Chapter 15 - My bestfriend, My protector.

8 0 0
                                    

[Rose's POV]

How pathetic. Halata namang may gusto siya sa Hermes ko. Well sorry nalang siya pero AKIN lang si Hermes. Besides, may Johann naman na siya. Swerte niya dahil ang gwapo ng lalaking yun at super kaduper hot pa. Hmm I think I want him too but not now.

"Babe?"

Katabi ko ngayon sa kama si Hermes and nakatulala lang siya sa kawalan. Problema na naman kaya nito? Niyakap ko siya at ipinilig ang ulo ko sa dibdib niya. Nakahiga kasi kami parehas sa kama pero may mga suot naman kaming damit kaya wag kayong green. Mamaya pa session namin doon.

"What?" Iritado ang boses niya nang magsalita siya. Napakamoody talaga ng taong ito.

Pasalamat siya gusto ko pa siya at napagtyatyagaan ko pa kahit ilang araw palang ang nakakalipas nang maging kami. Mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa kanya. Ang init ng katawan niya. Oh no not now hormones please. Masyado pang maaga.

"Inaaya tayo nila Donna mamayang gabi sa parang campfire something.. Punta tayo ha?" Tumingala naman ako para makita ang mukha niya. Tinignan naman din niya ako at tumango. "Fine sige."

Yes! I'm sure magiging masaya ito *evil laugh*. I have a very fantastic plan tonight.

**

[Summer's POV]

"Johann!!!!! Arrgghh!! Nakakainis ka! Madaya ka eh!"

Naglalaro kasi kami ng ungguy-ungguyan sa baraha tapos palaging ako yung unggoy. Ang daya talaga! Pinaghahampas ko siya sa dibdib. Nahulog tuloy glasses ko mula sa mukha ko. Umupo naman ako at inis na kinuha ito at sinuot muli. Imbis na masaktan siya tumatawa ba naman? Nakakainis lalo!

"Hahahahaha! Kasalanan ko bang magaling ako? C'mon Sum, parang di mo naman ako kilala. Ako yata pinakamagaling sa larong yan. Hahaha!" Tawa pa siya ng tawa habang nakahawak sa tiyan niya. Kabagin ka sana!

"Eh nandaraya ka eh! Syempre mananalo ka talaga." Binato ko siya ng unan at sinalo naman niya ito habang tumatawa.

"Ako nandaraya? Hahahaha. Sige para patunayan ko sayong hindi ako nandaray.." Nagulat naman ako nung tumayo siya at tinignan ako ng may nakakalokong ngiti. "Hubaran mo ako para makita mong wala akong ginagawang daya. Dali!" Sinipa ko naman siya sa tuhod at napaupo siyang muli sa sahig at napamura sa sakit.

"Kadiri ka!!!" Yan ang napapala ng tulad mo. Kahit maganda katawan mo hindi ko gagawin yun. Hindi pa siya natitigil sa pag-inda ng sipa ko sa kanya nang may kumatok sa pintuan.

Nagkatinginan kami ni Johann. Wala naman kaming ineexpect na taong pupunta dito sa kwarto. Si Mama nasa meeting about sa company kanina pang 9am. Si Celine naman nagtext sa akin kagabi na umuwi sila sa Manila kasi yung Lolo niya nasa hospital. Yung housekeeper naman kanina pa pumunta dito. Sino naman kaya ito?

"Jo, ikaw na magbukas. Mamaya serial killer yan eh."

"Ayoko nga! Kita mong ang sakit ng tuhod ko gawa ng pagsipa mo. Ikaw na magbukas. Isa pa tanghaling tapat po kaya, hello? Serial Killer ka diyan." Kung sabagay. Tumayo naman na ako at pumunta sa harap ng pintuan. Huminga muna ako ng malalim bago binuksan ang pinto.

"Hi Summer!" Bati sa akin ni Donna at sumilip sa loob ng kwarto ko, "Hi Johann!" Bati niya rin kay Johann. Okayyyy anong meron? Tinignan naman niya ako at ngumiti.

Kung titignan mo si Donna akala mo kasing age ko lang. Pero sa totoo lang 20 years old na siya at ikakasal na 3 months from now.

"Hello Donna!" Sabay naming bati ni Johann. Nasa tabi ko na pala siya. Sus, masakit daw tuhod.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 18, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Summer Paradise [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon