Chapter 4 - I like you

67 4 22
                                    

Maaga kami nagising ni Mama kasi pupunta raw kami ngayon sa Underground River. Naeexcite ako kasi matagal ko ng gustong makapunta dun and THIS IS IT! Pancit!

Nung andun na kami nagulat ako kasi andun din si Johann. And take note! Katabi ko pa siya ngayon sa bangkang sinasakyan namin. And mas na-shock ako kasi si Mama mismo ang nag-invite kay Johann.

All in all masaya naman ang naging ride namin sa bangka and manghang-mangha ako sa mga nakita ko dun. Yung kulay ng tubig, yung mga paniki, yung mga rock formations sa loob sobrang ganda! I really appreciate the wonders of our nature. Sobrang nakakamangha. After naman nun sabay-sabay namin kaming kumain ng lunch.

Napapaisip ako hanggang ngayon kung paano nakilala ni Mama sila Johann. And now that she's okay na maging magkaibigan kami ni Johann. Kung alam lang ni Mama, matagal na talaga kami magkaibigan. Ang dami kong gusto itanong kay Mama pero hindi ko alam kung paano sisimulan.

After namin kumain umakyat na kami sa mga rooms namin. Nung nakapagbihis na ako I decided to talk to my Mom. Masyado akong kinakain ng curiousity ngayon.

*Tok tok tok tok*

"Mama" tawag ko sa kanya sa labas ng room niya.

"Come in, sweetheart"

Pumasok naman ako agad sa room ni Mama. Kasalukuyan siyang nakaupo sa harap ng salamin habang nagsusuklay ng basa niyang buhok. Umupo ako sa kama niya and face her in the mirror kung saan nakikita ko ang reflection naming dalawa.

"Ma, can we talk for a moment?"

"Sure sweetheart. What is it?" It's now or never. Hingang malalim.

"Paano mo po nakilala si J-johann?" Napatingin naman sa akin si Mama. And I can see in her expression that she was not surprised by my question.

"Sabi ko na nga ba tatanungin mo rin sakin yan. Well actually his Dad is one of our newest investor and I met his son last week dahil kasama niya ito nung nagkausap kami about sa investment.. I was pleased by his personality. He seems to be a good man. And honestly .." sandaling natigilan si Mama tsaka ulit nagsalita. " I like him for you"

Halos malaglag ako sa kinauupuan ko dahil sa sinabi ni Mama. Gusto niya ang bestfriend ko para sakin? "Mom, are you kidding? Johann is my bes -- I mean my friend." Wew muntik na yun. Hindi ko pa pwedeng sabihin sa kanya ang salitang 'bestfriend' at baka maconfused si Mama.

"I'm not kidding, Summer. Look, I'm not arranging the two of you. Ang akin lang, I think he's perfect for you" she smiled.

"Mom, we're just friends. And I can't imagine myself having a relationship with him" I've known Johann for almost 3 years pero hindi ako nagkagusto sa kanya. Well, humahanga ako sa kanya dahil sa ugali niya but to love him? Na uh. And also we promised to each other na hindi kami pwedeng magmahalan dahil ayaw naming masira ang friendship naming dalawa.

Mom looked at me seriously "I'm not forcing you to have a relationship with him. All I am saying is, I like him for you. You two are perfect together"

Geez! Ano ba 'tong mga pinagsasabi ni Mama? Hindi ko talaga expected na magugustuhan niya si Johann para sakin.  

"Ma, we're just friends. And hanggang dun lang po yun" After I said that lumabas na ako ng kwarto niya. I can't believe Mom would say that. Like hello? She's talking about my bestfriend. Well, namimiss ko si Johann and hindi ko maikakailang crush ko siya pero hanggang dun lang yun. We made a promise at ayokong masira ang pangakong yun.

 Pumunta nalang ako sa veranda ng room ko, Ang sarap ng hangin. Kitang kita mo ang dagat dito.

"Aaaahhhh! This place is so peaceful" I said while stretching my arms.

"Psstt"

O_O

Sino yun?

Tumingin ako sa left side ko.. Wala namang tao. Tumingin ako sa right side ko .. May lalaking nakatingin sakin at nakangiti.

Okay.

Wait..

May lalaki?

O_O

Tumingin naman ako dahan-dahan sa right side ko at BOOM! Halos malaglag ang mata ko sa nakita ko. May lalaking parang model ang nakatingin sakin and he's only wearing shorts. And .. I saw his.. His.. Abs.. Waaaaaahhhhhh!

"Hoy magbihis ka nga!" sabi ko sabay takip sa mga mata ko. Oh no! My eyes.. My virgin eyes..

"Hahaha Don't tell me naaakit ka?" he said in a teasing tone.

 Ang kapal pala ng balat ng lalaking 'to eh.

"A-ang kapal mo ha! Panira ka ng araw"   Paalis na sana ako kasi natigilan ako sa sinabi niya.

"I LIKE YOU!"

What?

I LIKE YOU

I LIKE YOU

I LIKE YOU

Bakit bigla yatang bumilis ang tibok ng puso ko?

"Aaahhh! Tumigil ka nga"

Pumasok na ako agad sa kwarto ko and before ako makapsok ng room ko narinig ko pa siyang tumatawa. Bwisit na lalaki yun ah. Lakas ng trip. I like you niya mukha niya~! Kwento niya sa pagong!

-------------------------------------------------------------------------------------------------

A/N

Just a short update :) 1 week nalang may pasok na ako. Oh my gosh! College na ako. Bwahaha

Anyways, thank you sa mga patuloy na nagbabasa nito kung meron man. I just enjoy writing kya walang pwedeng pumigil sa kaligayahan ko! Hahahaha >:))))

Grabe katatapos ko lang basahin ulit yung MY PRINCE ni Ate Alyloony. Ang ganda talaga ng story na yun! Share ko lang bakita may aangal? Gusto niyo halik? Lika lapit ka! Hahaha joke!

'Til next update!

- Chellie/

Summer Paradise [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon