Panirang moment

23 1 2
                                    

-

Ngumiti siya ng malaki.

Lumayo ako sa kanya.

"He he, hello." Awkward akong ngumiti.

Tinignan ko siyang matagal.

Ang simple lang ng suot niya.

Long sleeve polo na nakabukas kasi may white T-shirt sa loob at naka-pants at naka-lebron james na shoes at naka-rayban na shades. Yayamanin.

Ngayon ko lang napansin na may nakasakbit din palang dslr sa leeg niya.

Napatingin din ako sakin.

Nak ng meant to be?!

Lagi naman akong nagmumura kaya pwede yan.

Tangina.

Mas gwapo siya sa personal, omg.

"Te, laway mo. Natutunaw na oh, hoy." Napapikit akong mariin at tumingin sa apat na picture lang ng picture.

Subukan lang nilang ipost yan.

Pinandilatan ko sila, nagtawanan naman sila.

Mga kaibigan ko ba talaga to?

Tumingin ulit ako sa kanya at ngumiting pilit.

Ang awkward eh.

Umupo ako sa kabilang upuan, nagsiksikan naman sila.

"Sorry, hindi na kasya. Dun ka na."

Tinataboy ako.

Nagpout tuloy ako.

Umupo ako kung saan nakaupo si Kris, langya.

Nagsiksikan sila dun sa mahabang upuan na to, eh luwag luwag dito.

Ngumiti silang apat na parang nagtagumpay.

Mga gagong to, masasampal ko sila pag wala na si kris.

"Kamusta?" Tanong niya.

Sinusubukan niyang mawala ang awkwardness.

"Okay lang." Sagot ko habang nilalaro laro ko yung cake na nasa harapan ko.

Ininom ko yung frappe na nasa harapan ko.

"You're really damn beautiful and sexy." Bigla akong nabilaukan.

Tinap niya yung likod ko.

"Okay ka lang?" Tanong nito habang hinahahagod yung likod ko.

Kumuha akong tissue at pinunasan ang gilid ng labi ko.

"I'm fine." Ngumiti ako, tinignan ko siya at mukha siyang nag-alala.

"Hey. I'm really fine, no need to worry." Nginitian ko ulit siya.

-

Tumagal tagal ay nawawala na yung awkwardness kasi nakapagtatawanan na kami, kwentuhan.

Maya maya ay may tumatawag sakin, pero na kay jammy yung cellphone ko na may tumatawag.

Tinignan ko siya at binigyan siyang look na 'sino-yang-tumatawag'.

Tapos sinabi niyang malakas na "JAMLEY KO, HEART EMOJI."

Behind That Fictional Character (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon