10 #ColbiesSummerTutorial

40 12 0
                                    

"I'm smiling, I'm glad you're not the reason anymore."

×××××

Dylan's POV

ONE WEEK HAD PASSED.

Nakailang beses akong banggit ng iba't ibang salita para masabi ang aking nararamdaman.

Isang linggo na ang nakaraan nang huli kong nakita at nakausap ang boyfriend ko.

Ang tahimik ko na ngayon..

Ang sakit sakit naman kasi eh. Akala ko the next day aftr the day na malaman kong binili pala ng best friend nya ung kompanya nya ay babalikan nya ako at kakausapin.

Hindi eh.

Sabi nya, isang araw lang syang mawawala bago sya umalis papuntang NYC, hanggang sa pumunta na nga agad sya ng NYC.

Di man lang sya nagpaalam saken :( Di man lang nya ako puntahan dito samin.

Ganung ganun ang nararamdaman ko eh. Ang sakit na sakit na umalis yung taong mahal ko nang walang paalam.

Dumagdag pa ang putris na Forevermore na ito. Sumakto pa doon sa episode na..

"Sinong kaya mong mahalin? Ito?" -xander

"Oo"-agnes

"Sana pinatay mo nalang ako. Ang saket saket."

Grabe ang iyak ko.

Parang hindi na ito ang iniiyakan ko, parang si Kei na.

Si Kei na walang malay.

Si Kei na walang ka-muwang muwang sa lipunan.

Si Kei na-----UGHHH! Para akong tae! Ano ba ang sinasabi ko?!!!

Nakakainis naman kasi si Kei eh ;(

kung hindi ngayon, kailan pa?!!!!

××××TROLOLOLOL×××××

Dylan's POV

"Ateeeeeeee!!!!!"

Bumalentong (lol what a term) ako sa kama ko when I heard a shouting voice at sunod sunod na katok from my room's door.

Nahulog tuloy ako sa kama...na naman.

"Aray ko..."

Nagkamot pa ako ng ulo. So who's the knocking girl this time? Ang sarap sarap pa ng tulog ko eh. I want more. :(

"Ateee! Gumising ka naaaaaaa!!!!!"

At ayun! Pagkatayo ko naman ay nauntog ako sa kanto ng side table ko! UGH! You're so stupid, Dylan! Napaka-clumsy mo!

Pero.. Ang saket ng ulo ko.. :'( Huhuhu. Deejay oh :( Inaaway ako. Paulin mo nga sa pwet >:(

I stand up and opened my door.

Bumungad saken ang kapatid kong si Colbie wearing her favorite dress. 7 years old na si Colbie.

"Oh? Anong meron? Bakit ka nakadress?"

She crossed her arms, tiningnan nya pati ako ng masama. Oh?! Anong problema nito?

"Hindi mo ba natatandaan kung anong meron ngayon?!"

HUWAW! Ang taray naman ng maliit na batang ito! -.- sa hindi ko nga naaalala eh! Ano bang magagawa ko?

"Now what!??"

She sighed in disbelief. Tong batang to oo. Parang hindi bata eh. -_- Can I punch her? Joke.

"Ate.. May summer tutorial ako sa keyboard. At.. Ngayon yung first session ng pagtuturo saken."

Nagtaka naman ako, tinuturan na pala ngayon ang pagtatype sa keyboard? Eh may facebook na nga itong batang to then she still needs this?!

"Keyboard? Marunong ka na magtype diba?"

At bigla syang sumigaw!!

"Aaahhhhhhh!!! I hate you ate! I hate you! I hate you!!! Aaahhh!"

Aba? Napapano ba to? Totoo naman yung sinabi ko ah?!

×××

Kasalukuyan ako ngayong nakaupo while listening my sister play that so called keyboard instrument and we're waiting the teacher.

Jusme! Piano naman lang pala yun na pinaliit! Pakeyboard keyboard pang nalalaman eh pwede namang piano na lang! Diba?!

"Uy, ate! Ang galing ko oh."

Napatingin ako kay Colbie, hindi na pala sya ang tumutugtog. But swear, akala ko siya ung tumutugtog. Nakaupo na kasi kagad sya sa harap nung piano.

Ngunit nakaturo pala sya doon sa kabilang room.

May tumutugtog doon ng piano.

Nakita kong sumilip si Colbie doon sa may pinto.

Pinapanood niya yung tumutugtog.

Pero nanatili na lang ako rito. Nakikinig ako sa isang magandang musikang nagmumula sa nasabing kabilang kwarto.

Hindi ko alam kung anong kanta yun pero ang ganda talaga ng tunog. Hindi nakakasawang pakinggan. Eto yung musikang perpekto sa bawat pandinig ng tao.

Dumating na yung magtuturo sa pagtugtog ni Colbie ng keyboard and so I watch them.

××

"Ateeee. Gutom na ko."

Sabi sa'ken ni Colbie.

Pumunta kame sa pinakamalapit na kainan, at ito ay ang McDo.

Hindi ko alam kung bakit pero naalala ko bigla si JM.

Hindi naman ito yung mismong McDo na kinainan namin pero talagang naaalala ko siya.

Jayce Matthew Castillo daw ang pangalan nya.. Best friend sya ni Kei at binili niya ang kompanya ni Kei.

Speaking of Kei..

Hmh.. :( I miss my boyfriend :( Kelan ko kaya siya makikita at makakasama ulit? :(

Daniel Padilla ng Buhay KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon