Chapter 9 - With my bestfriend

14 0 0
                                    

It's already 10:37pm pero mulat na mulat pa ang mga mata ko.

Ugh. Bakit ganito? Bakit ba ganto epekto sakin ng lalaking yun? At bakit ako nakakaramdam ng butterflies.. Uhh.. Sa stomach ko. Normal ba yun? At bakit siya ang nasa isip ko? At bakit nakakaramdam ako ng electric current sa mga tingin niya sakin?

Hindi ko maintindihan.

Arrrrgggghhh! Nakakainis na lalaki naman yun!

Pero sa totoo lang kanina sa dinner namin hindi ko maexplain pero ang saya ko.. Siya palang ang lalaking nakagawa sakin ng ganun. Grabe ka Hermes! Grabe ka talaga!!

Ugh. Gusto ko na matulog :( please!!

*beep*

1 message received.

Tinignan ko kung sino yung nagtext. At wow, si Jojo nagtext. Wait! Gising pa siya ng ganitong oras? Binasa ko yung message niya.

From: My Jojo

Gising ka pa? I can't sleep. Can I come in your room?

Wag na kayong magtaka kung bakit ganyan ang pangalan niya sa phonebook ko, siya ang naglagay niya kaya hayaan na. At tutal hindi pa naman ako inaantok nagreply ako sa kanya.

To: My Jojo

Sure! Di pa rin ako antok eh.

Then wala pang 10seconds may kumatok na sa pinto ko. Teka don't tell me siya na agad to? HUWAW!

Bumangon na ako at binuksan ang pinto. Napa-uwang ang bibig ko kasi andito na agad siya sa harap ng pinto ko.

"Oh bibig mo baka pasukan ng langaw. Bakit hindi ka pa natutulog?"

Sinara ko naman agad yung bibig ko. Tsk ikaw kaya may kasalanan! Andito ka na agad sa harap ng pinto ko! Grrrr ><

"At bakit hindi ka pa rin tulog? Tsaka kakatext mo palang sakin andito ka na agad?" -______-

Pumasok naman siya sa kwarto, sinundan ko siya at sinara ang pinto. Tssk weird Fall Johann -____-

"Wala lang. Hehe

At humiga pa ang loko sa kama ko.

"Loko ka talaga!" sabay bato ng unan sa kanya.

Okay lang naman na kasama ko siya dito sa kwarto, wala namang malisya. Kaya no worries kung makita man kami ni Mama. Kaya wag greenminded, oki?

"Saan ka pala nanggaling kanina?"

Uh-oh. Should I tell him?

Why not?

But I should not.

"Uhm.. Sa ano.. Ahm.. Naglakad-lakad lang sa resort. He-he" kinakabahan kong sambit.

At kelan ka pa natutong magsinungaling Summer? -______-

"Really?" tinitigan niya ako at nilapit ang mukha niya sa mukha ko. Napaatras naman ako bigla.

"Oo nga.. Bakit ba?"

Geez Jo, please ilayo mo na mukha mo. Oo alam kong gwapo ka ng bestfriend ko.

"Wala lang.. Akala ko kasi ikaw nakita ko sa likod ng resort."

Omg! Nakita niya?

Oh No no no! Siguro naman hindi. Oo tama hindi nga. Wag kang kabahan Summer. Chillax ka lang. Hinga malalim. Inhale good vibes, exhale toxins. Ano araw? Ahhhh! Kinakabahan kasi ako.

Summer Paradise [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon