[Bff!!!!!!!]
"Ugh. Wag ka ngang sumigaw! Kakagising ko lang eh" sabi ko ng nakapikit pa. Grabe ang aga mambulabog ng babaeng to =______= Pero ghad! I miss her so much T_T
[Ang sungit naman! Haha anyway, Imissyou!]
Napangiti naman ako. Halata sa boses niya ang kaligayahan na kausap niya ako ngayon. "Imissyou too, bff. Kamusta? Grabe ilang araw na rin kita hindi nakausap :3" Tumayo na ako at naglakad papuntang veranda.
[Yieeeee! Eto okay naman. Nako marami ako ikukwento sayo pag nagkita tayo. Haha] Hmm bakit parang base sa boses niya kinikilig siya? Aba baka may bagong crush na naman tong babaeng to.
"Yeah sure. Ako rin! Marami rin akong ikukwen---aypusanggala"
"Goodmorning Summer!"
Gah! Muntik ko na mabitawan yung iPhone ko dahil sa lalaking gumulat sakin. Eh sino pa ba sa tingin niyo? Edi si Hermes!! Anong ginagawa ng lalaking yan dito? Naging hobby na ba nya ang gulatin ako?
[Hoy bff! Sino yun? Boses lalaki yun ah---]
"Call you later bff. Bye" sabay end ng call. Kailangan ko munang kausapin tong lalaking to. Jusko kagigising ko palang. Anong oras palang kaya!
"Sino yun?" Sabay nguso sa iPhone ko para ituro.
Tumaas naman kilay ko sa tanong niya. Seriously, bakit kailangan niyang magtanong?! -______- "Pake mo? Teka nga bakit ba andito ka?!" Lumapit naman siya sakin at hinawakan pisngi ko.
"Woah" napaatras ako.
He chuckled. "Ang cute mo pag bagong gising.."
Ano ba tong lalaking to? Feeling ko nag-init mukha ko sa sinabi niya >////< normal ba to?
"Anyway, nagpunta ako dito para sabihing ngayon ang date natin, susunduin kita dito ng 7pm" he smiled.
"Wait. What date?" inosenteng tanong ko. Malay natin magbago isip. Kunwari wala akong alam. Waaaaaaah! Bakit ba kasi pumayag ako? Eeehhhh! Naipit lang naman ako sa sitwasyon eh T_____T
"Don't act as if you don't know what I'm talking about babe, so...." lumapit siya sakin at itinapat ang bibig niya sa tenga ko. "see you later babe"
Bago pa ako makasagot naglakad na siya sa kabilang side ng veranda ko at buwis buhay na tumawid dun papunta sa veranda niya. Medyo maliit kasi space nun so keri naman. Pero kahit na!! Buwis buhay pa rin. Tssk eh pake ko ba sa kanya? -______- AT KELAN PA AKONG NAGING BABE? HINDI AKO BABOY!! TAO AKO, TAO!
7pm.
Hindi ako mapakali. Talaga bang magdidate kami? As in for real? Pero in any minute now pupunta dito sa kwarto si Mama. May pupuntahan din kasi kami.
What to do?!
A. Magtulug-tulugan
B. Sumama kina Mama at kunwari nakalimutan kong may date kami
C. Sumama sa kanya at kunwari nakalimutan kong may lakad kami nila mama
D. Erase letter C
E. none of the above
Waaaaahhhhh! Nababaliw na yata ako T____T
*tok tok tok*
Halos mapatalon ako sa gulat ng marinig kong may kumatok. Sino kaya to? Don't tell me siya to.
Please (-/\-)
Huminga muna ako ng malalim tsaka lumapit sa pintuan para buksan ito. Dahan dahan kong pinihit yung doorknob at...
*Tug tug tug tug*
"Anak." Wew thank God si Mama ang nauna. My life saviour!!
"Yes Ma? Alis na po ba tayo?" nakangiti kong tanong. Sasama ako kina Mama para matakasan ko yung lalaking yun. Please say yes Mama!!! Please (-/\-)
"About that, hindi na tayo tuloy kasi ---"
"What?! But why?" Natataranta kong tanong. Please Ma kahit libutin pa natin ngayong gabi ang Palawan, kahit magswimming pa tayo o magparty basta umalis lang tayo.
"Kasi nga may pupuntahan akong client na andito rin sa hotel. Importante to Summer, big time client to" Hayy halata nga sa boses ni Mama na importante yun.. Para akong pinagbagsakan Ng langit at lupa at buong universe! *insert sad song here please*
"I'm so sorry anak. Bukas nalang tayo gumala. I promise" then she kissed my forehead.
"Yeah sure Mom. Okay lang." I smiled. Kahit deep inside kinakabahan na ako at the same time nanlulumo ako.
"If you want magliwaliw ka muna sa resort. Isama mo si Johann"
"No.. Maybe I'll just stay here nalang Ma" Stay here nga ba? Waaaaaaaaahh T_____T Nakakainis naman kasi eh! Naipit lang naman ako sa sitwasyon kahapon eh.
"You sure?"
NOOOOOOOO!!!! "Yes Ma."
Huhuhuhuu. Nakakainis naman kasing lalaki yan! Umalis na rin si Mama. Sinara ko na yung pinto ko. Pagkaharap ko...
"Hi babe!"
Ahsgdjjdkjjud!! Andito na naman tong lalaking to? Saan to nanggaling? May secret door ba dito sa gilid ng kwarto ko at nakakapasok siya agad dito?
"Anong ginagawa mo dito?"
"Obvious ba edi sinusundo ka" sabi niya sabay kindat. Nagtaasan lahat ng balahibo ko sa sinabi niya. Para siyang may gagawing masama sa kindat niya. Ngayon ko lang napansin nakasuot siya ng dark blue na maong at black and white checkered na polo na long sleeves pero nakatupi ito.
"Let's go?" he said sabay lahad ng kamay niya.
Sasama ba ako hindi?
Sasama ba ako sa gwapong nilalang na to?
----------------------------------------------------
A/N
Another update for you guys :))))))
- chellie/
BINABASA MO ANG
Summer Paradise [HIATUS]
Novela JuvenilAno kaya ang buhay mo kung hindi siya dumating? Ano kaya ang buhay mo kung hindi mo siya nakilala? Mag-iiba kaya ang kapalaran mo? Pero paano kung tadhana na ang mismong gumawa ng paraan para magmahal at masaktan ka? kakayanin mo kaya? "Love can dec...