-
"Hija! Bumaba ka dito at may bisita ka at pinapatawag ka nadin ni Ma'am para sa breakfast." Sigaw ni manang mula sa pintuan ko.
At sino naman ang bibisita sakin ng ganito kaaga?
Iba talaga trip ni Jammy!
Makikikain pa talaga dito samin.
"Wait up! Coming." Nagmadali akong magbihis.
I wore my black sando na pa-cross yung likod at maong short. Nag-bun din ako pero medyo samugaw na mukhang bagong gising lang. Usual attire ko pag nasa bahay lang, hehehehe.
Bumaba na ako.
Pero nagkamali ako kung sino ang makikikain dito.
"Napadpad ka? Anong masamang hangin ang nagdala sayo dito?" Natatawa ako kasi muntanga siya, ang aga aga kasi. Tatambay lang naman dito yan tapos makikikain, gawain niya yan pag walang pasok o kaya wala siyang magawa sa buhay niya.
"Wala lang." Sagot naman niya.
Mga trip talaga nito sa buhay, wala lang.
"Alam mo talaga kung ano oras ang almusal dito oh." Hinampas ko siya sa braso. "Makikikain ka na naman."
"Sus, gustong gusto mo namang nandito ako."
Susuntukin ko na sana siya ng may nagsalita sa likuran namin.
"Tama na yan, magkatuluyan pa kayo." Sabi ni mommy na nasa likuran lang pala namin.
Nag-pout ako kaya natawa naman si mommy at ate.
Ito talagang mag-nanay na to.
"Oh jamley, dito ka na kumain." Natuwa naman si Jamley.
Tuwang tuwa ang gago at makakalibre na naman siyang almusal.
"Yan naman yung pinunta niyan dito, makikain." Inirapan ko siya bago ako umupo.
"Tita oh, pati pagkain pinagseselosan nitong anak niyo. Mahal na mahal talaga ako."
Aba, may gana pa siyang tumabi sakin ah!
Tinaasan ko siya ng kilay at tinulak ko siya palayo.
"Ew, gross. Hindi ka ba kinikilabutan sa sinasabi mo?"
Nag-smirk pa ang lecheng lalaking to.
"Tignan niyo oh, sobrang mahal na mahal ako."
BINABASA MO ANG
Behind That Fictional Character (KathNiel)
RandomTara't simulan na nating tuklasin ang kakaibang mundo sa internet. Silipin natin ang buhay ng isang naghahandle ng isang fictional character na galing kung saan ako mag-kukwento, okeh.