-"Ano bang nangyari sayo, bes?" Bungad na tanong ng isa sa mga best of best of friends ko, ang aking girlfriend. Si Jammy.
Tinignan ko siya ng matagal.
Nawalan ako sa konsentrasyon ko simula sa "-". Hindi ako makapaniwala na simpleng sign ang makakapag-patanga sakin.
Buti nalang talaga hindi natuloy yung test dahil wala yung teacher na magbibigay nun.
Pero buong vacant time namin ay nakatitig lang ako sa sign na yun.
Malay mo, nailagay niya lang yun.
Malay mo, nagkamali lang siya.
Malay mo, hindi talaga para sakin yun.
Ugh, that malay sucks.
Umiwas ako ng tingin at tinitigan ulit yung sign na yun.
Maya maya ay may naramdaman akong tumabi sakin, hindi ko na siyang magawang tignan.
"Ewan ko dyan, kanina pa yan. Tinatanong mo, tititigan kang matagal tapos wala na." Rinig kong reklamo ni Jammy.
May naglagay sa tapat ko ng platong puno ng pagkain pero imbis na kainin ko to ay pinaikot ikot ko lang yung pagkain sa plato gamit ang kutsara at tinidor.
"Ayaw mo ba nung food na binili ko? Diba favorite mo yang spaghetti at cheesecake? Anong gusto mo? Bili nalang ulit ako ng bago."
Si Jamley pala.
Patayo na sana siya ng hawakan ko ang braso niya para pigilan siya.
Umiling ako. "W-wala lang akong ganang kumain. Salamat."
Nginitian ko siya.
"Sigurado ka?" Tumango lang ako.
Narinig ko ang malakas na buntong hininga niya at umupo ulit sa tabi ko.
"May sakit ka ba, bes? W-wag mong sabihing iiwan mo na kami bes?! Jusko diosdado, wag muna! Ililibre mo pa ako sa parlor tapos bibili tayo ng damit na gagamitin natin sa graduation ball tapos magagalit sayo yung mga kaibigan mo sa piksyunal na mundo kasi iiwan mo silang walang paalam! Hindi pwedeeeeeee! Bes, nooooooooooooooo! Don't leave me. Huhuhuhuhuhu I can't ."
Dahil sa speech ni Jammy, nabuhayan ako.
Binatukan ko nga.
"Gaga, hindi pa ko mamamatay."
Natawa akong bigla at ganun din si Jamley.
Wait, bakit nandito tong tukmol na to?
Pagkatapos niyang asaring crush ko siya. Ew.
BINABASA MO ANG
Behind That Fictional Character (KathNiel)
RandomTara't simulan na nating tuklasin ang kakaibang mundo sa internet. Silipin natin ang buhay ng isang naghahandle ng isang fictional character na galing kung saan ako mag-kukwento, okeh.