Summer Paradise picture on the side --------->
-------------------------------------------------------------------------
Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko. Oo nga pala, ngayong araw kami aalis papuntang Palawan. Kahit tinatamad akong umalis, mala-zombie akong tumayo sa kwarto ko at nag-ayos. Simple jeans and vneck shirt nalang ang isinuot ko. Isinuot ko na rin ang eyeglasses ko. After an hour natapos na rin ako mag-ayos.
"Summer handa na ba ang mga gamit mo? Bilisan mo at aalis na tayo mamaya maya lang. Hintayin nalang kita sa baba, okay?" sigaw ni Mama sakin mula sa hallway ng mga kwarto namin. Sinara ko na yung maleta ko dahil tapos na rin ako mag-impake ng gamit.
"Opo Mama" sagot ko naman kay Mama. Bumaba na ako habang bitbit ang maleta ko pero wala pa ako sa kalahati ng hagdanan namin. Grabe ang bigat pala nito. Buong cabinet ko ba ang dinala ko? -____- Nakita ko naman yung butler namin na paakyat.
"Miss Summer, tulungan ko na po kayo" sabi ng Butler namin.
"No. No need. kaya ko na ito" sabi ko sa kanya at nagpatuloy bumaba sa hagdan namin kahit bigat na bigat talaga ako sa dala-dala ko.
"Summer, bakit hindi ka nagpatulong sa butler natin? Kaya nga tayo may butler eh" sermon naman ni Mama sakin.
"Ma, kaya ko naman po. Hindi ko kailangan iasa lagi sa kanila yung mga maliliit na bagay" Sanay kasi ako na ako ang gumagawa ng mga bagay-bagay para sa sarili ko. Ayokong umaasa sa ibang tao na alam ko naman sa sarili kong kaya ko naman gawin.
Umalis na rin kami ni Mama. Kaming dalawa lang ang magbabakasyon kasi si papa busy sa trabaho. Pero if my time naman siya, susunod nalang daw siya sa amin.Isa rin yan sa mga dahilan kung bakit ayoko rin magbakasyon. Nonsense din kasi. Hindi kasi kami magkakasama. Nag-iisang anak pa man din ako. Actually dapat mag-eeroplano kami kasi ininsist ko kay Mama na wag nalang dahil mas gusto kong sasakyan ang gagamitin. Halos limang oras din ang byahe namin.
"Ano ba Summer? Bitawan mo nga muna yang libro na yan. Magbabakasyon tayo para makapagrelax tayo, lalo na ikaw." hinablot naman ni Mama yung librong binabasa ko. Waaaaahhh! Noooooooo!
"Opo na Mama, please ibalik mo na po yung libro ko." Ibinalik naman din ni Mama yung libro ko. Yes!! Di bale mamaya ko nalang babasahin to.
"Welcome to Summer Paradise." bati samin nung receprionist sa lobby. Si Mama naman yung nakipag-usap sa receptionist. Inilibot ko naman ang paningin ko sa paligid. Hmm maaliwalas naman yung paligid, presko ang hangin.
"Ma, maglilibot po muna ako ha? I'll call you nalang po."
"Sige, basta wag ka masyadong lalayo ha?" Kinis naman ako sa cheeks ni Mama.
Naglakad ako sa beach. Kakaunti lang yung nakikita kong turista dito. Kung sabagay simula palang naman ng Summer. Ang sapar pakinggan ng paghampas ng alon sa buhanginan. Habang naglalakad ako may biglang sumangging tao sa akin. Napaupo tuloy ako sa buhanginan.
"Ouch! Ang sakit ng pwet ko dun ah." pagrereklamo ko habang hinihimas yung pwet ko.
"Miss Sorry.." iniabot naman nung tao sa harap ko yung kamay niya. Napatingin ako sa kamay niya paakyat sa mukha niya. Nakakita yata ako ng anghel. "Miss, aabutin mo ba kamay ko o uupo ka nalang diyan?" Psh, mukhang anghel lang pala talaga =____=
Inabot ko naman yung kamay niya para makatayo ako. "Sa susunod tumingin ka sa dinaraanan mo, wag kang takbo ng takbo. Para kang bata na hinahabol ng multo eh" pagsusungit ko sa kanya. Pinulot ko naman yung glasses ko na nahulog sa buhanginan.
"Sayang maganda ka pa naman sana, masungit nga lang" Tss mga lalaki nga naman. BOLERO. Hindi ko na siya pinansin at naglakad nalang ako palayo. Baka hinahanap na rin ako ni Mama.
"Hoy teka Miss! Ano ba pangalan mo?" sigaw nung lalaki sa akin. Humarap ako sa kanya at ngumiti..
Ngumiti rin naman siya pabalik.
"Sa tingin mo sasabihin ko sayo? Lelang mo!!" then tumakbo na ako palayo. Akala niya madadaan niya ako sa mga ganyan niya ha. ASA SIYA!
Paakyat na ako sa 8th floor ng hotel dito sa resort. Sabi kasi ni Mama doon yung kwarto ko, katabi ng kwarto niya. Syempre nag-elevator na ako. Nang huminto ang elevator sa 3rd floor may pumasok na babae, umiiyak siya. Dalawa lang kami ngayon sa elevator. Parang nadudurog puso ko sa tuwing may nakikita akong umiyak. Tinapik tapik ko yung balikat niya..
"Miss, okay ka lang? Gusto mo ba ng makakausap?" sabi ko sa kanya. Napaangat naman yung tingin niya sa akin tapos niyakap niya ako bigla.
"Bakit ganun siya? Mahal na mahal ko naman siya pero hindi niya ako magawang mahalin." patuloy pa rin siya sa pag-iyak.. Awwww. Ang ganda ganda pa naman niya tapos umiiyak siya ng dahil sa lalaki? Hayy ano bang meron sa mga lalaki at lagi silang nagpapaiyak ng mga babae?
"Miss, wag ka ng umiyak. Tahan na" pagpapatahan ko naman sa kanya. Biglang bumukas yung elevator sa 8th floor. Humiwalay na siya sa pagkakayakap sakin. Sabay kaming lumabas ng elevator.
"Miss, okay ka na ba? Gusto mo uminom muna ng tubig sa room ko?" pinunasan naman niya yung luha niya. Inayos na rin niya ang sarili niya tsaka tumingin sa akin at ngumiti.
"Yes, I'm fine na. Thank you for the comfort ha? By the way I'm Donna" nakipagshakehands naman siya sakin. Waaaaaahhh ang ganda niya kahit teary-eyed siya.
"No problem. I'm Summer" sabi ko naman sa kanya at sabay ngiti.
"Wow, nice name" pagpupuri naman niya sa pangalan ko."Uhm Summer, I need to go. Baka hinahanap na nila ako sa baba eh."
"Sure, sige. Bye!" tapos umalis na siya.
Ako naman dumiretso na sa room ko. Magpapahinga na muna ako. Si Mama panigurado tulog na rin yun dahil sa pagod kaya hindi ko na inistorbo. Sa totoo lang ang gaan nung loob ko dun sa Donna na yun. Mabait naman kasi siya eh. Kawawa naman siya, siya lang ang nagmamahal sa kanila ng partner niya. Hmm boyfriend niya nga kaya talaga yung tinutukoy niya? Mamaya kasi bestfirend niya o aso nila o gurad nila eh. Ay ewan!
Naligo nalang ako at nagpalit ng damit. Matutulog na muna rin siguro ako.
Zzzzzzzz....
-------------------------------------------------------------------------
A/N
Oh yes! Here's the update :)))))))))))))))) I hope magustuhan niyo. Yie :"""""""""""""">
- Chellie/

BINABASA MO ANG
Summer Paradise [HIATUS]
Novela JuvenilAno kaya ang buhay mo kung hindi siya dumating? Ano kaya ang buhay mo kung hindi mo siya nakilala? Mag-iiba kaya ang kapalaran mo? Pero paano kung tadhana na ang mismong gumawa ng paraan para magmahal at masaktan ka? kakayanin mo kaya? "Love can dec...