#DDMS26

146K 6.4K 1.9K
                                    




#DDMS26


FEUILLE

Five years ago

"VILLA Vouganville."

Kasabay ng pagbikas ng dalawang salitang iyon ay ang pagtapak ng mga sugatan kong talampakan sa malamig na damuhan. "Villa V-Vouganville. Villa . . . Vouganville."

Madilim at malalim na ang gabi. Niyakap ko ang katawan kong nilalamig sa bawat pagsipol ng hangin dahil sa sira-sirang damit na aking suot, nakalaylay ang mga sirang tela sa maputik na lupa.

Hindi ko alam kung nililinlang na lang ba ako ng mga mata kong mugtong sa luha, ngunit may isang malaki't mukhang lumang mansyon na bumungad sa aking harapan pagkatapos nang tila ilang ikot ko sa kagubatan.

Pagkarating sa malaking pintuan nito ay ginamit ko ang aking natitirang lakas upang kumatok nang tatlong beses.

"Xildius? Naririto ba ang p-propesor?" iyak ng nabibiyak kong boses.

Akala ko ay wala na akong pag-asa, dahil sino nga naman ang gising pa sa mga mahihimbing na oras ng gabi? Ngunit dahan-dahan ay bumukas ang malaking pintuan na gawa sa mamahaling kahoy.

There in front of me, stood the most beautiful couple I have ever seen. The tall husband's possessive arm clinging to his wife's waist. The woman, who carries a long silky hair and a golden button for a necklace, covered her mouth in shock.

Wala pang isang segundo ay nilapitan agad ako ng babae, hinawakan ako sa magkabilang balikat. "A-ayos ka lang ba? May nangyari bang masama?!"

Her hand felt so warm, and her touch felt very assuring. She's like a living sanctuary. A place where you could always feel at peace.

I never . . . experienced this feeling my whole life. Is this what care feels like?

"I-I'm looking for the professor," humihikbi kong banggit. "Professor Xildius Vouganville. N-Narito ba siya?"

Tumingin ang babae sa kaniyang asawang lalaki, na siya namang naningkit at napakunot ang noo nang marinig ang mga binitawan kong salita. Nakakatakot ang kaniyang mga matang mariing nakatitig sa akin.

"I'm that fucking professor." Parang may banayad na pagkulog sa kaniyang malalim na boses. "And what does a Guivellnova want with me?"

***

TINULUNGAN ako ng asawa ng propesor na nagpakilala sa 'kin bilang si Fifteen. Pinaliguan niya ang sugatan kong katawan nang puno ng pag-iingat.

Ahh . . . I wonder if they have a child already? He or she must be very lucky to have a mom like her.

"Paano nalaman ng propesor na Guivellnova ako?" tanong ko kay Fifteen habang sinasabon niya ang aking balat. "Wala pang isang minuto ang nakakalipas ay nalaman niya na agad kung sino ako."

"He-he, gano'n talaga ang asawa kong 'yon," paliwanag sa 'kin. "He mentioned something about your clothes. I guess mga Guivellnova lamang ang may ganoong mga damit. At alam na alam niya iyon dahil—"

"He's also a Guivellnova," biglaan kong pagsingit. "I know. And that's exactly why I'm here. He might be the only Guivellnova I could trust."

Nang matapos maligo ay pinahiram ako ni Fift ng kaniyang mga damit. Hindi ko alam kung bakit, pero tila ba kinikilig at natutuwa pa siya habang dinadamitan ako.

"Ang ganda-ganda mo, para kang manika!" aniya habang sinusuotan ako ng isa sa kaniyang mga pambahay na bestida. "Nako, may kaibigan akong kailangang ilayo sa 'yo! Tiyak akong matitipuhan ka niya dahil sa ganda mo. Mag-ingat ka sa kaniya, umiwas ka sa mga engineer na matangkad!"

Danger, Danger, Mr. StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon