Ang Unang Pagkikita

18 0 1
                                    


-

Saturday na ngayon, ang bilis ng panahon.

He's really excited.

Kagabi palang, sinabi niya na kailangan niya ng matulog ng maaga kasi ayaw niyang mukha siyang zombie pag nagkita kami.

Muntanga.

Nagpost pa siya ng "I'm really excited to see you, in personal. See you, cammy. -" Kaya ayun yung mga fans kuno namin, nagkagulo na naman. Aba, mga updated. May selfie daw kami, dapat daw madaming picture kami together. Tong si Lym, Eka, Joyce at Jammy, sila daw bahala sa kwento sa mangyayari samin, sa sweetness daw at sa off selfies pictures daw namin.

Off selfies? Hahahahahahaha mga gago. Parang off cam daw yun. Mga gagang tunay.

Nagtext pa sakin ng ala-sais ng umaga na naka-ayos na daw siya.

Aba, hindi ko binigay number ko para i-text niya lang ng ganun. Pake ko bang nakaayos na siya? HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA.

8 na, at nag-aayos nalang ako ngayon. Kasama ko pang pumunta yung si Jammy, at alam kong maya maya nandito na yun.

Ano kayang isusuot ko?

"Nak, nandito na si jammy sa baba." Rinig kong sigaw ni mommy.

Sabi ko na ba eh, excited din tong isang to.

"Wait lang po, pakisabi teka lang." Sigaw ko din pabalik.

Nag-off shoulder na white ako na damit, kita ang pusod at nag-red akong skater skirt then hidden wedge shoes na white at shoulder bag.

Naglagay akong pulbos at lipgloss. Nag-curl lang ako sa dulo ng buhok ko.

Sinakbit ko sa leeg ko ang dslr ko at inilagay sa bag ang iPhone 6+ at Samsung S6 edge.

Na kay jammy yung iPad ko at for sure dala niya yun.

Bago ako bumaba, tinignan ko muna yung itsura ko sa salamin.

Nagpabuntong hininga ako bago lumabas ng kwarto, sinalubong naman ako agad ni ate ng kantsyaw.

"Oh, himala nag-ayos ka. Saan punta? May date ba kayo ni Jamley?" Inirapan ko siya.

Si Jamley na naman, nu ba yan.

"Ka-date ko yung girlfriends ko, ate." Pagkasabi ko nun ay nilagpasan ko si ate.

"Tama hinala ko, tomboy ka." Natawa ako kay ate, napatingin ako kung nasaan siya.

"Gaga ka ate. Girl friends, hays. Wag bobo, nu po?" At nagtatawa ako.

Ewan ko ba kay ate, hindi ko alam kong nagbobobobohan lang o tanga lang talagang tunay.

Nakita kong malaking ngiti si Jammy. Tutuksuhin na naman ako niyang gagang yan.

Bakit kasi ito pa naisipan kong isuot?

Hiningit ko agad siya sa braso, at pinanlakihan siya ng mata.

"Mommy, una na po kami ni jammy." Tumango si mommy, buti nalang walang sinabi. Pagkatapos naming magbeso ay hinatak ko na palabas si jammy at sumakay sa sasakyan namin.

Behind That Fictional Character (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon