Chapter 3 - He's here?

54 5 8
                                    

Nagising ako na may kumakatok sa pintuan ko. Ang lakas nung katok sa pinto akala mo kwarto ko sa bahay ang kinakatok -______- Siguro si Mama yun. Siya lang alam kong ganyan kumatok sa pinto. Anong oras na ba kasi? *tingin sa orasan* Okay 7:15PM na. *pikit mata sabay mulat ulit* Bumangon naman ako agad. Akala niyo sisigaw ako at maghihysterical? Hahaha biro lang. Lumapit ako sa pintuan at binuksan ito.

"Hi Mama " bati ko kay Mama habang kinukusot kusot pa ang mga mata ko. *yawn* Inaantok pa ako huhu

"Ang hirap mo talagang gisingin. Mag-ayos ka na, kakain na tayo ng dinner sa baba" sabi ni Mama. Natawa naman ako kay Mama. Totoo yun, mahirap talaga akong gisingin lalo na pag pagod na pagod talaga ako. Kaya wag na kayo magtaka pa. Pero masisisi niyo ba ako? Ang sarap kasi magliwaliw dito tapos napagod pa ako sa byahe.

"Sige po Mama, you go ahead na po. Susunod nalang ako" sabi ko kay Mama.

"Okay. Bilisan mo ha?"

Tumango naman ako tsaka kiniss ni Mama ang pisngi ko bago umalis. Hayy ano namang isusuot ko? Simple jeans and V-neck shirt nalang siguro. After kong magbihis ay nag-ayos muna ako ng onti. Nakakahiya naman kasi paglabas ko mga mukhang artistahin ang mga tao. Nang matapos ako magbihis at mag-ayos ay lumabas na ako at sumakay sa elevator papunta sa floor kung saan andun ang restaurant na kakainan namin.

Nung nasa di kalayuan na ako sa table kung nasaan si Mama, I was taken aback.

Hindi lang kasi si Mama ang nandun. May kasama siyang dalawang lalaki. At yung isa ay very familiar sakin.  Masyadong malabo ang paningin ko kaya naman di ko masyadong maaninag ang mukha ng mga kasama ni Mama. I should act naturally. Pinagpag ko muna ang damit at huminga ng malalim bago ako lumapit sa kanila.

"Ma" bati ko kay Mama at nagbeso beso kami.

"Finally you're here. I want you to meet --" biglang dumako ang tingin ko ng nakangiti sa isang binatilyo na kasing age ko at sa lalaking nasa mid-30's na. Pero mas napako ang tingin ko sa binatilyo.

"Ikaw?!" sigaw ko sa kanya. Halata namang pati siya nagulat dahil nanlaki ang mata niya pero mga 3 seconds lang yun tapos naging seryoso na ulit siya. Anong ginagawa niya dito? O_o

"Do you know him, Summer?" My Mom asked.

Hindi ako makapagsalita. Kahit isang salita manlang. Bakit siya andito?

"I know her Tita, she's my former classmate at Camellon University" he said. Seryoso ang mukha niya. Siya ba talaga to? O baka naman hallucination ko lang. Hindi naman ako masyadong umiinom ng kape ah?

Still, I was on a state of shock.

"Oh! That's great. So you know each other already?" His father said. I think he's his father.

Tumango nalang ako as an answer. Umupo nalang ako sa tabi ni Mama without saying any other word. At dahil wala naman masyadong nangyari habang kumakain kami ayoko na ikwento pa.

"Johann.. W-what are you doing here?" I asked.  Andito kami ngayon sa dalampasigan. Naglalakad-lakad. Umupo siya sa may buhanginan at tumabi naman ako sa kanya. Ang lamig dito at ang sarap ng simoy ng hangin.

"I came back for you, obiously." He said in a very serious and sincere voice. Napatingin ako sa kanya ng hindi makapaniwalang tingin. 

"That's absurd Johann! You left without bidding goodbye." Pinipigilan kong hindi maiyak. It's been 3 years since he left. And now pakiramdam ko tinutusok-tusok ang puso ko.

"Kaya nga andito na ako. I'm sorry." bigla nalang niya akong niyakap. Hindi ko na napigilan naiyak na ako and I hugged him back. Kahit kailan hindi ko pa rin pala siya matitiis.

"Ang daya mo naman kasi! *sniff* Alam mo namang bestfriend kita tapos malalaman ko nalang *sniff* malalaman ko nalang umalis ka na ng hindi manlang nagpapaalam. *sniff* ang daya mo!!" pinaghahampas ko siya sa dibdib niya.

"Sssshhh. I'm sorry Summer." mas hinigpitan niya ang yakap niya sakin habang ako panay suntok sa dibdib niya.

"Namiss kita sobra! Alam mo ba yun? Kainis ka!" Then I heard him giggle. Nakuha mo pa talagang tumawa ng ganyan? -___- T____T

"Ako rin namiss kita sobra! So, bestfriend na ba tayo ulit?" tanong niya sakin. Kumalas naman ako sa yakap niya at tinignan siya sa mga mata niya.

"Oo naman! Bestfriend Fall :)" Natawa naman siya.

"Thank you bestfriend Summer :)"

Naglakad-lakad pa kami sa Resort. Hindi pa rin ako makapaniwala na kasama ko siya ngayon. He's my bestfriend since I was 14 years old. I know nagtataka kayo kung bakit hindi siya kilala ni Mama. Well, to tell you honestly, natatakot ako na baka magalit si Mama sakin kaya never ko siya pinakilala. Ayaw niya kasing makipagkaibigan ako sa mga lalaki.

Why? I don't know either. I never asked.

Our friendship was hidden until one day nalaman ko nalang umalis na si Johann. Nagalit ako sa kanya at the same time nasaktan. That was the first time na nasaktan ako ng dahil sa isang lalaki. Summer yun nung umalis siya.

Doon ko narealize yung sinabi sakin ni Mama noon na wag ako makipagkaibigan sa mga lalaki. Maybe dahil nga sa maaari akong masaktan. Kaya simula nun naging mailap ako sa mga lalaki. But now that he is already here? Hindi ko alam kung lalayuan ko ba siya o hindi.

------------------------------------------------------------------------------------------------------

A/N

Another update is up! :)))

Ano kayang mangyayari sa friendship nila Johann at Summer? Paano pag nalaman ng Mama niya na matagal na silang magkaibigan? May iba pa kayang eextra na characters?

ABANGAN :)))

'til next update friends!

Feel free to vote and comment! :">

- Chellie/

Summer Paradise [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon