#DDMS20

143K 6.6K 1.8K
                                    


#DDMS20


FEUILLE

"DILLIAN might not be the victim," mentioned Xantiel's voice. The silence that followed echoed within the small space of our car. "She might be the bad guy here."

Napalunok ako sa kaniyang sinabi. Sabagay, hindi naman lahat ng mga nawawala ay biktima. Paminsan, sila mismo ang mga ayaw magpahanap.

"But something has been bothering me for a while," dugtong ng aking katabi. "Why did Dillian only delete the last messages indicating the location? Bakit 'di na lang niya binura ang buong conversation?"

Ngumuso ako, napaisip sa makabuluhan niyang katanungan. "Hindi kaya . . . dahil may mga kailangan pa siyang impormasyon sa mga pag-uusap nila?"

Xantiel squinted his eyes and bit his lip, his usual expression whenever he's thinking in a deep state.

Napakagat din ako ng labi dahil nakakaakit siyang tingnan ngayon. The engineer is always smiling, but when he's serious, he could actually be lethal.

Kinuha niya ang kaniyang laptop mula sa backpack na nasa ilalim ng dashboard.

Inangat niya ang kaniyang mahabang binti sa upuan, lalong kapansin-pansin ang kaniyang katangkaran. Nakapatong sa kabila niyang hita ang laptop, nagta-type siya rito gamit ang kaliwang kamay, kasabay nito ay nagta-type naman siya sa cell phone gamit ang kanan.

He pressed the top edge of the phone over his chin. My eyes looked up to his lips as it presented a sudden smirk.

"Alam ko na kung sa'n sila mahahanap," he confidently stated without looking away from the laptop.

"Ha?!" nakanganga kong reaksyon. "P-Paano?"

He leaned forward to fill the gap in my open mouth, shutting it up with a kiss from his opportunistic lips.

"Just . . ." his husky voice mumbled between my lips, "trust me, little lady."

Dala ng init ng kaniyang halik ay kinapa ko ang kaniyang malapad na dibdib.

Ngunit naramdaman ko bigla ang kaniyang pagngisi sa pagitan ng mga labi ko, sabay kinuha niya ang kamay ko't ibinalik ito sa manibela. "Drive."

Jeez. Sino ba'ng nagsimula?!

Pulang-pula tuloy ang buong mukha ko sa hiya nang paganahin kong muli ang sasakyan. Turning me on and then cutting me halfway.

Fucking Vouganville.

***

SINUNDAN ko ang direksyong ibinigay sa 'kin ni Xantiel, at nang makarating kami sa 'ming destinasyon ay hindi ako makapaniwala.

Sapagkat ibinalik niya kami sa harap ng laundry shop.

"What the hell?" galit kong bulong. "Ginagago mo ba 'ko, Xanti?"

"Let's go," yaya niya sabay bukas ng pintuan. "Naghihintay sa 'tin si Dillian."

Kunot lamang ang noo ko habang sinusundan siya.

Hindi na ako nagulat pagkarating namin sa pintuan, dahil Closed pa rin ang nakalagay sa kanilang karatula.

Pagtulak namin ng pinto ay umalingawngaw ang kuliling mula sa mga nakasabit na wind chimes. Natagpuan naming nagtatalo ang dalawang mag-asawa.

"Kasalanan mo kaya nawawala ang anak natin!" hiyaw ng matandang babae.

Sinagot agad siya ng kaniyang asawa. "Kasalanan ko? Ikaw, Leticia! Ikaw ang may kasalanan!"

Danger, Danger, Mr. StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon