"Sabay ka na saken." ani Anthony.
"Wag na, magta-taxi na lang ako."
Magi-isang oras ko na ring hinihintay si Maico pero ni anino niya eh wala pa. Kabilin bilinan niya kasi na hintayin ko siya. Kanina ko pa rin siya tinatawagan sa cellphone niya pero walang sumasagot. Pati si Mica at yung sekretarya niya eh tinawagan ko na pero wala pa rin.
"Sige na, mahirap sumakay oh." aniya sabay turo sa nagkukumpulang tao sa sakayan.
Kanina pa rin ako naghihintay ng taxi na daraan pero wala talaga. Masakit na rin ang mga paa ko dahil dito sa sapatos nasuot ko na apat na pulgada ang taas.
Pag hindi pa ako sasabay kay Anthony, di ko alam kung anong oras pa ako makakauwi. Nagaalala na rin ako kay Maico. Hindi pangkaraniwan sa kanya ang hindi magrereply o sasagot sa tawag.
Tumango na lang ako at sumakay sa pasenger's seat ng sasakyan ni Maico. Luma na ito pero malinis sa loob. Kahit na hindi katulad ng mga magagarang sasakyan ni Maico eh komportable rin naman dito.
Tahimik lang ako habang nasa biyahe. Traffic sa Meralco ave tulad ng karaniwan. Pero pakiramdam ko eh mas matagal ang traffic ngayon. Siguro dahil tahimik lang kami sa magdamag o dahil hindi si Maico ang kasama ko.
Nakatitig pa rin ako sa cellphone ko at naghihintay ng tawag niya o kahit text man lang. Pero nakarating na kami sa bahay at lahat pero wala pa rin.
"Salamat sa paghatid sa akin." nakangiting sabi ko kay Anthony.
"Anytime." aniya.
"Hindi na kita mayayaya sa taas ah. Alam mo naman kasi..." sabi ko na ang tinutukoy eh si Maico.
"Ayos lang. Basta alam kong safe kang nakauwi."
_______
Di ako mapakali. Dalawang oras na ako rito sa bahay pero di pa rin ako kino-contact ni Maico. Nakabukas naman ang cellphone niya pero walang sumasagot dun. Di ko na alam ang iisipin ko. Sobrang nagaalala na ako.
Napatakbo ako sa kinalalagyan ng landline ng tumunog yun.
"Hello?" sagot ko agad pagkaangat ko ng reciver.
"Hello Jacky!"
Kinilala ko yung boses ng nasa kabilang linya. Si Aya yun. Nadismaya ako dahil ine-expect ko na si Maico na ang tumatawag.
"Oh Aya, napatawag ka?" mejo bagsak ang boses ko.
"Ba't ganyan boses mo? May problema ba?" nagaalalang tanong niya.
"Hindi, wala ito. Masama lang pakiramdam ko." pagsisinungaling ko.
"Sure ka ha?" hindi niya na hinintay na sumagot ako at nagpatuloy na. "Anyway, punta ka sa ospital manganganak na si Lana!" masiglang sabi niya.
"Oh di nga? Nasaang ospital daw?"
"Sa Medical City daw. Papunta na rin ako dun kita na lang tayo."
__________
Nagmamadali akong nagpunta sa Medical City sa Ortigas. Sa wakas manganganak na si Lana. Hinanap ko kaagad kung nasaan ang delivery room at halos patakbo nang nagpunta roon kahit na alam ko naman na hindi ko pa makikita si Lana.
Malapit na ako nang mapatigil ako sa paglalakad. Sa harap ng delivery room, naroon si Maico. Sari-saring emosyon ang naramdaman ko. Galit dahil hindi man lang niya ako naisipang tawagan dahi baka nag-aalala na ako. Pagtataka dahil mas nauna niya pang nalaman na manganganak na si Lana. At relief, dahil nawala na rin ang kung anu-anong haka-haka na tumatakbo sa isipan ko kanina kung ano na ang nangyari sa kanya.
YOU ARE READING
THE NERDY REBOUND GIRL
De Todo[Story Completed] Jacky has been in love with Maico since forever. Pero ang kaibigan niyang si Lana ang gusto nito. Kahit pa nga may asawa na ang huli. Nang sumuko si Maico kay Lana, sa kanya ito tumakbo. At doon naganap ang isang di inaasahang pang...