#DDMS32 Part 2

107K 5K 4.7K
                                    

#DDMS32 Part 2


XANTIEL


WE WERE invited inside their pantry, seated around a wooden dining table. Fresh hot coffee were served inside ceramic cups as they all talked about what happened.

"Akala talaga namin, wala ka na!" daing ng babaeng may kulay rosas na buhok. "Naaksidente ka pala at limang taong may amnesia bago bumalik ang mga alaala mo."

Nagkatinginan kami ni Folie. We both agreed that simplifying the truth would be best, so we wouldn't involve them in anything that would be dangerous.

"And you had to go through surgery to fix your face because of that accident!" dagdag ulit ng babae. Patuloy rin sa pagkumusta ang dalawang lalaking kasama namin. Nagkuwento rin sila tungkol sa mga nangyari rito sa probinsya habang wala si Folie.

Tinanong nila kung sino ako't ano'ng relasyon ko sa kaniya, ngunit nagpakilala na lamang ako bilang isang kaibigan. After all . . . she has someone here, doesn't she?

And speaking of the devil, the soft bells of a wind chime called our attention to the door. Standing there, is a dark-skinned man holding a bass guitar.

Nakaramdam ako bigla ng kaba. Is that him?

Paglingon ko kay Folie ay nakita kong hindi siya mapakali't namumula ang mga pisngi. Nilunok ko na lamang ang sarili kong nararamdaman at bumulong sa kaniyang gilid. "That your guy?" To which she nodded shyly.

Hmm. Hindi naman pogi. Sakto lang.

"O, kumpleto kayo rito ha!" hirit ng bagong pasok na lalaki. Napatingin siya kay Folie at napakiling ng ulo, nagtataka kung sino ang napabisita. "Customer? May hinahanap po ba kayong gitara, miss?"

"Uhm, June . . ." mahinang banggit ng lalaking katabi ko na may mahabang buhok. Napatikhim siya't yumuko. "Siya si . . ."

"June!" sabik na usal ni Folie na biglang napatayo mula sa kaniyang upuan. "Long time no see—"

Maya-maya ay may maliit na batang babaeng lumitaw mula sa likuran ng lalaki. Nang magsalita ang bata ay tila huminto ang mundo sa paligid namin.

Napansin kong nakayuko lamang ang iba nilang mga kaibigan. At pagtingin ko kay Folie, nasaksihan ko ang pagtakas ng dugo mula sa kaniyang namumutlang mukha.

"Daddy June, who are they? New bandmates?" tanong ng musmos na bata.

Ilang saglit lang ay may babaeng pumasok sa tindahan. "June babe, na-park ko na ang kotse. Ellie anak, what did I tell you about being careful when running?"

Everyone was quiet, and Folie looked as white and still as a statue.

My eyes locked in on her trembling hand. And my body moved on its own. My own hand went up, moving towards hers so I could provide Folie with some comfort.

But before reaching hers, Folie clenched her hand into a fist and soldiered on. "June, it's me." Huminga siya nang malalim at nagpakilala. "Folie, Folie Gustavo."

***

LUMABAS ako para magpahangin at magpakalma, habang naiwan naman si Folie sa loob para makapag-usap sila nang masinsinang magkakaibigan.

I remembered the way her hand clenched when I tried to reach for it.

Haay, Xantiel. Ano ba'ng tingin mo ginagawa mo?

Kinamot ko na lang ang ulo ko sabay buga nang marahas. Napasandal na lamang ako sa labas na dingding ng tindahan nila. Dinadaan na lamang sa pagsinghal ang bigat na nararamdaman.

Danger, Danger, Mr. StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon