Dylan's POV
Nakahiga ako ngayon sa kama ko. Yakap-yakap ko yung unan kong may nakaprint na mukha ni DJ. Tumutugtog sa laptop kong may stickers sa likod ng SDTG ang CD ni DJ.
Sa tagal ng panahon
Marami nakong nagawa
Marami nang awiting nilikha
Ngunit hindi pa rin mayakap ang hangarin
Hindi pa rin ako isang bituinHayyyyyyy. Miss na miss ko talaga si Kei. :( Miss na miss ko na yung boyfriend ko. Kelan kaya ulit kami magkikita? Kelan kaya ulit kami magkakasama? Miss ko na yung englishero kong boyfriend. Miss ko na yung pagpapatawa nya saken pag umiiyak ako. Miss ko na yung——I miss everything about him. :(
Sa ngayon, wala na akong magawa. Nag-iisip lang ako kung nasaan sya, anong nangyayari sa kanya, kung okay lang ba sya. Sino kaya ang kasama nya, may mga babae ba sa paligid nya, everything. :(
But all I can do is just wait. Pghihintay. Maghihintay ako, naghihintay ako. Hinihintay ko yung oras na muli ko syang makita at makasama.
Tuloy tuloy pa rin ang pagsisikip ko
Pagkat balang araw makikinig kayo
Tuloy tuloy pa rin ang pagaawit ko
Pagkat balang araw sisikat din akoUghh. Gabi-gabi na lang ba, palagi akong iiyak? Palagi na lang ba akong mag-iisip? Hirap na hirap na ako. Pagod na pagod na ako.
Pero para kay Kei.
Matatag ako. Hindi matitibag ang relasyon namin. Hindi ako papayag. Hinding-hindi.. Ipaglalaban ko sya. Ipaglalaban ko ang relasyon namin.
Nagdasal muna ako bago matulog at hinayaang tumutugtog ang laptop ko.
××××
"Hoy, Dylan! Gabing-gabi ka na naman natulog! Hindi mo pa pinatay ang laptop mo! Pano kung nag-overheat yan, edi sunog ka?! Tanghaling tanghali na, Dylan! Bumangon ka na!"
Aish. Sino ba yun. Natutulog pa ako eh. Mamukat mukat pa akong dumilat. Inaantok pa talaga ako. 2AM na ako natulog kagabi. Anong oras na ba.
Watdapak!! 2PM?! natulog ako for 12 hours!?
"Hoy, bumangon ka na dyan! Nandito ang mga kaibigan mo, sinusundo ka! May group vacation week daw kayo! Aba, Dylan. Bangon na diyan! Pinaghihintay mo ang mga kaibigan mo!"
O___O WTF?! Group vacation week? Pauso much? Sandali, bakit hindi ako ininform? Sumugod pa talaga sila ano? Nakakaloka! Hindi pa ako ready!
××
Third person's POV
Lahat sila ngayon ay nakanganga at manghang-mangha sa pagbabakasyunan nilang magbabarkada. Malaki ang bahay kumpara sa kanilang mga sari-sariling bahay at masasabi talagang maganda ito.
Naroroon kasi sila ngayon sa rest house ng kaibigan nilang si Melrose, hindi rin naman kalayuan. Malapit rin ito sa dagat kaya talagang masasabi mong napakaganda nitong puntahan at bakasyunan.
"Good thing may ganito kayo, Melrose. Hindi talaga namin inexpect." - Mara.
"Oo nga. Ang ganda, tapos ang sarap siguro dito mag-camping. Bukid pa man din. May dagat pa di kalayuan. Perfect place talaga to reunite." - Unies.
"Sinabi nyo pa. Naku, Mel ah. Buti na lang walang tao rito ngayong linggo?" - Ystefani
"Ay oo. Wala naman talagang nakatira dito eh... Simula nung mamatay sina lolo at lola." - Melrose.
"Ahahay! Juskopo! Rest in peace."
Natatawa nilang binatukan si Unies. Pero may punto naman ang kanilang kaibigan, kahit papaano.
"Tara, pasok na tayo sa loob?!"
Dali-dali ang mga itong pumasok sa loob ng bahay bakasyunan nina Melrose na pansamantalang gagamitin ng magkakaibigan para muling magkasama. Syempre, nangunguna rito sina Unies at Dylan.
Nagtutulakan pa nga sa may pinto, paunahan daw kasi silang dalawa at ang mahuli, panget.
Si Ystefani naman, imbis na sumunod sa mga kaibigan, ay pumunta sa tabing dagat. Hapon na at malamig na ang simoy ng hangin. Gustong-gusto nya rin kasi ang view sa ganitong sitwasyon.
Lalo na kung kasama nya ang kaisa-isang taong minahal nya—at patuloy pang minamahal.
Pinikit nya nang mariin ang kanyang mga mata habang nakapamulsa ang dalawang mga kamay sa kanyang suot na jacket. Nakangiti sya habang dinadamdam ang hanging humahaplos sa kanyang pisngi na nagdudulot sa kanya ng sarap sa pakiramdam.
Naliligayahan sya sa kanyang nararamdaman at gusto pa sanang manatili doon sa tabing dagat ngunit tinawag na sya ni Unies. Maggagabi na rin kasi at madalang ang bahay doon.
Kaya no choice si Ystefani, iminulat niya ang kanyang mga mata—ngunit nagulat sya sa nakita nya.
Dylan's POV
"Kwarto ko 'to! Kwarto ko!! Akin!!!"
Kasalukuyan ako ngayong nakikipag-agawan kay Unies dito sa isang magandang kwarto. Hindi naman sobrang ganda o pangsosyal. Dito raw kasi dati natutulog ang dating katulong ng lolo nina Melrose eh, kaya hindi ganun kagandahan at kalawakan. Nasa ibabang parte ito ng bahay at medyo tago——may poster lang talaga ni Daniel Padilla na nakadikit sa dingding ng kwarto. At eto, pareho kami ni Unies na idol si DJ kaya nag-aagawan kami ngayon.
"Akin sabi, eh!"
"Akin!"
"Akin nga! Ang kulit mo ga!!"
"Mas makulit ka! Akin nga kasi to, diba Melrose?"
Ngunit paglingon namin sa likuran namin kung saan doon namin huling nakita sina Melrose——bigla na lang silang nawala na parang bula.
Nagkatinginan kami ni Unies..
Kaming dalawa lang ang natira dito at ang tahimik ng lugar...
"Kyaaaahhhh!!!!"
At nagtakbuhan kami palayo sa kwartong iyon upang hanapin ang aming mga kaibigan.
May multo!! May multo!! Mommyyyyyy!!!!!
×××××××
A/N:
I know it's lame, I'm sorry. :( I'll give yah part 2 of the chapter XD
Vote. Comment. Follow. Be a fan.
-ü
BINABASA MO ANG
Daniel Padilla ng Buhay Ko
Teen FictionDaniel Padilla. Isang lalaking sobra pa sa sobra ang kagwapuhan, gentleman, talented, in short, sya yung dream guy ng bawat babae. Dream guy na pinapangarap ng lahat. Ang kaso nga lang, sikat sya eh. Ang daming humahanga sa kanya, ang daming nagkaka...