𝘾𝙃𝘼𝙋𝙏𝙀𝙍 35

61 0 0
                                    

"Oy bawal late ha!" natatawang sabi ko sa kabilang linya.

Si Genna ang  kausap ko  ngayon sa phone. Magkikita-kita kaming lima. Oo lima, nagpakita na kasi sa wakas si Joy.

Kahapon lang siya tumawag at sinabing nakabalik na siya sa bahay nila. Wala naman siyang sinabi kung saan siya nanggaling. Iku-kwento niya na lang daw  pag nagkita-kita na ulit kami. Kaya ito, pinlano ko agad ang pagkikita namin ngayon. Para na rin ipaalam ko sa kanila ang pagpapakasal namin ni Maico.

"Nagsalita ang hindi laging late!" si Genna. Sa aming lima kasi kaming dalawa yung nagpapaligsahan sa pinaka-late.

Wala pang ibang nakaka-alam ng engagement namin ni Maico bukod sa pamilya namin. Mamaya sasabihin ko na rin sa mga kaibigan ko.  Sa opisina wala akong pinagsabihan. May isang nakapansin ng singsing ko. Nung tinanong niya yung tungkol dun eh nginitian ko lang siya. Good thing na hindi tsismosa type yung nakapansin. Wala pa ring kumakalat na tsismis sa opisina ngayon.

"Papunta na kaya ako! Ikaw nasaan ka na ba?"

"On the way na rin. Alam mo naman, sanay na akong hindi nale-late ngayon! Haha."

"Kpayn. Kita na lang tayo dun. Ingats!"

Sa Calleza Grill Antipolo kami magkikita-kita. Si Genna ang nag-suggest nung lugar. Mas  mainam na daw kasi dun at malapit lang sa bahay nina Lana. At least hindi na mahihirapan sa biyahe yung bagong panganak. Well, kaya niya naman sarili niya. May pagka over-protective lang talaga kami kaya ayaw namin siyang pagurin.

Alas seis ang usapan namin. Early dinner lang peg naming lima. Five thirty pa lang ngayon at nasa Taytay na ako. In fairness, maaga ako ngayon. Ito siguro ang nagagawa ng kasiyahan.

Next month na yung engagement party namin. Ang sabi ni Mica, hindi naman daw yun ganun ka-bongga. Basta mai-announce lang daw yung engagement. Inaasikaso niya ngayon yung invitations. Grabe lang, doble trabaho. Iba pa raw kasi yung wedding invitation sa engagement party lang na invitation eh.

Balak ko sanang puntahan pa siya mamaya after namin dito ang kaso eh paniguradong gagabihin kami masyado. Mabuti pang ipagpabukas na lang. Tutal Sabado na rin naman bukas.

Quarter to six nakarating ako sa Calleza Grill. As usual, nandoon na si Aya at si Lana. Si Genna, ewan dun. At least on the way na raw siya. Sa may mga kubo sa likod kami pumwesto.

Nasa mesa na yung menu pagkarating ko at namimili na yung dalawa. "Sagot ko na ha." sabi ko agad.

"Wow! Anong nakain mo at manlilibre ka?" takang-taka na tanong ni Lana. Alam niya kasing may pagka kuripot ako eh.

Ngiti lang yung sinagot ko sa kanya at kinuha ko yung isa pang menu sa mesa. Medyo mahal yung mga pagkaen pero keri lang. Kahit abutin ako ng libo ayos na yun. Advance celebration na rin namin ito para sa engagement ko eh.

"Ikaw na ang mamili Jacky, tutal ikaw naman ang magbabayad."

"Ok sige." dinanan ko pa ulit ng tingin yung menu saka tinawag yung waiter.

Wala man lang dalang papel na paglilistahan yung waiter kaya kunot noo ko siyang tinignan. Mukhang naghihintay na siya ng order ko kaya naman sinabi ko na  rin yun.

"Ahhhm, isang order ng Porterhouse Steak, Baby Back Ribs, Pork BBQ... ahmmm itong Kare-kare, Sinigang na Tuna Panga." tinignan ko  yung waiter.

"Meron pa po ba? Rice po? Dessert?"

Ngumiti ako. "Limang rice, saka limang mango shake na rin. Ah! Pati banana crepe sama mo na. Salamat." sabi ko saka ibinaba yung menu. Pagkaalis nung waiter tinanong ko agad yung dalawa. "Nakuha niya kaya yung mga order ko? Di niya man lang nilista."

THE NERDY REBOUND GIRLWhere stories live. Discover now