Page

9 0 0
                                    

-

Dahil nacurious ako, sinearch ko yung KrisMille page na sinasabi nila.

Pagkakita ko ay tama nga siya, may 2k+ na agad ng likes nito. Pero 2k agad ang likes, eh kaninang umaga lang to ginawa kasi yung born, date lang ngayon.

May mga post nadin na kung ano-ano. Yung mga moments na nag-skype kami. Aalamin ko kung sino sino admin nito. Aba.

Natawa ako bigla sa description nung page. "They're real, real na real(Kendra's voice). Iboto ang KrisMille para sa forever. Love and support, mwa." Hahahahahahahaha, leche.

Bwisit, ngayon palang alam ko na kung sino ang admin dito ay ang may kagagawan din sa group chat.

Wala naman na si yammy dahil iniwan na yun sa probinsya pero magkasabwat parin sila.

Wala akong magagawa, kambal yan eh.

Habang nag-sscroll ako sa page, isang post ang nakapagpatigil sa akin.

Yung mga sagot nila sa tanong na "Bakit niyo gusto ang KrisMille?"

"Gusto ko ang KrisMille kasi totoo sila. Hindi nahihiya si kuya kris na ipakita sa iba na gusto niya si ate cams." -Bicube

"Hindi ko lang sila gusto dahil sa nagpapakatotoo sila sa nararamdaman nila kundi pinapakita din nila yung totoong sila. Hindi lingid sa kaalaman ng ilan na nagmumura sila parehas pero walang turnoff kasi normal naman sa tao yun." -Pantylicious

"Gusto ko sila dahil halata namang gusto nila ang isa't-isa." -Monggorgeousness

"I love them kasi sweet sila sa isa't isa tapos yung mga effort ni kuya kris sobrang nakakakilig." -Betamaxbaymax

"Shet, super kinikilig ako sa kanila lalo na yung mga post at pagtanggol ni Kris kay Cams tapos yung omg, yung sabi ni Kris na sa kanya lang si Camille omg talaga." -Galaxinies

"THEY'RE REAL!!!!! OMG. Una palang alam kong meron ng namumuo sa kanila, denial lang sila pero ngayon omg, feeling ko nga sila na eh kasi yung sweet words nila sa isat isa, alam mo na. Ahe." -Shanghey

Hindi ko na binasa pa yung iba, leche may ganun pa talaga.

Inaupdate ko yung page at tama nga may bago silang post.

"Nanguha kami ng sagot mula kay Kris kung bakit sa dinami dami ng handler na babae eh kay Camille siya nabihag at ito ang sagot niya. (Totoo po ito, hindi po namin gawa gawa, thankies.)"

"Bakit ko gusto ni Cammy? Simple lang kasi ang totoo niya, kung palamura siya sa iba, hindi siya nahihiyang murahin din ako. May may tao kasi ngayon na pa-good shot sa iba pero sa iba, iba din ang ugali. Hindi nakaka-turn off yung ugali niya kasi kahit ganun siya, mabuti siyang tao. Sobrang bait niya, maganda pa. Una ko siyang nagustuhan, nung nag-voice message siya sa group chat ng story namin na Choose me, bestfriend. Ang cute nung boses niya, ang sarap pakinggan kahit paulit ulit then hindi ko alam yung name niya pa noon, kaya lahat ng mga kaibigan niya nag-aabang ako ng post nila na baka masingit yung name niya at magpost ng picture niya basta alam kong C o Camera lang ang pangalan niya nun. Then may nagpost bigla na 'Kahit sobrang panget ni Camille, mahal ko yung panget na yun.' Alam kong friend to ni Camille na si Jammy kaya sinearch ko agad Camille, akala ko hindi ko na siya makikita pero may ang mutual friend ay si Jammy kaya binuksan ko agad at tama nga ako, siya yun. Sobrang ganda niya talaga, yung mapapamura ka nalang bigla at simula nun inistalk ko na yung account niya. Lagi kong inaaasam na makausap siya bilang h to h pero kinakabahan talaga ako. At nung nakakita ako ng pagkakataon, I grabbed it at naging successful siya, nakakausap ko na siya at mas magustuhan ko siya nung nag-skype kami. Napakwento na ako, hahaha." -Krimmy white.

Behind That Fictional Character (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon