I'm thinking if this story will be a short story :) Yun bang hanggang 20-30 chapters lang. What do you think instead of 40-60 chapters?
"Pretending to be happy when you're in pain is just an example of how strong you are as a person."
+++++
Ystefani's POV
"B-Ba-Bakit ka..."
Nanginginig ako. Hindi ako makapagsalita. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Teka nga, akala ko ba umalis na siya rito? Bakit nakita ko pa siya rito? Argh. Sana panaginip lang ito. Sana nananaginip lang ako. Hindi ko siya maaaring makita. Hindi pwede. Panigurado, I'm just hallucinating. Namimiss ko lang siya kaya nakikita ko siya ngayon. Namamalikmata lang ako. Hindi ko talaga sya nakikita ngayon.
Ipinikit ko ang mga mata ko nang mariin for the last. Dahil alam ko, sa sarili ko, pagkamulat ko, hindi ko na siya makikita. Aalis na siya sa harapan ko. Pagkamulat ko, wala siya sa paningin ko. Hindi ko sya nakikita. Hindi ko siya abot-tanaw.
Ngunit nagkamali ako.
Pagkadilat ko, nasa mismong harapan ko na talaga siya. Ang lapit ng mukha namin sa isa't isa. Pakiramdam ko ang init init ng mukha ko. At isa lang ang ibig sabihin 'nun, namumula ako. Bumalik ang nararamdaman ko. Yung nararamdaman ko noon—nararamdaman ko ulit ngayon.
Grabe. Hindi ko inakalang makikita ko siya ngayon. Hindi ko alam na totoong nasa harapan ko siya. Grabe talaga. Sobrang namiss ko sya. Ang tagal kong hindi sya nakita. Grabe. Naiiyak po talaga ako ngayon. Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko. I think I'm going to explode any minute.
Hanggang sa hindi ko na napigilan ang sarili ko...
Tumulo ang luha ko...
Pinilit kong magsalita, kailangan ko siyang makausap. Bakit sya nandito, anong ginagawa nya dito, bakit sya biglang nawala.. Lahat ng pinaghandaan kong lakas ng loob, lahat ng mga inihanda kong salitang bibitawan sa kanya, kailangan ko iyong banggitin at ilabas sa kanya.
"JM. We need to talk."
++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
Dylan's POV
BINABASA MO ANG
Daniel Padilla ng Buhay Ko
Teen FictionDaniel Padilla. Isang lalaking sobra pa sa sobra ang kagwapuhan, gentleman, talented, in short, sya yung dream guy ng bawat babae. Dream guy na pinapangarap ng lahat. Ang kaso nga lang, sikat sya eh. Ang daming humahanga sa kanya, ang daming nagkaka...