𝘾𝙃𝘼𝙋𝙏𝙀𝙍 46

90 0 0
                                    

"We found her," bungad ni Maico sa akin pagkasagot ko pa lang ng telepono.

"Oh, that's nice! Nasaan daw siya?"

Si Elaine ang tinutukoy niya. Actually naging maayos naman na kami nitong nakaraang mga linggo. It's been two weeks simula noon. Naging patient naman sa paghahanap si Maico. Nag-hire siya ng PI para dun.

"Sa Batangas. Bukas na bukas rin puntahan natin sila. Pumayag na raw si Elaine na makipagkita, basta hindi natin kukunin ang bata."

"Ok, pero tingin ko dapat mag-celebrate muna tayo ngayon dahil nakita na natin sila."

"Sure, saan tayo?" masiglang tanong niya. Ilang linggo rin siyang naging matamlay. Kahit na maayos kasi ramdam ko pa rin yung tamlay sa mga kilos niya.

"Uhmm, Seaside? Gusto ko dun."

"Ok, pupunta na ako."

~~~

Alas-cuatro na rin ng hapon nang makarating kami rito sa MOA seaside. Makulimlim na kaya masarap tumambay. Though madumi na yung tubig na makikita mo rito ayos na rin. Gusto ko lang naman talaga pagmasdan yung sunset.

"Ahh!" itinapat ko sa bibig niya yung hotdog. Ngumanga naman siya at kumagat doon.

"Ang sarap!" aniya habang ngumunguya.

"Don't talk when your mouth is full," sabi ko sabay subo nung hotdog na hawak ko.

Tumawa lang siya saka inagaw yung kamay ko at itinapat ulit sa bibig niya para kumagat pa ng hotdog.

"'Wag mong ubusin!" protesta ko. Ang laki kasi ng kagat niya. Akala mo mauubusan.

"Hahaha! Ang takaw mo talaga Beauty! 'Lika nga!" umakbay siya sa akin saka pasimpleng hinalikan ako sa mga labi. Napatingin ako bigla sa paligid. Mukha namang walang nakapansin.

Hinampas ko siya bigla. "Sira ka! May makakita sa atin!"

"Eh ano naman? Malapit na rin naman tayong ikasal ah?" kinuha niya pa yung kamay ko at nilaro-laro yung singsing sa daliri ko.

Isinandal ko lang yung ulo ko sa dibdib niya at nanahimik. Pinagmamasdan lang namin yung mga taong dumaraan.

"Anong balak mo pag nakita na natin yung bata?" maya-maya'y tanong ko.

Naramdaman kong nagkibit siya ng balikat. "Bibigyan lang natin sila ng tulong. Susustentuhan ko sila at magpapakilala naman akong ama dun sa bata," aniya.

Tumango ako. "That's good. Though hindi magandang lumaki na wala ang isang magulang," malungkot na sabi ko. Naranasan ko ang lumaki ng walang magulang. Mahirap yun. Pakiramdam ko may kulang.

"Hindi niya naman mararamdamang wala ako eh. I'll visit him from time to time."

"Okay."

~~~~

Tahimik lang kami sa loob ng ilang oras. Di ko na nga namalayan na five thirty na. Nakatitig lang kami sa dagat at sa langit sa buong magdamag na yun.

"Ang ganda," nasabi ko bigla habang tininignan yung papalubog na araw.

"Yeah, sana sa paglubog niya isama niya na rin lahat ng problema ng tao."

Tumawa ako ng bahagya. "Sana nga. Kaso hindi eh. Kahit ilang beses siyang lumubog at sumikat, nariyan pa rin ang mga problema."

Kumalas siya sa pagkaka-akbay sa akin at kunot-noong umingin sa akin. Nginitian ko naman siya.

"Totoo naman di ba? Pero kahit ganun, alam kong malalagpasan natin ang lahat ng yun."


Hinihintay namin yung fireworks. Gusto ko lang yung mapanood ngayon habang kasama si Maico. Wala kaming pakialam sa ingay ng paligid, pakiramdam ko eh kaming dalawa lang ang nandito. Hindi lang kami nagsasalita dahil hindi rin naman kami magkakarinigan sa mga banda na kumakanta sa magkakatabing resto.

THE NERDY REBOUND GIRLWhere stories live. Discover now