Chapter 14 - Feelings

6 0 0
                                    




Hindi ko namalayan pero umiiyak na ako. Bakit ba nangyayari sa akin 'to? Nasasaktan ako sa mga nangyari kanina sa restaurant pero mas masakit ang makita ang bestfriend kong tumalikod sa akin at masaktan ko. Ano na ba kasing nangyayari sa iyo Summer? Napahiga na lang ako sa kama at doon umiyak ng umiyak habang nakayakap sa unan ko.



"Bff, bumaba na raw tayo sabi ni -- SUMMER! OMG bff!" Naramdaman kong may humawak sa mga braso ko. Tumingala ako para tignan kung sino iyon. Niyak ko agad si Celine at umiyak.


Hinimas-himas naman niya ang likod ko para mapatahan. "Ano bang nangyare? Dahil pa rin ba ito sa Hermes na iyon? Naku sabi ko pa naman kay Johann samahan ka muna dito eh." Dahil nga sa kanya kaya umiiyak ako ng ganito eh. Gusto ko sanang sabihin sa kanya pero wag nalang siguro.


Nang mahimasmasan ako saglit kaming natahimik sa loob ng kwarto. Ilang minuto rin ang lumipas nang si bff na ang bumasag sa katahimikan. "Ano bang nangyare? Pwede ko bang malaman?" Nasa sofa siya malapit sa kama ko at ako naman sa kama nakasandal sa headboard nito. Napatingin ako sa mga daliri ko at nilaro-laro ito.



"Masama bang magmahal?" Yun ang tanging lumabas sa bibig ko. Tinignan ko si Celine kung ano reaksyon niya o isasagot niya. Ngumiti siya sa akin.



"Hindi masamang magmahal as long as wala kang nasasaktang ibang tao." Walang nasasaktang ibang tao? Counted ba doon si Johann? Malamang Summer!



"Tingin ko dapat pigilan ko na 'to habang maaga pa, bff." Tinignan ko nalang ulit ang mga daliri ko. Oo tama. Dapat pigilan ko ito dahil hindi maganda itong nararamdaman ko. Mali ito.



"Oo yan ang dapat dahil sa huli ikaw din ang masasaktan. May girlfriend yung tao eh. Bff, alam mo siguro hindi pa talaga ito ang panahon para magmahal ka. Andito naman kami eh, hindi ka namin iiwan. Lalaki lang naman yan eh." Hindi ako makapaniwala pero biglang gumaan ang pakiramdam ko. Bata pa naman ako kaya siguro naman hindi pa talaga ito ang panahon para magmahal ako. Isa pa hindi ko kayang nasasaktan ko si Johann dahil sa nasasaktan din ako. Ngumiti ako nang tumingin kay Celine at ngumiti rin siya pabalik sa akin. Simula bukas pipigilan ko na ang sarili kong mahalin si Hermes.









"BESTFRIEND FALL!!" Lumingon naman agad sa sakin si Johann na kasalukuyang naglalakad sa dalampasigan. Pasikat pa lamang ang araw kaya wala pang gaanong tao dito kaya ayos lang na sumigaw. Ngumiti akong tumakbo papalapit sa kanya at niyakap siya. Niyakap din naman niya ako pabalik.

"Sorry." Mahina kong sabi sa dibdib niya. Lumayo naman siya ng kaonti sa akin at tinignan ako.


"Para saan?" Ngumiti ako at niyakap siya ulit. Narinig ko naman siyang tumawa ng mahina at hinaplos ang buhok ko. Alam ko sa ganitong paraan nagkaintindihan na kami kung anong gusto kong sabihin sa kanya at kung para saan ang sorry ko.


"Hintayin nating sumikat ang araw ha?" Umupo kami sa dalampasigan at nakaharap sa pasikat na araw. Lumingon siya sa akin at ngumiti. Ang gwapo talaga ng bestfriend ko.


"May choice pa ba ako?" Pinalo ko naman siya sa balikat niya. Tumawa lang siya ng mahina. Natawa nalang din ako. Unti-onti nang dumudungaw ang haring araw. Ang ganda pagmasdan. Breathtaking.


"Alam mo ba Sum, dati pangarap ko na makasama kang mapanuod ang pagsikat ng araw and now nagkatotoo na. Pwede na akong mamatay." Pinalo ko naman siya ulit sa balikat niya. Tumawa na naman siya.


"Hindi ka pa pwedeng mamatay kasi magkakasama pa tayong tuparin dreams natin sa buhay. Tsaka makikita pa kitang ikasal!"


"Oo nga pala. Ikakasal pa ako. Gusto ko andun ka nun ha?" Ngumiti naman ako sa kanya at sumandal sa balikat niya. Ang lamig ng simoy ng hangin. Ang ganda ganda ng view.


"Oo naman! Hindi ako pwedeng mawala doon no!" Niyakap naman niya ako habang nakasandal ako sa balikat niya. Pakiramdam ko tuloy para kaming mag-boyfriend/girlfriend. Natawa naman ako sa naiisip ko.


"Bakit ka tumatawa?"


"Wala lang. Para kasi tayong mag-syota. Hahaha." May sinabi naman siya pero hindi ko narinig kasi masyadong mahina at sumabay pa ito sa paghampas ng alon sa dalampasigan.


"Anong sabi mo?" Tumingala ako para tignan siya sa mukha. Ang lapit ng mukha namin parehas.


"Hi Summer! Hi Johann!" Ang boses na yun. Pamilyar sa akin yun. Sabay kaming lumingon sa likod namin ni Johann at nakita ang isang babae na naka-seethrough na blouse at may bikini top sa loob at naka-maong na shorts. May kasama naman siyang lalaki na nakafitted tshirt at board shorts at halata sa mukha at buhok niya na kakagising pa lamang niya.


"Rose. Hermes." Malamig ang tono ni Johann ng sabihin niya ang pangalan ng dalawa. Ngumit naman si Rose samantalang si Hermes hindi ko mabasa ang ekspresyon pero nakatingin ito ng diretso sa akin.



"Ang sweet niyo naman ng girlfriend mo. Talagang sabay niyo pang pinanuod ang sunrise ha." Masayang sabi ni Rose kay Johann. Hindi ko maalis ang tingin ko kay Hermes. Walang umiiwas ng tingin sa amin. Hindi pwede ito. Kailangan ko na itong pigilan. Ako na ang unang umiwas.


"Rose tara na umalis na tayo." Rinig kong sabi ni Hermes. Nakatingin lang ako kay Rose. Tumingin naman siya sa akin at ngumiti. Aba, kanina pa 'to ngiti ng ngiti ha.


"Sige babe, tara na. Nakakaistorbo na rin tayo sa kanila eh." Naglakad naman na sila palayo samin. Magkahawak kamay pa silang naglalakad. Naramdaman ko na naman yung kirot sa puso ko. Ano ba naman 'tong nararamdaman ko? Kailangan ko na ngang pigilan 'to eh.


"Sum.. Are you okay?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Johann. Pilit naman akong ngumiti sa kanya.


"Of course. I-I'm fine."

-------------------------------------------------------


A/N

Hope you like it guys <3

Summer Paradise [HIATUS]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon