EPILOGUE
#XVseriesFinaleHello! We have arrived at the very last page, dear readers. This epilogue will wrap up not just Danger, Danger, Mr. Stranger . . . but the whole XV series.
(P.S. Hindi ko na po ito na-check for typos, etc. Gusto kong i-upload na muna with my raw feelings intact hahaha. I-check ko na lang po for spelling or grammatical errors tomorrow, or kapag nakapagpahinga na. For now, let's take in the rawness of it all, lol.)
This is an interactive chapter. If you see the play button like this: ⏵ it means you should check the comments section and check the instruction I left in the comments. Thank you very much and happy reading!
Happy nga ba? 👀
EPILOGUE
❧
FOLIEPart One
BLOOD.
Blood dripping on my lover's face, right in front of me.
That's the very first thing I saw when I opened my eyes, waking up from Zilvane's hypnosis.
W-Why is he hurt? W-Who the fuck hurt Xanti?
Ang sunod kong nakita ay ang matalis na kutsilyong hawak-hawak ng kamay ko. Matalas na kutsilyong tumutulo ng dugo.
Matalas na kutsilyong nakasaksak sa tadyang ni Xantiel na nakagapos sa harapan ko.
Nanlamig ang buong katawan ko, nagtayuan ang mga balahibo ko. Naramdaman ko ang pagtakas ng dugo sa mukha ko.
N-No way . . . D-Did I do this?
Did I . . . hurt Xanti?
A static sound filled my ears. I wasn't able to process what's happening. My eyes caught Xantiel's lips shouting something to someone behind me, but I couldn't hear what he's saying. All of my senses have gone numb. It felt as if my whole body has stopped functioning.
The one thing I hate the most is seeing the one I love get hurt.
I can . . . never ever forgive myself . . .
A piercing scream escaped my throat. I screamed, fucking screamed my lungs out until they burst. Hands took me away from Xantiel, but I was still frantic, pushing them away from me, kicking the air.
But my Xanti, like he always does . . . just grinned at me happily, blood dripping from his smile.
You big silly jerk.
Dinala ako ng mga tauhan ni Zilvane papunta sa labas ng mansyon. Pagkasarado nila ng pintuan ay panay suntok at kalmot ko rito. "Ibalik niyo 'ko! Huwag niyong saktan si Xantiel, please!"
Hindi pa rin ako umaalis. Umupo lamang ako roon sa sahig habang nakasandal sa pintuan, naghihintay na may magbukas nito para makapasok akong muli sa loob.
Sa sulok ng aking paningin ay nakita kong may katulong na nagtatago sa likuran ng isang poste. Ikiniling ko ang aking ulo para mas maaninag siya nang mabuti.
Freckles on her cheeks, button-shaped nose, thick brows. No doubt. This is the Flumerys that I have heard of from the recording. Agad akong napatayo at tumakbo papalapit sa kaniya.
"Flume!" naghihikahos kong sabi nang makarating sa kaniyang puwesto. "I-Ikaw si Flume, hindi ba? Ang tumulong kay Feu—a-ang tumulong sa akin noon?"
Tumango siya. Natagalan bago nakapagsalita. "A-Ako nga. Buti ay nakabalik ka rito. K-Kumusta? Mukhang sa itsura ng mga bagay ay nagkaroon ng problema sa plano?"
BINABASA MO ANG
Danger, Danger, Mr. Stranger
RomanceBOOK NOW AVAILABLE AT NATIONAL BOOK STORE • #1 National Book Store Best-Seller under Local Fiction for September 2024 • Highest Rankings: #1 Suspense, #1 Crime, #1 Detective, #1 Plottwist, #1 Investigation, #1 Dark PUBLISHED: 10/05/22 COMPLETED: 08...