Chapter 25

243 21 9
                                    

⚠️ UNEDITED

--------

"Sure kang ayaw mo sumabay?" I asked the occupied woman. Her hands swiftly grabbed and stuffed the cosmetics inside the bag she brought.

Scar zipped the bag close once all the materials were inside. "No need. I'm with someone."

"Ege, sabi mo yan. Thank you, ah." Pagpapasalamat ko sakanya.

Siya gumawa ng make-up ko. Si Natalie dapat ang nandito ngayon. Kaso, hindi sumasagot sa mga tawag ko.

"Don't mention it. I gotta go. Naghihintay na sa akin sundo ko."

"Hatid na kita." The dirty blonde haired person nodded, acknowledging what I've said and letting me walk beside her in silence.

It didn't take long to reach the door leading outside of the house. Astonishingly, a black Ferrari SP38 car was parked already in front of the direction leading to the door step. Another not-so-anticipated occurrence, but somehow also expected it, was Reagan coming out of the driver's door and walking towards us just to grab the bag Scarlett had been holding along with telling her she'll be waiting inside the car.

"Huy, ano meron sa inyo?" Tanong ko sakanya while we both watch her get inside the vehicle again.

"Kaibigan lang as in. Gulat din ako, actually. Niyaya ako niyan bigla." She stated, eyes seemingly looked stunned upon recalling the memory. Still, I wasn't convinced by her explanation.

"Alright. Una ka na. Baka nainip na yan. Ingat." I bid my goodbye to her whereas she reciprocated it too before completely entering the sports car.

Pinanood ko itong umalis hangga't sa mawala na ang naturang sasakyan sa aking paningin. Buti sila magkasabay pa pumunta roon sa party. Paano naman ako na panay seen ang nakukuha?

Ang paglatad ng impormasyon sa akin ang naging interaksyon lang namin sa mga nagdaan na araw. 'Di ako maka-text o tawag kay Kapre, sobrang busy ko sa mga oras na 'yun. Hindi rin siya nagtangkang magchat. Very expected kasi ayaw niya sa akin. Ayon, pareho kaming MIA sa isa't isa.

"Daniella! Wait for me inside the car. Nasa labas na ng gate yun kung gusto mo na puntahan!" Sigaw ni Daddy mula sa loob ng bahay.

Upon noticing myself still standing outside of the abode, I went within the premises of the household once more just to put the necessary things I'll be needing for the next few hours. For the second time, I left the domain wholly, as I knew my father would shout all the way from the gates in order to let me know we were leaving.

Ayaw ko mangyari yun. Istorbo para sa mga kapit bahay.

Pagkapasok ko sa loob ng likuran ng sasakyan na sinundan ng pag-angat ko ng aking tingin, nagulat ako sa taong naka-upo sa driver's seat. Ang mala-tanso nitong mata nakapokus sa harapan, tila'y nagmumukhang may iniisip.

Akala ko ba sasabay ito kay Ellaine? Ano 'to? Chauffeur namin siya?

Gusto ko man magsalita, nanatili akong tahimik at pinadpad ang atensyon papunta sa labas ng bintana. Ilang minutong umali-aligid muna ang katahimikan sa ere bago bumuka na rin ang kanyang bibig upang magsalita sa wakas.

Kaso, natikom ito uli pagka't sumakto ang pagpasok ni Daddy sa loob. Ang mata ng kapapasok lamang ay napunta sa harap pati sa akin nang ilang beses. Tsaka na ito tumigil nung may makumpirma siya, if tama nga ang pagkakabasa ko sa kanyang itsura.

ConsequencesWhere stories live. Discover now