"Maico..."
"Di mo man lang ba ako papapasukin?" aniya. Ngayon ko lang napansin na di pa rin kami kumikilos mula sa kinatatayuan namin.
Umurong ako ng kaunti saka binuksan ng maluwag ang pinto. Tumalikod na ako para kumuha ng mai-inom niya. Yung paborito niyang Cranberry Juice. Lagi akong may stock nun kahit na ilang buwan na siyang di nagpapakita sa akin. Sa likod kasi ng isip ko umaasa akong babalik siya.
Narinig ko pa ang pagsara niya ng pinto at pag-lock nun. Nagulat na lang ako nang hilahin niya ako at isandal sa pinto. Tumitig siya sa mga mata ko saka mariin akong hinalikan. Akala mo mauubusan. Tatlong buwan ba siyang hindi nakahalik??
Grabe namiss ko to ng sobra. Yung mga labi niya. Yung mga yakap niya...
Gumanti ako ng mas masidhi pa sa halik na binigay niya. Naramdaman ko pang idiniin niya ang sarili niya sa akin. Yung mga kamay niya unti-unting gumagapang sa katawan ko. Ipinasok niya yun sa loob ng blouse ko at tinanggal ang pagkaka-snap ng bra ko.
Napasinghap ako nang maramdaman ko ang isang kamay niyang humahaplos sa dibdib ko. Nalulunod ako sa sensasyong dinudulot niya. Iniangat ko ang mga kamay ko at dinama ang dibdib niya.
Naitulak ko siya bigla ng tumunog ang telepono. Grabe ano bang nangyayari sa akin at hinayaan ko na lang siya sa ginagawa niya? Much more tumugon pa ako?
Lumayo ako sa kanya upang puntahan ang telepono. Pero di pa man ako nakaka dalawang hakbang, hinila niya na ako pabalik sa pagkakasandal sa pinto.
"Be my girl, Jacky." bulong niya sa tenga ko.
Yumakap pa siya ng mahigpit sa akin habang hinahalikan ang tenga ko.
Nang humiwalay siya tumingin lang siya sa mga mata ko. Natulala lang ako sa kanya. Di ko alam ang isasagot ko.
Totohanan na ba ito? Mahal niya na ba ako kaya siya bumalik? May nararamdaman na ba siya saken kaya ganyan ang kilos niya na tila ba sabik na sabik siyang makasama ako?
Sasagot na sana ako ng 'oo' ng...
**Doll, I need to see you pull your knee socks up. Let me feel you upside down, slide in, slide out. Slide over here, climb into my mouth now child...**
Napatingin ako sa CP ko. Sino ba yang kanina pang istorbo na yan?? Nagmo-moment kami ni Maico oh!
"Wait lang ha, sasagutin ko na baka importante eh."
"Eeehhh... mamaya mo na sagutin. Saka, bakit yan ang ringtone mo? Alam mo ba ang ibig sabihin ng kantang yan??" natatawang sabi niya.
Tumango lang ako. Sige na nga siya na muna ang sasagutin ko. Mamaya na yung tumatawag. Tutal kaligayahan ko naman to eh!
"Ahh..."
"Tutulungan mo naman akong kalimutan siya di ba?" aniya. Ipinatong pa yung noo niya sa noo ko.
Boom! Sabog ang mga pangarap ko! Yan kasi Jacky assumera ka masyado. Yan ang napapala mo. Pero infairness ang honest niya ha? Pero hanggang rebound na lang ba ako? Ang saklap naman.
Parang bumagsak ang mundo ko dahil sa sinabi niya. Itinulak ko ulit siya at kinuha yung CP ko.
1Missed Call
Kuya
Ano naman kayang problema ni Kuya? May nangyari kaya kay Lola?
Dali-dali kong nai-dial ang number ng kuya ko. Nakita ko pang pumunta sa kusina si Maico.
Sumagot agad si Kuya isang ring pa lang.
"Nasaan ka bang babae ka ha? Kanina pa ako tumatawag ah!" singhal agad ni Kuya.
"Ano kasi... may nangyari ba? Bakit ka tumatawag?" tanong ko.
"Meron eh... yung ano kasi..."
"Ano bang nagyari kuya?"
"Nasangla ko yung bahay at lupa. Kaso natalo sa sugal." aniya.
Parang gumunaw ang mundo ko sa sinabi niya. Pamana pa sa amin ninuno namin ang bahay at lupang iyon.
"Kuya naman eh! Paano pag nalaman yan ni Lola? Siguradong aatakihin yun!"
"Yun na nga Jacky eh. Kaya ko isinangla yung lupa... nasa ospital si Lola. Kaso nadala ako nung kaibigan ko sa sugalan eh. Nung una nananalo ako pero nung huli di ko na namalayan na naubos nayung pera. Jacky, tulungan mo naman kami oh."
Tuluyan nang tumulo ang luha ko sa sinabi niya. Nasa ospital pala si Lola wala man lang nagsabi sa akin.
"Bakit di mo man lang ako sinabihan na nasa ospital si Lola? Edi sana nagawan ko agad ng paraan! At magkano mo naman naisanggla yung bahay?"
Nanlumo ako sa halagang sinabi niya. Ni hindi aabot yung savings ko. Paano pa yung pagpapagamot ni Lola?
Sabay ng pagbaba ko ng telepono ay ag pagyakap ni Maico sa beywang ko. Isa pa ito. Problema din ang lalaking 'to eh!
Inalis ko yung pagkakayakap niya sa akin. At umupo sa sofa.
"May problema ba?" tanong niya.
"Wala. Please iwanan mo muna ako Maico, gusto kong mapag-isa." sabi ko sa kaya sa malamig na tono.
"Paano tayo? Di mo pa sinasagot yung tanong ko." aniya.
"Walang 'tayo' Maico. Kaya please lang iwan mo na ako."
"Ok. I'll be back tomorrow." si Maico saka lumabas ng pintuan.
Ano na ngayon ang gagawin ko? Kanino ako hihiram ng ganoon kalaking halaga? Di pwede kay Lana. Kahit na alam kong di siya magdadalawang isip na pahiramin ako, di naman kaya ng konsensya ko kasi alam kong napakarami nilang gastos. Bukod sa buntis siya eh naaksidente pa si Jace.
Alam ko na! Kay rich girl!
Kinuha ko yung CP ko at nai-dial ang number ni Joy.
"The number you have dialled is either unattended or..."
Inilayo ko agad sa tenga ko yung CP di pa man tapos magsalita si... kung sino mang operator yun. Nasaan naman kaya yung gagang yun?
Kinuha ko yung landline at nai-dial ang telepono nila sa mansion.
"Nandiyan po ba si Joy?" tanong ko agad dun sa katulong na sumagot.
"Naku wala po dito si Senorita Joy eh. Nag-iwan lang po ng sulat na di na babalik... ay sandali po kakausapin daw kayo ni Senorito Patrick."
Hinintay kong magsalita si Kuya Patrick sa kabilang linya.
"Hello? Sino ito?"
"Ah, Kuya Pat si Jacky 'to. Wala pa po si Joy jan?" tanong ko.
"Ikaw sana ang tatanungin ko. Kayo daw ang pupuntahan niya sabi niya kanina. Pero nakita namin itong sulat niya ang sabi di na daw siya babalik."
"Huh?! Eh kasama lang namin siya kanina wala naman siyang nabanggit ah?"
Problema 'to. Bakit kasi ngayon pa naglayas si Joy? Ano naman kayang problema nun? At paano na ako niyan? Wala na akong ibang matatakbuhan.
**You've got one text message**
From: +639330927.......
New number ko Beauty! See ya tomorrow!
Si Maico. At oo 'Beauty' ang tawag niya sa akin. Tapos 'Beast' ang tawag ko sa kanya. Baligtad ba? Hindi naman di ba? Umangal sapak! Siya ang nagpa-uso niyan no!
Psss... Dumadagdag lang sa problema ko 'tong isang to eh. Pinatay ko na lang yung CP ko baka biglang tumawag eh lalong gugulo yung isip ko.
YOU ARE READING
THE NERDY REBOUND GIRL
Losowe[Story Completed] Jacky has been in love with Maico since forever. Pero ang kaibigan niyang si Lana ang gusto nito. Kahit pa nga may asawa na ang huli. Nang sumuko si Maico kay Lana, sa kanya ito tumakbo. At doon naganap ang isang di inaasahang pang...