Bestfriend over that whatsocalled Love

16 0 0
                                    

-

Sunday na ngayon kaya nagready na ako para magsimba.

Hindi ko kasama yung kambal o kaya sila mommy, mga busy sila at nakapagsimba sila kaninang umaga. Ako ngayon lang magsisimba. Kawawa naman ako. Hahaha.

Pumasok ako sa simbahan at umupo sa may harapan ng may tumabi sakin.

Hindi ko na to nagawang tignan kasi nagsisimula nadin ang misa.

Nung ama namin na ay hinawakan niya yung kamay ko.

Parang may ano na dumaloy sakin, bigla kasing namasa yung kamay ko.

Pagtingin ko sa kanya, nagulat ako kasi si Jamley lang pala to.

"Ikaw pala, panget." Sabi ko dito at kumanta na ng ama namin.

Nang matapos ang misa ay nagkaayaan kaming magmall, buti nalang may dala siyang sasakyan.

Habang kumakain kami, biglang may nagchat sakin. Tinignan ko naman si Jamley, kumakain lang siya. Ngumiti ako sa kanya at kinuha yung phone ko.

Dyne Fersisco: Wag kang maniwala sa sinasabi nila. Hindi ka malandi, at never kang naging ganun. Mas kilala kita kaysa sa kanila. -CoSquared.

Nagpaalam si Jamley na magpupunta lang muna siya sa cr.

Shit, sino naman tong CoSquared na to?!

Aaaaaaahhhhh! Sino siya?

Bakit ganun nalang siyang makapagsalita sakin?

Mas kilala niya ako higit kanino man. Jusko.

Samantha Shakebreed: Sorry pero kilala ba kita? Who are you? Wala akong kilalang CoSquared.

Dyne Fersisco: Hindi mo na kailangan makilala ako, basta nandito lang ako lagi sa tabi mo para protektahan ka. Hindi ko man masabi sayo to pero gusto kita. I like you, Camille. I really do like you. -CoSquared.

Dyne Fersisco: Wag mo ng alamin kung sino ako dahil sigurado akong aayawin mo ding kilalanin ako.

Hindi ko magawang magreply sa kanya kasi gulong gulo yung utak ko.

Kilala niya ako. Malamang.

Nasa tabi ko lang daw siya para protektahan ako.

At gusto niya daw ako.

Paano? Kailan? Saan?

CoSquared, sino ka ba talaga?

-

"Hey, are you okay?" Sabi ni Jamley, nakabalik na pala siya.

Tinignan ko siya ng matagal.

Tumango ako.

Gwapo din pala tong tukmol na to.

Hindi ako magsisisnungaling, naging crush ko tong lalaking to.

Dati lang naman. Hehehe. Kay Daniel Padilla lang ako.


"Crush mo na naman ako." Bigla niyang sabi at umupo sa harapan ko.


Binato ko siyang tissue. Buti nalang talaga nakailag siya.


"Feeler mo talaga, panget." At tumawa ako.


Behind That Fictional Character (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon