#DDMS36 Part 3

127K 4.6K 4.7K
                                    


THIS CHAPTER CONTAINS MAJOR SPOILERS.

POSTING OF SPOILERS AND SCREENSHOTS ABOUT THIS CHAPTER ANYWHERE ON SOCIAL MEDIA IS NOT ALLOWED.
Let us please not ruin the experience for new readers of DDMS.

Reactions/Feelings/Tweets that DO NOT REVEAL information are okay. Thank you very much.


Important Warning:

This chapter contains dark and heavy themes that could be potentially triggering to victims. Abuse will not be described in graphic detail to avoid glorification. However, it is still strongly advised to proceed ONLY with extreme caution.

Awareness is an important step towards prevention and detection. These things happen in reality, and should not be treated lightly. Irresponsible jokes and comments will not be tolerated in the comments section.


#DDMS36 Part 3


FEUILLE

Five Years Ago

'YES. I am here. I'm trapped in this mansion . . . with our son.'

It was hard for me to digest that revelation. I wanted to ask a lot of questions to Flumerys, but I do not want to push the wrong buttons. She has already been through so much. What she needs is an ally.

She has saved me before. Now, it's my time to save her.

I took out my pen and scribbled my message. I then folded my paper into an azalea origami and replaced the one she left for me. 'During my escape, you told me to find and go to Villa Vouganville. How did you know about the professor's place?'

Hindi mabilis ang naging pagtugon sa akin ni Flume. Umabot ng dalawang linggo bago niya ako nasagot. Sa tingin ko ay dahil nagiging maingat siya na hindi kami mahuli. Nang mapansing nag-iba ang posisyon ng iniwan kong papel na bulaklak ay alam ko na agad na galing kay Flumerys iyon. Agad ko itong binuksan at binasa ang nakasulat:

Just like you, I also wasn't allowed to go outside of this mansion. But because I'm working as a maid, there were less eyes and ears on me.

Isang beses ay narinig kong nagbubulungan ang ibang mga katulong . . . may isang propesor daw na lumulutas ng mga kaso.

Sapat na iyon para gumawa ako ng plano, ngunit nasundan pa ang kanilang tsismisan ng nakakagulat na impormasyon galing sa isang katulong. Ang propesor na iyon daw ay ang nawawalang Guivellnova, ang tiyuhin ni Zilvane.

Pagkatapos no'n ay kinaibigan ko ang katulong na iyon. Napansin ko agad na gusto niyang napupuri't napagkakatiwalaan siya ng iba. Kaya naman pinakiusapan ko siya na magbigay ng liham papunta sa Villa Vouganville.

It was the case report of missing identical women every five years. Yes, I was the one who instigated the start of the professor's investigation. Iyon at pati ang pagtakas mo . . . kasama iyong lahat sa aking plano.

Simply escaping from Zilvane is not enough. It was impossible, even. I tried escaping with you that night, but he made sure I got wounded so I couldn't follow you. Pero hindi ako nawalan ng pag-asa. Alam kong sa tulong mo at ng propesor ay masasagip niyo rin kami.

'Kami' ang ginamit niyang salita. Hindi lang siya ang nangangailangan ng tulong. Ang nanay ni Zilvane, pati ang anak ni Flumerys. Lahat sila ay kailangan kong masagip sa mansyong ito.

I wanted to ask more from Flume. Gusto kong tanungin lalo na ang tungkol sa kaniyang anak. Where is the boy? Is he with Flume? Is he safe? Maraming katanungan ang dumadaloy sa isip ko, ngunit isa lamang ang napiling isulat ng mga kamay ko. Isang tanong na makakapagsabi sa akin sa tunay na kondisyon at kalagayan ni Flumerys.

Danger, Danger, Mr. StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon