Chapter 12 - Am I jealous?

9 0 0
                                    

Ramdam na ramdam ko ang init na dumadampi sa katawan ko mula sa sinag ng araw. Nakakainis napausot tuloy ako ng swimsuit. Kahit kailan talaga hindi ako maka-hindi sa bff ko. pero grabe lang kasi pakiramdam ko lahat ng yao ay nakatingin sakin, sa akin, lalo na kay bff. Nakaupo kami ngayon sa isang pahabang upuan na medyo nakalubog sa swimming pool.

"Bff ano ba?! Hindi ka mapakali dyan." bulalas sakin ni Celine. Kanina pa kasi ako palinga-linga pagkatapos ay titingin sa aking katawan. Hindi ako sanay sa ganito kaya naman nagsuot ako ng isang manipis na summer dress. atleast kahit papaano ay nayatakpan na nito ang katawan ko.

"Eh kasi naman! Para akong ginigisa sa init pati sa mga mata ng tao dito. Tignan mo sila oh.." sabay turo sa mga lalaking nakatingin sa amin"akala mo nakahubad ka eh."

Natawa naman siya sa akin. Okay anong nakakatawa dun?

"Hahahahaha! Nakakatawa ka talaga bff. Hindi ka kasi sanay kaya ganyan. Tsaka alangan namang magbaro't saya ka? Oh c'mon Summer, look at you, you are sexy and beautiful. Wag kang mahiyang ipakita yan." Ininom naman niya yung iced tea niya at ganun din ako.

Hindi nalang ako umimik pa. Kung sabagay I should learn to explore things beyond my box. Like love. Wait! What did I say? Erase erase!! Arrgghh!!

"So bff, may nakilala ka na bang hottie dito bukod sa bestfriend mong si Johann?" Nakngisi niyang tanong. Oo nga pala naikwento ko na sa kanya yung about kay Johann. Pe4o yung kay Heŕmes hindi pa. Eh ano namang sasabihin ko? Na gwapo siya at gusto ko siya at -- WHAT?! I like him? Kailan pa? No no no! Erase that one. Napailing nalang ako because of that thought. Mukhang akala ni Celine yun yung sagot ko sa tanong niya.

"Wala? Eh ang daming hottie dito oh. Like him.." sabay turo sa isang lalaking kakaahon pa lamanh sa pool na nakatapat samin. Nang imulat ng lalaking iyon ang kanyang mga mata ay napangiti ako.

"That's Johann." Nilapag ko ang baso na may iced tea sa lamesa at kumaway sa direksyon ni Johann. Ngumiti naman siya at kumaway din pabalik sa akin. Pagtingin ko kay Celine nakatulala  at nakauwang ang bibig niya.  Hinawakan ko naman ang baba niya at iniangat ito para masarhan ang nakauwang niyang bibig.

Natatawa naman ako sa kanya. " Hoy bff wag pagnasahan, bestfriend ko yan." Natauhan naman siya at tumingin sakin. At ngumiti ng sobrang lawak.

"Omg bff!!! Ang gwapo gwapo niya at hot pa! Gosh!" Sabi niya na akala mo'y hihimatayin sa sobrang kasiyahan at kilig.

"Thanks for the compliment, Miss.."

Napatingin naman kami sa lalaking nasa harapan na namin na tumutulo pa ang tubig mula sa kanyang buhok hanggang sa katawan niya at awtomatikong napatili si celine. Napatakip naman ako sa tenga ko.

"Celine. Call me Celine."  inilahad pa niya ang kanyang kamay at nakipagshakehands kay Johann. "So you must be Johann?"

Tumango naman si Johann at ngumiti. "Yes, I am." Ay nako Jo, sige ngiti pa. Natutunaw na si Celine sayo. Napailing nalang ako habang natatawa-tawa.

"Great catch, bff." Bulong sakin ni Celine na siyang naging dahilan ng biglang pag-init ng pisngi ko. Hinampas ko naman siya ng mahina. "Bestfriend ko lang yan." Sabay naming tinignan si Johann ng may ngiti sa labi.

Umupo ako ng ayos at tumabi sakin si Johann. Binigyan naman ako ng meaningful look ni Celine. Ay nako ewan ko sayo Celine. Natawa nalang ako sa kanya.

"Woah Sum, ngayon lang kita nakitang nakasuot ng ganyan." Sabi ni Johann sabay turo sa damit ko. Nag-init na naman ang pisngi ko dahil sa sinabi niya at napahawak bigla sa damit ko. "Sabi sayo Celine hindi bagay sakin yung ganito eh." Baling ko kay Celine. Nakakahiya tuloy kay Jo.

Summer Paradise [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon