Summer..
Ito ang pinakainaabangang bakasyon ng mga estudyante..
Estudyanteng gustong makapag-relax at mag-enjoy.
At Ako?
Syempre inaabangan ko din ito sapagkat sa panahong ito maaari ko ng mabasa lahat ng novels na binili ko noong December.
Nerd ba ang dating?
Well, hindi kayo nagkakamali. FREAKING NERD yan ang bansag sakin ng mga classmates ko. GORGEOUS NERD yan naman ang bansag NIYA sakin.
Summer..
Isang salitang malaki ang kahulugan para sa akin, Salitang kahit kailanma'y hinding hindi ko makakalimutan. Bakit?..
"Summer, handa na ba mga gamit mo? Bilisan mo at aalis na tayo mamaya maya lang. Hintayin kita sa baba, okay?"
"Opo Mama."
Sapagkat yan ang salitang bumubuo sa pagkatao ko. Bumubuo sa buhay ko..
Summer..
Sa panahong ito hindi ko akalaing mababago nito ang buhay ko. Sana nakapaghanda manlang ako. Sana naging mas matatag ako. Sana hindi nalang kami nagbakasyon pa, para sana..
"Ano ba Summer! Bitiwan mo nga muna yang librong yan. Magbabakasyon tayo para makapag-relax, lalo na ikaw." Hinablot naman ni Mama sakin yung libro ko.
"Opo na Mama, bigay niyo na po sakin ulit yung libro. Promise hindi ako magbabasa" Ibinalik naman sakin ni Mama yung libro.
Para sana hindi ko nalang naramdaman ito..
Regrets? Oo, nagsisisi ako. Pero ano nga bang magagawa ko? Isang hamak na rookie lang ako sa laban na to.
"Welcome to Summer Paradise" bati samin ng receptionist sa lobby ng hotel.
Eto na yun..
Summer paradise..
Lugar kung saan mararanasan kong magmahal at masaktan..
Lugar na malaki ang gagampanan sa buhay ko..
"Love can deceive you to lose, or guide you to win. There is no in between."
---------------------------------------------------------
Author's Note:
This story should be ended by summer kaso di ko natapos.Hihi I hope magustuhan niyo 'tong story. Natuwa kasi ako sa kantang Summer Paradise ng Simple Plan kaya naisipan kong gumawa ng story out of that song.
Don't forget to leave your comments and vote if it deserves to.
Be a follower!
- Chellie/
BINABASA MO ANG
Summer Paradise [HIATUS]
Подростковая литератураAno kaya ang buhay mo kung hindi siya dumating? Ano kaya ang buhay mo kung hindi mo siya nakilala? Mag-iiba kaya ang kapalaran mo? Pero paano kung tadhana na ang mismong gumawa ng paraan para magmahal at masaktan ka? kakayanin mo kaya? "Love can dec...