𝘾𝙃𝘼𝙋𝙏𝙀𝙍 41

48 0 0
                                    

Dalawang linggo na rin ang nakalipas matapos ilibing si Kuya. Pero hanggang ngayon hindi pa rin nagsasalita si Gelai. Madalas nagagalit siya pag kinakausap. Lagi niyang gustong mapag-isa. Hindi na rin siya nagkakakain. Madalas pang makita ko siyang umiiyak.

Kahit pilitin ko eh wala akong magawa para sa kanya. Kaya nakapag-desisyon akong dalhin na siya sa doktor.

"Gelai is suffering from depression. Malamang dahil yan sa pagkamatay ng Tatay niya na nakasama niya mula sa pagkabata niya. Nabanggit mo rin na nakita niya ang katawan nito habang lumalangoy sa sarili nitong dugo."

Tinignan ko si Gelai sa tabi ko na nakatulala lang. Naroon yung lungkot sa mga mata niya na tila ano mang oras eh may luhang papatak.

"Ano po ang pwede kong gawin para gumaling siya?"

"She has to undergo psychotherapy and medication. Magre-reseta ako ng antidepressant para sa kanya. Bring her here from time to time for counseling," nagsulat ang doktor sa isang papel at iniabot sa akin ang reseta.

"Salamat po Dok."

"Take good care of her."

Hawak ko ang kamay niya palabas ng clinic. Sa walang buhay na mga mata niya, nakatitig siya sa Ice cream parlor sa tapat namin. Napangiti ako ng bahagya.

Nag-squat ako sa harap niya para magpantay ang taas namin. "Gusto mo ng ice cream?" tanong ko sa kanya. May ilang segundo rin siyang nakatitig sa akin saka bahagyang tumango. Hinaplos ko yung pisngi niya saka ngumiti. "Ok, bibili tayo ng ice cream."

Pinapili ko agad siya ng gusto niya sa menu na nasa likod ng tindera roon.

"Anong gusto mo?" nakangiti pang tanong ng tindera kay Gelai.

Hindi sumagot si Gelai at nakatitig lang siya sa menu. Hinihintay ko na magsabi siya kung anong gusto niya pero wala akong natanggap na sagot. Ako na lang ang pumili para sa kanya. Alam ko naman kung anong flavor ang gusto niya.

"Dalawang rocky road Miss," napabaling yung tingin sa akin nung babae.

Tumango siya. "Ok po."

Naghanap na ako ng mauupuan namin ni Gelai. Doon kami sa sulok kung saan may mga teddy bears sa tabi para maaliw naman siya kahit papaano. Pinaupo ko siya roon saka kinuha ang orders namin sa counter.

Hindi niya masyadong ginagalaw yung ice cream niya at natutunaw na yun. Nakatitig lang siya at paminsan minsan eh sumusubo.

"Natutunaw na yang ice cream mo. Ubusin mo na yan."

Bigla niyang binagsak yung kutsara niya sa sinabi ko. Nagdadabog pa siyang tumayo saka lumabas ng Ice cream parlor. Patakbo ko siyang hinabol saka niyakap ng mahigpit. May namumuong luha sa mga mata niya. "I'm sorry. Uuwi na tayo." hinawakan ko yung kamay niya saka inakay siya pasakay ng tricycle.

________

"Galing dito si Lisa." bungad sa akin ni Lola pagpapasok pa lang namin ni Gelai sa pinto.

Napatingin agad ako sa bata na ngayon eh bumitaw na sa kamay ko at pumasok sa kwarto niya. Bumaling ako kay Lola. Naupo ako sa sofa saka ako nagtanong.

"Ano raw po ang kailangan niya?"

"Si Gelai. Kinakamusta niya."

Si Lisa ang dating asawa ni Kuya James na nag-iwan sa kanila noong tatlong taong gulang pa lang si Gelai. Hindi na pumasok sa isip ko na maaaring bumalik pa siya sa buhay ng bata.

"Kukunin niya ba si Gelai?" nag-aalalang tanong ko.

"Wala siyang nabanggit. Pero nagsabi siyang babalik bukas."

Napapikit ako sa sinabi ni Lola. Kung sakali mang bumalik nga siya, maaaring kuhanin niya sa akin ang bata at hindi ako papayag. Iniwanan niya na noon ang anak niya. Wala na siyang karapatan para kunin pa ulit yun.

________

"Bakit bigla-bigla naman yatang gusto mo nang bumalik ng Maynila?" tanong ni Maico sa akin. Tinawagan ko siya para sunduin kami ni Gelai at iuwi na sa Maynila.

Hindi ako sumagot. Bagkos eh tumingin ako kay Gelai na natutulog sa likod ng sasakyan.

"Hindi pa rin siya nagsasalita hanggang ngayon," tila wala sa sariling sabi ko.

Huminga ng malalim si Maico. "Pwede natin siyang dalhin sa pinakamagagaling na doktor. Wag kang masyadong mag-alala," pag-aalo sa akin n i Maico.

Bahagya akong ngumiti sa kanya. "Salamat."

"Lagi ka na lang nagpapasalamat sa akin. There's no need to thank me, just love me more," ani Maico na sinamahan pa ng pilyo niyang ngiti.

"Yeah right," natatawang sabi ko.

"Parang ayaw mo ng kundisyon ko ah?" hinaluan niya ng lungkot yung boses niya.

Pinisil ko yung pisngi niya saka nagtatawa ng umaray siya.

"Alam mo namang mahal na mahal kita kahit hindi mo ako sabihang mahalin ka." umiwas ako ng tingin sa kanya pagkasabi ko nun saka pigil na pigil ako sa pagngiti.

Tumawa na rin siya. "Yan ang gusto ko sa'yo eh. Kaya mong pasayahin yung puso ko kahit walang masyadong effort."

Napalingon ako sa kanya. Wagas yung ngiti niya sa akin at nahawa na rin ako roon. Kita ko sa peripheral vision ko si Gelai. Naalala ko yung dahilan kung bakit gusto ko nang bumalik ng Maynila.

"Bakit?" kunot noong tanong ni Maico.

"Dumating yung tunay na ina ni Gelai."

"Oh? Anong naging reaksyon ng bata?" naroon yung excitement sa tono ng boses ni Maico.

"Hindi sila nagkita. Umalis kami ni Gelai nun at si Lola lang ang naka-usap niya."

"Oh, eh kung dumating pala siya, malamang na babalik yun. Bakit hindi mo na muna siya hinintay bago bumalik ng Maynila."

Tumingin ako sa kanya ng masama. "That's exactly why I'm going back to Manila! Ayokong makita siya ni Lisa!" mataas ang boses na sabi ko.

Sandaling natahimik si Maico. "Pero baka naman makabuti sa bata kung makikita niya ang Nanay niya," mahinang sabi niya.

"No. Sigurado akong kukunin niya sa akin si Gelai at hindi ako papayag! Akin na si Gelai. Hindi pwedeng mahiwalay sa akin ang anak ko." naiiyak na sabi ko.

Itinigil ni Maico ang sasakyan sa gilid ng kalsada.

"Jacky, hindi mo siya anak," mahinahong sabi niya sa akin.

Matalim ang paninging binigay ko sa kanya. "Simula ng iwan niya ang anak niya, nasa amin na ang karapatan sa bata. Ngayong wala na si Kuya, ako na lang ang may karapatan sa kanya," itinuro ko pa ang sarili ko gamit ang hintuturo. "Hindi ako papayag na ilayo niyo siya sa akin. Hindi si Lisa o ikaw ang magdedesisyon sa bagay na yan!"

Mariin siyang pumikit saka hinawakan ang kamay ko. "Ok. Walang maglalayo sayo kay Gelai. Sisiguraduhin ko yan," itinaas niya ang kamay niya at hinaplos ang pisngi ko. "Walang kukuha sa anak natin," aniya pa.

Hinila ko siya saka niyakap ng mahigpit. pagkahiwalay ko sa kanya ay bumaling ako sa likod at hinaplos ang buhok ng natutulog na si Gelai.

THE NERDY REBOUND GIRLWhere stories live. Discover now