Chapter 11 - My bff is here!!

15 2 0
                                    

"Arrrgggghhhh!!!! Johann! Hindi naman yan yung kwento nila eh >__<"

Andito pa rin kami sa coffee shop. Nakakainis tong so Jojo pinagkukwento ko pero mukhang hindi naman kwento ni Donna at nung fiance niya yun eh. KWENTO NI SNOW WHITE yun eh! Kakainis naman tong si Johann =________= Walang kwenta magkwento ever! Teka paano niya nalaman yung kwento ni Snow White? Ahh wala na akong pake basta walang kwenta siya magkwento!

"Hahahaha sa totoo lang hindi ko naman kasi talaga alam kwento nila." Humigop naman siya ng coffe jelly bago ulit nagsalita, this time medyo seryoso na siya, "Hindi naman kasi pala-open sa tao yang si Donna. Ang tanging alam ko lang Paul John Benitez ang pangalan ng boyfriend niya nung nasa Canada pa kami. So malamang siya yung fiance niya. Loko loko kasi yun eh"

"Ahh. Edi ibig sabihin nakilala mo na yung lalaki?" So ibig sabihin andito rin yung lalaking yun. Malamang Summer -____-

"Malamang oo.. Alangan namang may engagement party na wala yung isa sa ikakasal? -_____-"

Nagmake-face nalang ako kay Johann. "Eh ikaw hindi ka manlang ba nagka-girlfriend sa Canada?"

"Hindi. Nakareserved na kasi ako eh." Cool na sabi niya sabay inom ng coffee jelly.

"Weh? Hindi ako naniniwala!" Hindi naman kasi kapani-paniwala. Ang gwapo gwapo kaya ng bestfriend ko kamukha niya si Mario Maurer. Tsaka ano yung sinabi niyang nakareserve daw siya? Ano siya swimming pool sa isang resort o kaya table sa isang restaurant?

"Edi wag ka maniwala. Nakareserved na nga kasi ako. Committed na ako." He said seriously. Tumaas naman yung isa kong kilay. So anong ibig niyang sabihin? Teka, reserved tapos committed.. Hmm.. Wait.. Woah O_o Nanlaki ang mga mata ko at mukhang nakita naman niya.

"Hoy bakit ganyan itsura mo?" Kunot noo niyang tanong.

Hindi ko alam pano ko sasabihin. Pano ba? Ehem. " Ahmm.. Sabi mo committed ka na at nakareserved ka na right?" Tumango naman siya. "So ibig sabihin..Uhm.. Magpapari ka ba Jo?"

"ANO?!!" Gulat naman siya sa sinabi ko. Woah so hindi yung sagot niya? Aba nagtanong lang naman ako OA naman siya sa pagsabi ng ANO! >____<

"Maka-ano ka naman dyan! Kailangan ko lang ng confirmation no!! Wag kang OA"

Tumahimik naman siya. Hala bakit biglang natahimik siya? May nasabi ba ako? Nakaka-offend ba yung tanong ko sa kanya? Uwaaaa T_T

Bumuntong hininga siya bago nagsalita, "Committed ako sa isang pangako at nakareserved na ako sa isang tao. Gets mo na?"

Wait. Bakit parang ang lalim yata ng sinabi niya? O sadyang di ko lang talaga naintindihan yung ibig niyang sabihin? Dictionary please! Mukhang naintindihan naman niya yung pangangailangan ko ng dictionary este yung puzzled look ko.

"Hahaha kalimutan mo na nga yung sinabi ko. Ikaw kasi magtatanong tanong ka di mo naman maintindihan" Bakas sa tawa niya ang pagiging kabado at pilit. Ayoko ng ganto, Mamaya sensitive topic pala yun. Hindi pwede to.

"Ilang beses ka tumae sa isang araw Jo?"

Nanlaki naman ang mga mata niya sa tanong ko, "What did you say?"

"Sabi ko ilang beses ka tumae sa isang araw. Paulit-ulit Jo?" Okay alam kong nonesense yung tanong ko pero kailangan kong maiba topic namin! Bare with me guys huhu

"Hahahaha ano bang klaseng tanong yan Sum? Gutom ka ba?" Ayan napatawa ko na siya. Yey! Ang bilis lang talaga mapatawa ng lalaking to. Huli ko pa rin ang kiliti niya.

Summer Paradise [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon