-
Pumasok ako ng maaga.
Ni hindi ko naisipang buksan yung account ni Samantha baka mainis lang ako lalo.
Maganda ang umaga tulad ko kaya ayokong sirain to.
Hindi din ako nagpasundo kay Jamley kasi gusto kong maglakad-lakad.
Pagdating ko sa school, normal lang naman lahat.
Tsismisan dito, bulungan dyan. Kaguluhan rito, suntukan roon. Normal na sa school namin yun.
Naglalakad na sana ako papuntang classroom ng biglang may umakbay sakin.
Tinignan ko to, sinamaan ko lang siya ng tingin.
"Aga aga ang sungit nito. Gwapo ako kaya maganda ang araw, ngumiti ka nga." Aba, siya na ngayon ang makulit ah.
"Hoy, kapal talaga ng pagmumukha mo."
Tinaasan ko siya ng kilay.
"Baby naman eh, ngiti na." Halata namang natatawa siya.
BABY NIYA MUKHA NIYA!
"Wag mo kong ma-baby baby diyan ah! Sisikmuraan talaga kita dyan."
Sasampalin ko to ng todo todo.
Tinanggal ko yung pagkakaakbay niya.
At naglakad na ako. Bahala siya diyan.
"Bakit ba ang sungit sungit ng baby ko?" Napatigil ako sa paglalakad ng bigla niyang hawakan yung palapulsahan ko.
Tinanggal ko yun.
At inambaan ko siya ng suntok.
"Sabing wag mo kong mababy baby." "Hahalikan kita pag tinuloy mo yan." Sabay naming sabi.
Halikan niya sarili niya.
Inirapan ko nalang siya, takot ko nalang pag tinuloy niya yan. Ugali pa naman ni Jamley na totohanin yung mga sinasabi niya.
"Sungit nito, meron ka ba baby?" Tanong nito sakin pagkapasok na pagkapasok ko sa classroom.
Nabatukan ko nga siya. Eh ang lakas ng pagkakatanong niya kaya nagtinginan yung mga tao sa loob classroom.
Ay putcha, kaklase ko nga pala to sa first subject pag Monday.
Nagbulungan sa buong klase.
"Baby?! Oh my god!"
"Omg, sila na?"
"Akala ko na bestfriend lang sila?"
"Alam mo naman, iba ang makati."
"Kaya nga niya ginawang bestfriend, para tago ang pagiging higad,"
"May tinatago din palang landi."
BINABASA MO ANG
Behind That Fictional Character (KathNiel)
RandomTara't simulan na nating tuklasin ang kakaibang mundo sa internet. Silipin natin ang buhay ng isang naghahandle ng isang fictional character na galing kung saan ako mag-kukwento, okeh.