#DDMS3

195K 7.7K 3.4K
                                    



#DDMS3


XANTIEL

SIXTEEN hours.

Sixteen hours nang nakatira rito itong Feuille pero ni isang beses ay hindi man lang siya nag-thank you.

Thank you sa pagkupkop sa kaniya o thank you sa pagsagip sa buhay niya.

Wala na nga siyang binabayarang renta, tubig, o kuryente. Thank you na nga lang sana, hindi niya pa mabigay! Mahal ba mag-thank you?!

Hay. Ang hirap talagang maningil lalo na kapag mabait ka.

Galit kong binasag ang itlog para sa breakfast na kakainin namin ngayong araw. Wala na ngang binabayad, ipinagluluto ko pa. Kainis.

Narinig ko ang magagaan niyang yabag pababa sa hagdan. Kunwari ay wala akong paki kaya saglit lamang akong sumilip.

Just to see what she looks like in the morning when she just woke up, I took a quick glance.

Or so I thought.

The only thing that's quick was my throat getting dry, forming an unwelcome lump that made me cough. My eyes weren't able to move. They were fixated—magnetized.

Tila ba nananadya ang mala-gintong sikat ng araw mula sa bintana na gumuguhit sa kurba ng kaniyang katawan habang naglalakad siya palapit sa akin. Nakasuot lamang siya ng sando na sobrang nipis, kita ang maputi niyang balat sa ilalim nito.

Thank God she's wearing a black bra underneath that shit.

She was bare-faced, no makeup, that's why I can't understand how her cheeks are so pink and rosy. And how her lips are so moist . . . and so . . . inviting.

Isang pilyang ngiti ang gumuhit sa mapupulang labing iyon. "Hindi pa nag-uumagahan pero mukhang busog ka na."

My brow arched. My mouth opened into a halfway smirk, amused at her coyness. "Nice try, little lady."

I scooped up some scrambled eggs and placed them onto two separate plates. "But I prefer actual food over strangers."

She pursed her lower lip, took a fork, and poked the eggs. "Did you use milk?"

"Yes, Ma'am."

"What milk?" pahabol niya.

"Full cream po, Ma'am."

"Wala bang soy milk, or almond milk?" Hiniwalay niya ang scrambled eggs mula sa bacon slab na nasa kaniyang plato. "Saka meat na naman? Hindi ba't steak na ang dinner mo kahapon?"

Kumunot ang noo ko. "Bakit, vegan ka ba?"

"Pescatarian."

Kinuha ko ang kaniyang plato at ibinalik sa kawali ang pagkaing naroon. "Peste-tarian," pabulong kong reklamo habang napapasinghal. Nagluto na lamang ako ulit para sa munting prinsesa.

Kahit hanggang sa banyo ay may reklamo siya. Isang beses ay lumabas siyang nakatapis lang, tumutulo pa ang basang buhok, pulang-pula ang mukha sa galit.

"You use SLES shampoo?!" angil niya sa akin habang nakahawak sa tuwalyang nakakapit sa kaniyang katawan. I was holding on to my sanity while she's holding on to the piece of fabric between her full breasts.

"A-ano? S what?" I avoided my eyes. Hindi ko tuloy maintindihan ang sinasabi niya.

"Sodium Laureth Sulfate!" she hissed, leaning her wet body two steps closer to me. I had to move three steps away. "Harmful 'yon sa buhok! Pati sa environment!"

Danger, Danger, Mr. StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon