-
Nagising ako sa malakas na sigaw sa kwarto ko.
"Bes, oh my god! May sunoooooooog!"
Napabangon ako bigla dahil may sunog.
Tumakbo ako sa labas ng bahay at nagtatalon.
"Mommmmeeeeeehhhhh! May sunoooooog, mommmmeeeeeeeeh! Ateeeeeeeeeee! Sunooooooooog!!! Tulooooong!!!"
Nagtatalon ako habang sumisigaw.
Palabas na sana ako ng bahay para humingi ng tulong nang may narinig akong nahihigikan sa likuran ko.
Pagtingin ko nandun yung mga tukmol kung mga kaibigan.
Putangina lang!
Napagtripan na naman ako, leche.
Naglakad ako pabalik sa kwarto ko at nilagpasan lamang sila.
Bahala sila diyan.
Bwisit tong Jammy at Yammy na to.
"Hoy kayong kambal na kayo, wag na wag niyo kong kakausapin ah! Malilintikan talaga kayo sakin."
Isasara ko na sana yung pintuan ng iharang ni Yammy yung kamay niya.
"ANO BA?! Wag niyo kong kakausapin, okay?"
"Si Jammy ang pasimuno ng lahat ng to, siya ang sisihin mo." Natatawang sabi ni Yam.
"Bwisit kayong dalawa! Papangit niyo."
Kahit naman mga ulaga yang mga yan, kaibigan ko parin yan. Medyo tanga lang yang kambal na yan.
Ewan ko ba kung bakit ganito mga kaibigan ko, mga panget. Hays.
Nagtatawanan kami dahil sa nangyari. Pinagsasabi na ang epic ko daw, para daw akong tanga.
Pasalamat sila wala si ate at mommy. Kundi mapapagtawanan na naman ako ni ate at hindi ako titigilan nun pag nagkataon.
"Omg, bes. Muntanga ka kanina. Langyaaaa! Wala namang usok e. HAHAHAHAHAHAHA."
Napataas ng kilay ko. Mga hampaslupa na to.
"Hoy ikaw, bakit nandito ka din aber?" Sabi ko kay Yammy.
Minsan lang kasing dumayo yan dito, laging nasa kwarto niya at ayaw niyang naiistorbo siya pag nagfafacebook. Naghahandle din siya at eto pa ang malupit, may naging boyfriend siyang handler din pero yun pala, poser ang gaga.
"Wala lang, bat ba. Hoy, picture tayo para may maipost akong hhd. Hehehe itatag ko nadin kayo."
BINABASA MO ANG
Behind That Fictional Character (KathNiel)
RandomTara't simulan na nating tuklasin ang kakaibang mundo sa internet. Silipin natin ang buhay ng isang naghahandle ng isang fictional character na galing kung saan ako mag-kukwento, okeh.