Chapter 21

329 22 1
                                    

⚠️⚠️ UNEDITED

Note: Mentions of rape, possible typos, and lots of grammar mistakes. (Lalo na sa tagalog) Also, if may naulit na banat, pasabi.

Pashien = Pashiyen

--------

Dahan-dahan kong ipinitas ang mga strawberry na kaharap ko ngayon upang hindi mapunit ang dahon ng halaman nito na mas marupok pa sa akin. Bagama't ramdam ng aking likod ang sumisinag na araw, nagpatuloy ako sa naturang aksyon.

Pagkapuno ng aking palad sa kanang-kamay dulot sa pagkuha ng naturang prutas, inilaglag ko ito sa basket na hawak ng kasama kong alalay kanina pang sumusunod simula nung nakapunta kami rito.

Maduga na siya ang panay sinusundan ko kanina, sabi ko palit kami dito. Siya magbehave habang ako ang gagalaw.

Paano ba naman kasi, noong nasa mga panghistorikal na tourists spots kami parang nakawalang aso 'tong kasamahan ko. Hindi ko yun inaasahan sobra dahil ang prim and proper niya gumalaw.

Doon sa Tam-awan village, sandaling lumingon lang ako sa ibang direksyon, nawala na yung katabi ko. Hindi ko alam kung nakikipagdate ako o naghahanap ng aso na nakawala.

O, baka sinusubukan nito iwanan ako? Siya ang may hawak sa susi ng sasakyan, malaki ang possibilidad na e-tangay niya iyon.

Kaso, malabo rin. Ang tindi ng kalutangan ni Tori sa araw na 'to. Tulad sa oras na ito, ang kanyang tingin nasa malayo at mata'y halatang nag-iisip

"Huy, kanina ka pa tulala dyan." Istorbo ko sa babaeng nakatayo sabay kalabit sa kamay nito na humahawak sa lalagyanan ng mga pagkain bago bumalik sa pagpipitas. "Siguro isa sa mga babae mo ang nasa utak mo, 'no?"

"Again?" Tiredness was evident in her voice.

Pinagod ko yan literal kagahapon, kaya ganyan boses niyan.

Nakipagbardagulan ako, yun lamang.

"O? Bakit? Totoo naman sinabi ko kagahapon ah?" Inikutan ako ng mata ni Kapre.

"Ugh, you and your mind. Oo na, totoo na yun. Now, leave me alone." She wearily stated, stare shifting back to the view of mountains ahead of us.

Ganyan dapat ang mga alipin, sumusunod sa amo.

"What the fuck did you said?" Shit, mukhang nasabi ko uli yung nasa utak ko.

"What did I said?" I gave her an innocently questioning look for a second as I put the strawberries in the receptacle.

"Ewan ko sayo." Pikon, bleh.

"Hindi ka ba mamimitas? Ayaw mo ba ng ganto?" Isang basket kasi ang dala niya. Hindi ko alam if e-memerge yung napulot namin dalawa o hiwalay.

"...I don't like fresh strawberries." Ano daw?

"So, nabubulok gusto mo?" Ayaw niya sa fresh eh.

"Gaga." Napapikit at bahagyang umiling ito sa sinabi ko. Sinundan iyon ng mahinang pagbubuntong hininga.

Tama yun ah, anong mali?

"I'm referring the direct fruit. I prefer the flavored ones but not the literal source for it." Ah, bakit naman 'fresh' ginamit nitong Kapre? Malamang maiisip ko bulok ang gugustuhin niya.

"Tungak, maling term sinabi mo. Okay ka pa ba? Or, gusto mo uwi na tayo sa Manila?" Ang off niya talaga since nandito kami.

"That's improper if we end the date immediately. I'm not facing a tantrum child version of you all the way back." HIndi ko alam kung kikiligin dapat ako o tapunan 'to ng lupa.

ConsequencesWhere stories live. Discover now