-"Camille, ga-graduate ka na pero napakabagal mo paring kumilos. Bilisan mo nga."
Narinig ko na naman ang mala-megaphone na sigaw ng ate ko. Jusko, paano? Nakakaganda ba yung pagsigaw?
Nag-ayos muna ako bago sumagot kay ate.
"Chill lang, mag-judge ka muna dyan." Sigaw ko pabalik habang nagsusuklay ng mala-palmolive kong buhok.
Lumabas na ako sa kwarto ko pero bigla akong napabalik sa loob ng may lumilipad na unan patungo sakin. Muntikan na yun ah!
Narinig ko naman ang mangkukulam na tawa ng ate ko. Letse, sayang saya niya pag-nasasaktan ako. Ate ko ba talaga to? Pwede bang pumili nalang ng iba?
Napailing nalang ako at lumabas ng kwarto na may dala dalang baseball bat para naman handa ako pagbinato ako, at nang maka-home run. HAHAHAHAHA.
"Bilisan mong bumaba at may naghihintay sayo!" Bakit ganito si ate? Akala niya ata, malayo ako sa kanya. Bingi ba ako? Hindi naman sana ako bingi pero may posibelidad dahil sa bunganga niyang laging naka-sigaw.
Inirapan ko siya at dali daling bumaba. Katabi niya pala si mommy.
"Mommmeeeeeh. Si ate oh, she's so scary she's like a monster." Niyakap ko si mommy at nagsumbong na parang bata."Ay, oo nga pala monster na talaga siya."
Tumawa ako ng sobrang lakas at si mommy ay natawa din kaya binelatan ko si ate pero inambaan ako ni ate na hahampasin niya ako ulit ng unan.
"Mommeeeeh oh. Sinasaktan ako." Sabay yakap ulit ng mahigpit kay mommy para hindi ako matuluyan kay ate.
Si mommy lang ang makakapagsalba sakin mula sa magkukulam na ito. Help meeeeee.
"Oh tama na ang kasatan. Camille, anak may naghihintay sayo sa labas." Nginitian ako ng malaki ni mommy. Kilala ko na agad kung sino. Pero bago ako kumalas sa yakap ay binelatan ko muli si ate. Nginitian ko siya ng tagumpay dahil niligtas na naman ako ng aking wonder woman labas sa kanya.
Kaya bago pa ako mabato ng flying pillow ay lumabas ako ng bahay at nakita ko ang bestfriend kong unggoy na nakaupo sa hood ng kayang dodge challenger.
"Ang aga mo naman. Namiss mo ko?" Tanong ko sa kanya pagkalabas ko ng gate. Tinignan niya ako ng matagal bago sumagot.
"Asa." Maikling sagot nito at tumingin sa cellphone niya.
"36 minutes, 43 seconds. Tss." At tulad na naman ng dati, inuorasan niya na naman ako. Sa pagbibihis ko, sa pag-aayos ko. Mga lalaki talaga, ang papanget.
"Sungit mo talaga." Nagcling ako sa braso niya at pinikit ko ang noo niya. "Pasalamat ka."
"Pasalamat ako sa ano?" Tanong niya habang binubuksan niya yung door sa may shotgun seat.
BINABASA MO ANG
Behind That Fictional Character (KathNiel)
RandomTara't simulan na nating tuklasin ang kakaibang mundo sa internet. Silipin natin ang buhay ng isang naghahandle ng isang fictional character na galing kung saan ako mag-kukwento, okeh.