"Are you kidding?" Mataray na tanong ni bff kay Rose. Hindi ako makapagreact. Parang nalagyan ng glue yung bibig ko hindi ko maibuka para magsalita.
"Mukha ba akong nagbibiro?" The evil girl said with a wide evil grin on her evil face. Tinignan ko si Hermes and he's smiling. What the hell is happening? Last time I remember he's smiling like that to me, like I'm his. And now he's giving that smile to another girl?
Naramdaman kong may humawak sa kamay kong nasa lamesa. Napatingin ako kay Johann and he smiled at me. Yung smile of .. pain and encouragement.. Weird eh. "Nice. Oh before I forgot.." mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko na ngayon ang nanginginig dahil sa halu-halo kong nararamdaman - pain, jealousy and disappointment. "She's my girlfriend." He turned to look at me at awtomatikong napatingin din ako sa kanya. Ano ba yang sinasabi niya? Nababaliw na ba siya?
"WHAT?! Kailan pa? Oy bff bakit di mo sinabi sa akin agad na boyfriend mo na pala 'tong gwapong nilalang na 'to?"
Paano ko sasabihin eh hindi ko naman siya boyfriend! Gusto kong sabihin yan pero hindi ako makapagsalita. Ano ba Summer?! Ano bang nangyayari sayo?
"Surprise kasi sana yun and since nagpapakilala ng boyfriend si Rose, well it's the best time para iintroduce ko rin yung girlfriend ko, tama ba?" He said looking at.. Hermes. Si Hermes naman nakangiti pa rin pero yung ngiting parang pilit? Hey, don't tell me affected siya?
"Hey enough guys. Umalis na tayo, can't you see this is rude. Kumakain sila oh. And please nakatingin na yung mga tao sa atin. C'mon .." Tumingin naman samin si Donna, "Sorry." And with that umalis na sila. Si Rose taas noong umalis habang nakakapit tuko kay Hermes.
"Okay.. Pwede na ba kayong mag-explain sa akin?" Panimula ni Celine. Napabuntong hininga nalang ako. Hindi ko alam pero pakiramdam ko parang nawala lahat ng kinain ko at nahigop energy ko.
"Tara hatid ko na kayo sa room niyo." Tumayo na si Johann at tumayo na rin kami ni Celine.
"Hey! Bakit ayaw niyong magsabi sa akin?" Kanina pa yan si Celine. Andito na kami sa kwarto pero grabe ang kulit ayaw akong tantanan ng kakatanong. Sumasakit lalo ulo ko. Napapikit nalang ako. Ano ba kasing pumasok sa kukote ni Johann at ginawa nya yun? Wait. May alam ba siya? Eh anong nalalaman niya? Na may gusto ako kay Hermes at nasasaktan akong may ibang babae siyang kasama? WAIT. Anong sabi ko? Ako nasasaktan?
"Summer Frantoa, magtapat ka nga sakin.. May gusto ka ba sa lalaking yun?" Napadilat naman bigla yung mata ko. Obvious na ba ako?
"Sino?" Patay malisya kong tanong.
"Wag mo akong gawing tanga. May gusto ka ba dun sa Hermes na yun?" Boom! Kapag si Celine ganyan na magsalita matakot ka na. Ibig sabihin lang niyan gusto niyang malaman ang totoo mula mismo sayo. Wala naman sigurong masama kung aamin ako hindi ba?
"Ah.. eh.. Oo yata?" May gusto na nga yata talaga ako sa gwapo at makulit na lalaking yun. Kahit sa maikling panahon, pakiramdam ko kilalang kilala ko na siya at kumportable ako kasama siya.
"Yata? Baka kamo oo. kaya iba yung tingin mo kanina sa kanila eh. Summer, kilalang kilala kita. Alam ko kung nasasaktan ka. Hindi mo ako maloloko."
Hindi ko na napigilan bigla nalang may tumulo mula sa mga mata ko. Nakakainis. Bakit ako umiiyak? Bigla naman akong niyakap ni Celine. Niyakap ko rin siya ng sobrang higpit at doon ako umiiyak na umiyak. Hindi siya nagsasalita. Niyakap niya lang ako hanggang sa matapos kong maiyak lahat. Pina-inom niya pa muna ako ng tubig at natahimik kami ng mga ilang minuto.
"Hindi ko naman alam kung bakit eh. Pero may gusto na yata ako sa kanya -- Araaaayyy! Bakit mo ako binatukan?" Ang sakit talaga mamatok ng babaeng 'to.
"Gago ka kasi. Mahal mo na yung lalaki."
"Mahal? Mahal na agad yun?" Impossible. Hindi ito pagmamahal. Hindi pwede.
"Hahaha nagpapatawa ka ba bff? Wag mong minamaliit ang pagmamahal."
"Bakit naman?"
"Ang pagmamahal kahit kailan hindi mo malalamang pagmamahal kung hindi mo kusang nararamdaman ito."
"Hindi ko maintindihan." Ano bang kahibangan yang sinasabi niya? Pakiramdam ko tuloy nasa isa kaming pelikula na drama slash drama and genre.
Lumapit sa akin si Celine tsaka bumuntong hininga. "Subukan mong pakinggan ito.." sabay duro sa puso ko, "..kaysa dito" at sa ulo ko, "..dyan mo malalamam kung anong ibig sabihin ng sinasabi ko." Ngumiti siya at tsaka lumabas ng kwarto. Napahawak ako bigla sa dibdib ko. Ang lakas ng heartbeat ko. Pagmamahal na nga ba talaga ang tawag dito? Napahiga ako sa kama kakaisip. Hindi ko namalayan nakatulog na ako.
"Mahal mo ang anak ko hindi ba? Bakit hindi mo siya ipaglaban?"
"Oo mahal ko po siya. At handa ko siyang ipaglaban pero hindi pa sa ngayon."
"Kung hindi ngayon kailan pa?"
"Darating ang panahon magkikita rin kami ulit. At sisisguraduhin ko po sa inyong sa panahon na yun siya pa rin ang minamahal ko at babalikan ko siya."
"Hermes?" Narinig kong sabi ko. Unti-onting lumingon sa akin yung lalaki habang lumalabo naman ang imahe niya. Saglit si hermes ba iyon? Sumigaw pa ako ulit pero tila palayo siya sakin kasama ang Mama ko. "HERMES!!"
"Summer gising!!"
Napamulat ang mga mata ko at tila hinahabol ko ang mga hininga ko. Isa iyong panaginip? Tinignan ko ang taong nasa tabi ko ngayon .. Si Johann. Ngumiti siya sa akin at inalalayan akong makaupo.
"Nananaginip ka. Okay ka lang ba?" Halata sa expression ng mukha nya ang pag-aalala. Napangiti naman ako sa kanya. Hindi ko alam pero bigla nalang akong napangiti.
"Oo ayos lang ako. Si Celine nasaan?" Lumingon-lingon ako sa paligod pero wala siya. Nasaan kaya yung babaeng yun?
"Kasama niya parents niya. Kanina kasi nagkita kami tapos pinakiusapan niya akong bantayan daw kita kasi masama pakiramdam mo. Masama ba talaga pakiramdam mo?" Hinawakan niya noo ko pero agad ko itong hinawi.
"Okay lang ako. Naku pagpasensyahan mo na yung babaeng yun, loka loka talaga yun. Pero okay lang talaga ako promise!" So ibig sabihin kanina pa siguro siya andito? Teka, nagsasalita pa ako kanina habang natutulog? Narinig niya kayang sumigaw ako? Sana hindi. Hindi ko alam pero ayokong malaman niya.
"Nagugutom ka ba? Gusto mo kumain?" Gumagawa siya ng pag-uusapan.It 's obvious. Para bang may gusto siyang sabihin sa akin. Oo nga pala yung about pa kanina. Kahit ako hindi ko alam bakit nagawa niya iyon.
"Okay lang ako. Jo, pwede ba ako magtanong?" Nagseryoso bigla ang mukha niya. Napatingin naman ako sa mga daliri ko. Hindi ko siya magawang tignan sa mata. Hindi ko na siya hinintay pang magsalita. "Bakit mo ginawa yung kanina?"
"Bakit mo natanong? Wala namang masama sa ginawa ko hindi ba? Para kasing may pinapamukha sayo yung babaeng yun kanina eh."
Tinignan ko siya sa mga mata niya. Parang may kirot akong naramdaman habang tinitignan ko siya. "Hindi naman.. Pero kasi.. Gusto ko sanang bawiin mo."
He looks hurt."Bakit gusto mong bawiin ko?" Mahina ang pagkakasabi niya pero maririnig mo ang pagiging matigas ng pagkakasambit niya. Hindi ako makapagsalita. Napayuko nalang ako. Pakiramdam ko ang sama ko. Nasaktan siya sa sinabi ko. Hindi ba dapat matuwa pa ako? Hindi ba dapat magpasalamat pa ako sa kanya?
Tumayo siya at dumiretso sa pintuan. Tinignan ko siya habang naglalakad. Para bang yung lakad na mararamdaman mo yung kalungkutan. Bago pa mam siya makalabas ng pinto may mga salita siyang binitawan na mas lalong nagpakirot sa puso ko.
"Alam ko namang nasasaktan ka kanina. Alam kong kanina mo pa siya tinitignan. Hindi ko lang kayang makitang nasasaktan ka. At ayokong hayaang masaktan ka ng dahil sa tulad niya. Pero may isang bagay pa akong nakita sayo .. yun ay yung pagmamahal mo sa kanya."

BINABASA MO ANG
Summer Paradise [HIATUS]
Teen FictionAno kaya ang buhay mo kung hindi siya dumating? Ano kaya ang buhay mo kung hindi mo siya nakilala? Mag-iiba kaya ang kapalaran mo? Pero paano kung tadhana na ang mismong gumawa ng paraan para magmahal at masaktan ka? kakayanin mo kaya? "Love can dec...