Chapter 17

422 24 23
                                    

⚠️ UNEDITED

--------

I scrolled down the file my own secretary had sent me, compromising the schedule of mines regarding the things I have to dwell on for the upcoming weeks. Napabuntong-hininga na lamang ako sa dami ng aking gagawin.

Bawal ba magbakasyon ulit?

Itakas sana kami nila Leo again cutie.

Ilang linggo na rin ang nakalipas simula nung three day beach vacation namin sa villa na pagmamay-ari ng mga Lacson at Hunter. Kung gaano katagal na yon would be how long I've been courting Tori already.

After that specific transient moment, lagi ko siyang dinadalhan ng mga chocolate o kahit anong pagkain na matamis, basta't hindi vanilla, during the weekdays. Pag weekends, nag go-good morning ako sakanya sa e-mail tas dinadaldal siya doon.

Why there? Blinock ako ng babaeng yon sa lahat ng social media platform. Bwiset, kahit sa own cellphone number ko pa nga blinock ako non.

I tried texting her through the mentioned way kasi nakuha ko ang kanyang number from Kleo. However, isang message pa lang sinesend ko, hindi na ako nakasend ng isa pa.

Edi tinry ko sa e-mail. Ayon, hindi na ako mabloblock or maspaspam pa ni Kapre for the reason the said method of communication is important sa university kasi iyon ang paraan para makipag-usap sa mga professors patungkol sa mga grade, or rather, class matters. In result, wala siya nagawa kundi sagutin mga pinagsesend ko sakanya.

She thinks she can outsmart me? In all of those years I've lived, I'm wiser than her. Akala niya ha, mas mautak ako.

Modern problems require modern solutions.

Speaking of the aforementioned woman, ang salbahe niya kahit kailan. Talagang muntikan ako malunod because of her. I could vividly remember how the waves had already eaten me tas si Tori stinay put ako sa puwesto ko rather than letting me avoid it. She'd repeated it so many times hanggang sa nakita niya na nahihirapan na ako huminga due to the waves na sunod-sunod pumunta sa direction namin.

Tandang-tanda ko pa na I used all the strength I have inside of me para makawala sa kanyang pagkakahawak sa akin. Nevertheless, talagang mas malakas siya. She was never affected by all the violent acts I had done to her body during those couple of minutes of drowning me.

Matapos ang kagaguhan na ginawa ni Kapre, hindi ko siya pinansin the whole day. Ikaw ba naman halos sadyang lunurin ka, wouldn't you be upset with the movement the suspect had made?

Pero honestly speaking, parang nanaginip ako noong araw na yon. Matapos hindi ko siya binigyan ng attention, mas lalo niya akong nilambing. Getting my needed items for me, palaging niyayakap, and during the eating hours, her hand rested on my thigh the entire time.

Nagulat nga mga kaibigan ko sa mga ina-akto ni Kapre eh, I have the same reaction as theirs. We thought na may gusto na sa akin siya even though hindi pa nag-iisang linggo ang pinag-usapan namin na panliligaw. Kaso, masyado too good to be true kung ganon. Ang unrealistic kasi, in my view of course.

Ngunit pagkatapos nung naturang linggo, biglaan bumalik siya sa pagiging masungit. Sa totoo lang, 'di nakakatuwa. Still, I shouldn't have expected na she likes me already. Pero, tunay na iba ang pinapakita ng tingin niya non. However, baka nagpapalinlang lamang ako sapagkat gusto ko nga siya. Sabi nga ng karamihan, ang mga may gusto sa isang tao ay laging bulag sa mga galawan nila na pang 'red flag'.

The buzzing phone beside my laptop broke the chain of thoughts within me, eyes laying on the screen of the said device. My eyebrows furrowed as I saw the text 'Daddy' on the screen.

ConsequencesWhere stories live. Discover now