Chapter 1 - The beginning

84 7 14
                                    

[Summer's POV]

"Summer, saan ka magbabakasyon? Ako kasi sa Boracay and I think pupunta rin kaming Cebu. You know we afford that kind of vacation." sabi ni Rose.

Tumawa pa siya pagkasabi niya nun. Siya si ROSE SANDOVAL ang pinakamaarte slash mayabang slash Campus Princess ng school namin. Hindi ko nalang pinansin yung sinabi niya. Inayos ko nalang mga gamit ko tsaka tumayo. Pupuntahan ko pa si Celine sa kabilang room.

"Hoy! Saan ka pupunta? Bakit hindi ka sumasagot sa tanong ko? Maybe wala kayong budget para sa bakasyon no? How poor.Sabay hawak ni Rose ng mahigpit sa braso ko. Nagtawanan pa sila Rose at ang mga kasama niyang mukhang clown dahil sa kapal ng make-up.

"Ano ka ba Rose, ang mga FREAKIN' NERD na gaya niya walang interes sa pagbabakasyon, more on school stuffs at books lang inaatupag nila. Ni mag-ayos nga ng sarili niya hindi niya magawa eh" sabat naman nitong isang babae na akala mo nginudngod ang mukha sa harina dahil sa puti ng mukha. Well, lahat naman sila parang nginudngod ang mukha sa harina at mapupula ang mga labi.

"Oo nga naman. Hahaha" pagsang-ayon naman ni Rose at ng iba pa niyang kasama. Wala ba talaga silang ibang magawang matino at ako na naman pinagtitripan nila? Kung sabagay, di pa ako nasanay eh araw araw naman ganito.

"Magbabakasyon kami sa Summer Paradise in Palawan. Now will you please let go of my arm? Marami pa akong gagawin." Napabitaw naman sa akin si Rose. Mukhang gulat na gulat naman silang lahat. Well to inform you, Summer Paradise is very popular not only in the Philippines but all over Asia because of its luxurious and high priced resort and hotel and great accomodation.

Umalis naman na ako agad at iniwan silang mga hindi maipinta ang mukha. Sakto nakasalubong ko naman si Celine my bestfriend na tumatakbo papunta sa gawi ko.

"Oh bakit ka tumatakbo?"

"Eh kasi.. ano.. Hinahabol na naman ako ni Calvin." Hingal na hingal pa siyang kumapit sa braso ko.

Ah kaya naman pala. Si Calvin kasi patay na patay yan kay bestie. Halos rape-in na nga ni Calvin si Celine eh. Pero sa totoo lang, joke lang yun. "Bakit na naman?"

"Natapunan ko kasi siya ng pintura sa uniform niya. Ayun hinabol na naman ako. Lagot daw ako sa kanya.Baliw talaga 'tong betsfriend ko. Nung nakaraan juice lang natapon niya sa unifrorm ni Calvin, ngayon naman pintura. Clumsy kasi =___= Ano naman kaya ang susunod? Asido? Jusko wag naman sana.

"Ayan, ang clumsy kasi! Magsorry ka nalang o di kaya kunin mo uniform niya at labhan mo." Nagsimula naman na akong maglakad at nasa tabi ko naman siya.

"Ha? Ayoko nga! Alam mo naman hindi ako marunong maglaba dba?"  Ay oo nga pala. Sa pagluluto maaasahan mo yan pero sa paglalaba? A BIG NO NO! Natatandaan ko pa dati naglaba siya ng handkerchief na hiniram niya sakin and pagbalik nya nun sakin halos di ko na nakilala yung panyo ko, para ng mukhang pampunas sa pwet ng kalabaw. Tapos eto pa ha, ang lakas ng loob niyang gumamit ng zonrox nun tapos nilagyan nya yung favorite shirt nya na may mukha ng bandang Paramore ayan nagkatagpi-tagpi yung kulay.

Wait a minute kapeng mainit! Sa pagluluto maaasahan mo siya! Since gradeschool palang kami mahilig na siyang makielam sa kitchen nila.

Oo nga no, nagluluto siya so may iba pang paraan.

"Edi lutuan mo nalang siya ng pagkain, kinda peace offering I guess?" Mukhang nagulat naman siya sa sinabi ko. Nanlaki ang mga mata niya. Hoy Celine pumayag ka nalang! 

"AYOKO NGA! Manigas siya! Hinding hindi ko siya lulutuan no." pagmamaktol naman niya. Aba ako na nga tong nagsuggest nagmaktol pa?

"Edi bahala ka. Hindi ka tatantanan niyan ni Calvin." Nginitian ko naman siya. Mukhang naasar naman lalo siya.

"Edi wag. Bahala siya!" Tss pride -______-

Tigas talaga ng ulo nito. Ayaw mag-sorry, ayaw maglaba, ayaw magluto! ANONG GUSTO NIYA MAKIPAGPATENTERO?

"Bahala ka nga aalis na ako andyan na kasi sundo ko. Sabay ka?" tanong ko sa kanya ng malapit na kami sa parking lot.

Nagliwanag naman bigla ang mukha niya. Tila nakakita ng gem sa Temple Run. "Oo naman no! Para matakasan ko rin yung asungot na yun." Hinawakan naman niya ako sa braso at kinaladkad papuntang parking lot. Excited lang umuwi? -____-

Nung nahatid na namin siya sa bahay nila dumiretso na rin kami sa bahay. Hanep dba hinatid pa namin sa bahay nila =_____= Hayy aalis nga pala kami bukas. Tinatamad pa naman ako >___< 

Nang makarating ako sa bahay nadatnan ko si Mama na nakaupo sa sofa at nagbabasa ng magazine. "Hi Ma!" bati ko sa kanya sabay mano at kiss sa cheeks niya.

"How's your school?" She asked without looking at me.

Umupo naman ako sa tabi niya. Hayy sa wakas bakasyon na. "Fine. Vacation already." I smiled.

"Good. Bukas maaga ka magising kasi maaga tayo aalis. Okay?"

Napabuntong hininga ako."Ma, do we really need to spend our summer in Palawan?" Ayoko kasi talagang magbakasyon. Ewan ko pero hindi ko talaga feel ang pagbabakasyon. Mas gusto ko pang dito nalang sa bahay at magbasa ng mga libro.

Ibinaba naman ni Mama yung magazine na binabasa niya at tinignan ako. "Of course anak, para naman makapagbakasyon ka and our family. Susunod nalang daw Papa mo doon sa Palawan bukas kasi may tinatapos pa siyang trabaho sa company."

Hayy.. May magagawa pa ba ako? I guess kailangan ko talagang sumama. And of course minsan lang kaming makapagbakasyon ng buo ang pamilya. Usually kasi kami lang ni Mama nagbabakasyon kasi si Papa busy sa trabaho niya. "Sige po Mama. Akyat na po ako sa taas ha? pahinga lang ako."

"Hindi ka manlang ba magmimiryenda? May cake akong binili, andyan sa kitchen. Gusto mo padala ko nalang kay Manang Fe sa kwarto mo?

Tumayo naman na ako."No Ma, later nalang po."

Mukhang nag-isip pa muna si Mama bago nagsalita, "Okay anak."

Then umakyat na ako sa room ko. Humiga ako sa kama. Sa wakas bakasyon na, kahit papaano makakapagpahinga na ako ng maayos, walang iniisip na school works at kung anu-ano pa. Ipinikit ko ang aking mga mata. Matutulog nalang muna siguro ako..

------------------------------------------------------------

A/N

Hi everyone! Sorry natagalan yung update. I hope magustuhan niyo 'tong chpater na 'to at masubaybayan niyo yung kwento na 'to :) May draft na ako nito hanggang chapter 3 kaso hindi ko pa natatype dito sa wattpad, nasa bondpaper ko pa. Haha

Don't forget to comment or vote.

Follow me if you want to <3

- Chellie/

Summer Paradise [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon