kumusta naman ang mga katulad kong team bahay dyan sa #MostWanted Concert ng ating prince charming? kaloka itu.
++++++++++++++++++++++++
Dylan's POV
Nandito na ulit kaming lahat ngayon sa living room. nakaupo kami pabilog sa sahig kasama ang mga kaibigan ko.
pero hindi pa rin maalis sa isip ko yung narinig ko kanina.
ang bigat ng dibdib ko. ang sakit ng ulo ko. hindi ko na alam kung anong dapat kong isipin. nahihirapan na'ko..mahal ko si kei. buhay ko sya. sya ang 'lahat' ko. masyado na ba akong adik sa kanya para makarinig o makapagpantasya sa kanya?
tama ba yung naramdaman ko? tama ba yung narinig ko? parang ang sakit isipin kung imahinasyon ko lang yun, pero.. kesa naman maniwala akong totoo ang nangyari kung hindi naman talaga? ugh. pagibig nga naman. nakakatanga talaga.
"uy, umiiyak si ystef. sandali lang," napalingon ang lahat kayna melrose at ystefani. nakaakbay si melrose kay ystef at naglalakad sila palabas ng bahay. nakatalikod na sila kaya walang nakakasiguro kung umiiyak nga ba talaga si ystef.
"ay, ang daya. kay mel lang?" tanong ni unies.
"yaan mo na, malalaman rin natin yan maya-maya. you know, best friends' talk only." sagot naman ni alexandra.
tumahimik na lang kami doon, habang ako---at si unies---ay kumakain ng nacheetos. si alex naman ay nagpapatugtog ng music video ng BTS habang nakikipanood naman doon sina merra, mara, shane, etc.
hanggang sa bigla naming narinig ang isang malakas na ulan kasabay ng pagdagundong ng langit.
"may bagyo?" patangang tanong ni unies.
"ay wala, wala. may storm lang," pambabara naman nitong si mara kasabay ng pagtigil nila ng panonood ng MVs dhl imposibleng mrinig pa nila yun.
sinamaan naman ng tingin ni unies si mara.
"ayan kase! wag magtanong ng patanga kung ayaw masagot ng pabara." sabat pa nitong si alex, dahilan ng pagpout ni unies
napangiti na lang ako sa inasta ng mga kaibigan ko.
"siguro nga bagyo ang dahilan kung bakit nawalan ng kuryente kanina," saad naman ni merra.
"Yeah, yeah."
*blag blag blag blag blag*
"Ohmygod, si Ystef!"
Kaagad naming nilingon si Melrose.
Basang-basa siya, nasa may pintuan sya at hingal na hingal.
++++++++++
Tumatakbo kaming lahat papunta sa kung saan kami nile-lead ni Melrose. Basang-basa na kami sa ulan, pero hindi namin alintana iyon. Paniguradong ako, magkakasakit ako dahil nabasa ako ng ulan. Pero wala akong pake. Mas mahalaga ngayon ang makita at malaman kung ano ang nangyari sa kaibigan ko.
Heto ako, basang-basa sa ulan.
Walang masisilungan, walang malalapitan.
Sana may luha pa akong mailuluha at
nang mabawasan ang aking kalungkutan,
ang aking kalungkutan.
Nakakalayo na kami sa bahay-bakasyunan, nilingon ko ito at hindi ko na nga makita. Gabi na rin at umuulan kaya mas lalong madilim. Naririnig ko ang hingal nina Unies at Alex. Ibig sabihin, malapit lang sila sa'kin. Alam kong wala na'kong masyadong makita, tanging ang flash light na dala-dala nina Unies at Melrose na lang ang nagsisilbing liwanag sa dinadaanan namin. Medyo papikit-pikit na rin ako dahil sa pagpatak ng ulan sa mukha ko.
Ang hirap naman nitong ginagawa namin, sana pala nagpaiwan na lang ako. Wala pa man ring naiwan doon sa bahay, kaso di pede. Mas mag-aalala ako at mababahala kung ano nang nangyari.
Tumakbo lang ako nang tumakbo habang sinusundan si Melrose kasama ang mga kaibigan namin.
+++++++++++++++++
Third Person's POV
Biglang nahimatay si Dylan sa gitna ng pagtakbo nila. Napatid sya ng kung ano man iyon, dahilan ng pagkatumba niya. Nawalan siya ng malay. Hindi siya makagalaw at nanginginig ang katawan niya.
Dahil may sakit siya. Hindi siya dapat pinababayaang mabasa ng ulan.
Ngunit ang mga kaibigan niyang kasama niyang tumakbo, hindi naman alam na nawala na si Dylan, nahimatay at naiwanan. Dire-diretso lang ang mga ito hanggang sa matagpuan ng mga ito si Ystefani na nakatayo sa kagilid-giliran ng kanilang pinaroroonan at sa ibabang bahagi nito, na kaunting pagkawala lang ng balanse ni Ystefani ay mahuhulog ito sa bangin sa ibaba.
Nakapikit si Ystefani at basang-basa na rin sa ulan.
Kaagad ng mga itong nilapitan si Ystef. Hahawakan na sana ni Alex ang braso nito at hihigitin at nang hindi ito mahulog sa bangin ngunit...
"Wag nyo akong hahawakan, kundi, tatalon ako."
Kaya hindi naituloy ni Alex ang gagawin niya kay Ystef. Nanatili sila sa likod nito at iniintay ang susunod na gagawin.
"Ystef? Okay ka lang ba? Please. Kung may problema ka, pwede naman natin yang pag-usapan."
Sabi ni Unies. Kinakabahan ang lahat dahil anumang oras ay pwedeng bigla nalang tumalon at mahulog si Ystef sa bangin. Anumang oras ay pwede silang mawalan ng isang kaibigan, anumang oras ay maaaring mabawasan ang pagkakaibigan nila. At hindi pwedeng mangyari yon.
"Oo nga, Ystef. Wag kang susuko, ha? Andito pa kami." - Alex
Ngunit humakbang pa ng isa si Ystef dahilan ng pagkahulog nito ngunit nasalo siya ng isang lalaking kanina pa siyang inaabangang tumalon upang mailigtas siya nito.
BINABASA MO ANG
Daniel Padilla ng Buhay Ko
Novela JuvenilDaniel Padilla. Isang lalaking sobra pa sa sobra ang kagwapuhan, gentleman, talented, in short, sya yung dream guy ng bawat babae. Dream guy na pinapangarap ng lahat. Ang kaso nga lang, sikat sya eh. Ang daming humahanga sa kanya, ang daming nagkaka...