Ohmygasoline, krimmy white.

19 0 0
                                    

-


Sa tagal tagal kong handler, ngayon lang may nakapag-post ng picture ko.

9 months nadin pala akong handler at masasabi kong sobrang saya lang maging handler kasi may mga magiging kaibigan ka. Fc to fc man yan o kaya h to h friendship.

Ako, hindi ko nadin mabilang yung mga kaibigan ko dito. Sobrang dami na kasi.

May mababait talaga na makakaclose mo agad kasi pareho kayo ng ugali pero may mga mahirap talagang maka-close, yun yung mga taong ikaw na yung nag-chat, sila pa tong snob. I-seseen ka o kaya magrereply sayo pero walang gana.


Fictional world ay tahanan ng mga taong hindi kayang ilabas ang sarili nila sa tunay sa mundo at sa mundong to nalang pinapakita ang totoong sila.

May mga pa-bebe din dito, pa-bitch, paalaway, malalandi, poser, makulit, nakakainis, paki-alamera, pa-peymus, snob, plastic, ggss, manyak, bastos, kwela, friendly, maingay, backstabber, attention seeker at kung ano ano pa.

Masayang maging handler lalo na kung magiging totoo kalang sa sarili mo at dapat piliin mo yung mga pagkakatiwalaan mo kasi madaming kaibigan ka sa harapan pero sa likuran demonyo ka.

Be a friend to your enemy, sabi nga nila. Ganyan sila kalulupit, lalo na yung kumakapit sa mga handler na sikat para masabing sikat nadin sila. Papansin masyado ang gaga.

-


Nageedit ako ngayon ng picture ni Kathryn Bernardo para ipang-profile ko.

Kathryn portrayer kasi yung hinahandle ko na si Sam at Daniel Padilla portrayer si Adammer.

Nilagyan ko din ito ng pagkaliit liit na watermark. Adammer's ang inilagay ko.


Maliit pero sapat na para makita ko pag may kumuha.


Meron kasi dito yung ikaw naghirap mag-edit tapos biglang kukuhanin yung picture at ipoprofile naman nila. Pwede naman silang magpaalam ko kaya sabihin na pa-edit din sila, pero hindi eh pinagpaguran mo tapos parang wala lang.


Kaya dito, dapat naglalagay ka ng watermark.


Pero yung iba, oa masyado. Wala namang inedit pero akala mo may kukuha ng kukuha sa kanila. Simpleng picture lang na kahit ikaw makikita mo sa internet, parang mga ewan. Makalagay lagay ng watermark, sinakop na yung buong picture. Pwede sana eh, kung inedit nila pero hindi e. Mga gusto lang ng gulo para magpapansin.


Pinalitan ko na yung profile ko at wala pang limang minuto, may nagcomment at may mga naglike nadin.


Adammer Mantilla Bakit ang ganda mo?


Parang na-awkward akong kausapin siya dahil dun sa comment niya kanina dun sa picture pero dapat hindi ako magpadala sa sitwasyon dahil fictional to fictional to.

Samantha Shakebreed Kasi gwapo yung boyfriend niya.


At nagtuloy tuloy lang yung kulitan at nawala nadin yung awkwardness na bumabalot sakin.


Yung kambal ayun mga busy sa kanya kanyang gadgets.


Behind That Fictional Character (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon