Chapter 6 - Bestfriends

19 1 0
                                    

Nagsuot lang ako ng jeans at shirt na black at nagdala na rin ako ng leather jacket. Nung nakapag-ayos na ako agad na akong bumaba sa lobby. Bumungad namin sakin si Johann ng may ngiti sa labi.

"sorry kung medyo natagalan ha?" sabi ko sa kanya na may apologetic expression. 

He just tapped my head na parang asi and said "Wala yun. I'm willing to wait you kahit forever pa." Medyo mahina yung pagkakasabi niya sa huli kaya hindi ko masyadong naintindihan.

"Ano sabi mo?" May sinabi talaga siya sa huli eh.

"Wala. Halika na nga" hinila naman niya ako. Ang daya talaga nito!! Tinatanong ko pa kung ano yung sianbi niya sa huli eh. Basta may forever yun eh. Ugh -______-

Pumunta kami sa beach and hindi kami nagswimming. Nag-ikot ikot lang. Hahaha. Tapos nagpicture-an kami. Syempre ako ginawang model ng loko. Pag may pagkakataon ako naman kumukuha ng litrato sa kanya. Kung hindi niyo nalalaman meron na siyang sariling photo studio. Mahilig kasi siya sa photography. As in!!

Mga 2hrs din kami sa beach nang mapagdesisyunan naming kumaen. Grabe nakakagutom yun ah. Syempre libre raw ni Johann to kaya talagang pumayag ako. Hayy ang saya ko :""""""> after 3yrs kasama ko na ulit ang bestfriend ko. Nagiging makulit lang ako kapag kasama ko siya at syempre kapag kasama ko rin si Celine :)

Speaking of Celine, hindi pa kami nakakapag-isap ng babaeng yun. Matawagan nga mamaya. Nakakamiss na rin yung isang yun eh. Sayang sana sinama ko siya dito. Kaso may pupuntahan din daw kasi sila ng family nila. Edi sana nakilala niya si Johann. Sayang talaga ----

"Araaaayyy!" May natapakan yata ako. Naka-paa lang kasi ako. Tsk kaya kayo wag kayong magpapaa sa beach ng lumilipad ang isip kung ayaw niyong masugatan.

"ayan kasi! Kanina pa lumilipad isip mo eh"

*pak*

"Aray Sum! Bakit mo ako binatukan?" Hinimas naman niya yung ulo niyang binatukan ko. Pinapagalitan pa kasi ako. Tsk tsk inirapan ko nalang siya.

"Grabe ka nawala lang ako ng ilang taon naging sadista ka na?" Babatukan ko pa sana siya kaso masakit na talaga paa ko. Umupo muna akopara tignan yung paa ko. Medyo dinudugo ito pero hindi naman sobra na tipong puputulin na paa ko. Lumuhod naman si Johann at nagpunit ng kapirasong tela sa shirt niya.

Woah.

Mukhang ang mahal pa naman ng shirt niya. Bago pa man ako magsalita binalot nalang niya ito sa paa kong may sugat.

"Sa susunod wag kasi hayaang lumipad ang isip. Mamaya di na yan makabalik sige ka!" Aba tinakot pa ako ng loko.

"Oo na boss. Thanks Jojo!!"

 Ginulo naman niya yung buhok ko. "You're always welcome Sum".

Andito na kami ngayon sa room ko. Nagpahatid nalang siya ng pagkain dito at kumain na rin kami. After namin kumaen ay nagkwentuhan kami. Grabe namiss ko ant bestfriend ko!!!! Pero may isang bagay pa akong gustong malaman...

"Jo."

"Bakit Sum?" nakangiti siyang tumingin sakin. Ngumiti rin akong bahagya pabalik sa kanya.

"B-bakit ka umalis nun?"

Napatigil siya sa tanong ko ng ilang segundo bago sumagot, "Sum... My lola was sick that time and.. My parents decided na dun na kami tumira para may makasama si lola.." He said without looking at me.

Summer Paradise [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon