pagpipigil, feel ko kasi maamoy niya ang hiningang lalabas sa ilong ko.
Tumaas ang sulok ng labi nito, "baby, can't you see? I'm now starting." Kung puwede lang tumili ay talagang ginawa ko na dahil sa sagot niya, ayaw din kasing magpatalo sa hiritan.
"Aba'y confirm na! dahil d'yan sisimulan na ni kuya ang pag-iigib ng tubig!" Pumalakpak silang lahat sa kasiyahan at naghiyawan ngunit ako naman ay napalalim ang kunot sa noo, ano?!
"Teka, diba may gripo na tayo ngayon? bakit kailangan ang pag-iigib ng tubig?" Nagtataka kong tanong at lahat naman sila ay napataas ng kilay, ay wow hah!
"Ate, hindi sa bahay kundi sa bukid!" Pumarte ng tuluyan ang labi ko dahil sa narinig, seryoso ba sila? malawak ang bukid sa likod namin at umiigib naman talaga para sa pag-wiwisik ni tatay pero talatang seryoso silang ipapagawa iyan kay Lim?
BINABASA MO ANG
The Untold Wife (COMPLETED)
General FictionA bride who's badly want to be known. WARNING: MATURED (R18) AHEAD Ⓒ︎22