Chapter 23

180 14 0
                                    

⚠️ UNEDITED

--------

...Father's bloodline has hereditary diabetes.

Luh.

Binibigyan ko pa naman siya ng tsokolate palagi, kaya siguro nangangayayat.

I grabbed the water bottle sitting on the left side of the table, twisting the cap open and chugging the liquid down as I continued to read the paper now clutched in my right hand, which was resting flat on the surface earlier.

"May diabetes ba si Tori?" I asked while putting the enclosed water bottle on the desk.

Baka 'di niya namana, baka lang.

"Meron. Hindi ka ba sinabihan ni Kleo?" Tanong ng pinsan kong nakahilata sa couch na matatagpuan sa gilid ng office. Malapit ito sa may cabinet na nakitaan ko ng adoption papers ni Kapre.

Whoops.

"...Hindi." Siya pa nga nagsuggest na tsokolate ibigay ko sa babaeng 'yon dahil paborito niya.

That's questionable. Itong si Kleo ang naglelecture sakanya na maging healthy e'.

Napatingin sa akin si Ven pagkasabi non. "...Ikaw ba ang-" Tumikom ang kanyang bibig, mata nanatili sa akin nang ilang minuto bago umiling-iling. "Don't mind what I've said, ignore it."

Eh?

"By the way, may nagawa ka na ba para masolusyonan yung problema sa company mo ngayon? Oo, narinig ko na yun. Chismosa mga employees mo. Mana sa tagapagmana." The woman stated, attention going back to the phone being grasped by her right hand.

"Very funny. Ikaw nga chismosa rin, tinatanong kung may ginawa na ba ako." Inirapan ako nito sa narinig. Binalik ko lamang din ang kanyang ginawa sa akin. "Meron. Inutusan ko na ibang tauhan ko kanina bago ka bumalik dito. Pinapacheck ko na ang sector na nagmamanage ng input and output ng kumpanya, sinabihan sila na tanungin ang mga guard na nakabantay sa entrance ng building both during the morning and night shift, atsaka, pinapatingin ko ang cctv doon sa destined floor nila. Ramdam ko na baka may taong gumalaw dun noong mga outside office hours."

We never know, pero baka ganon na nga ang nangyari.

Bagaman may mga night guard dito, makapanibagong teknolohiya na ang meron ngayon. Mabilis na makapasok sa loob ng mga establisyemento na 'di napapansin.

Babalik na sana ako sa pagbabasa muli, kaso naghabol pa ng sasabihin ang kasamang tao. "Ba't hindi mo e-hire si Victoria. Sure enough nahuli mo na yung babae na 'di makatulog. Gawin mo tuloy siya isa sa mga nagbabantay dito. Matalas mata nun, e-recruit mo na."

"Ayaw ko, may ginagawa siya tuwing gabi." Maisip niya pa na gustong-gusto ko siya makausap.

"Hm? Alam mo na yun? Well, fair enough. Still, if I were you, kukunin ko siya. She likes doing something else than the usual that would keep her busy the whole night." Umupo siya sa sopa, buhok inaayos ng kanyang kamay na sinundan ng pag-unat-unat.

"I'll consider it." I said as my mind suddenly remembered the conversation between me and the person mentioned the previous night. "Tahimik ka na dyan, kita mong nagbabasa ang tao. Wala ka siguro magawa."

"Wala nga, kaya dinadaldal kita. Tapos ko na yung binigay sa akin na kaso eh."

"Then, shh. I'm reading here. Have some manners, woman." Bilang resulta, umikot ang mga mata ng babae. 'Di ko na ito pinansin at agad na lamang bumalik sa pagbabasa.

So far, ang nalalaman ko palang ay literal na background niya. Tulad ng eskwelahan na pinasukan nito simula elementary hanggang college bago lumipat sa MDRU for her last year in law, saan ang kanyang province sa biological parent's side whereas it is peculiarly the same as the Harrison's, and weirdly enough, may listahan ukol sa mga inassume sakanya na potential 'secret' girlfriend niya. However, it was all debunked. So, tunay na hindi pa nga siya nakakapasok sa isang relasyon.

ConsequencesWhere stories live. Discover now