𝘾𝙃𝘼𝙋𝙏𝙀𝙍 9

59 0 0
                                    

"Jacky! Kakain ka na? Sabay na tayo." nakangiting sabi saken ni Anthony habang sumasabay siya sa paglalakad ko papuntang pantry.

"Ahmmm... ano..." di ko alam ang sasabihin ko. Wala naman kasi akong kasabay sa pagkaen eh. Pero sabi kasi ni Maico iwasan ko na siya.

Ano bang dapat kong idahilan? Na ayaw ko siyang kasama? Parang ang rude naman ng dating ko nun. Eh kung sabihin ko na lang yung totoo na pinapaiwasan siya ni Maico saken? Ay wag din lalabas namang masama si Maico!

Di ko namalayan na nakarating na kami sa pantry sa pag-iisip. Wala na akong nagawa nang ipaghila niya ako ng upuan. Ang sama ko naman kung di ako uupo dun di ba?

Nagsimula na kaming kumain. Pareho naman kaming may baon kaya di na kailangan pang bumili.

Tahimik lang ako habang siya naman eh nagkukwento. Di ko nga naiintindihan kasi di ko naman talaga yun pinakikinggan. Iniisip ko kasi si Maico. Kahit na sabihin pang wala naman akong ginagawang masama eh nangako pa rin ako sa kanya.

"Ayaw mo ba akong kasabay?" maya-maya eh tanong ni Anthony.

Napaangat ang tingin ko sa kanya. Halatang mejo napapahiya siya.

"Hindi naman sa ganun. Kaya lang kasi..."

"Ayaw mo saken. Alam ko naman yun eh. Di ko lang talaga mapigilan ang sarili kong lapitan ka. Sorry ha." aniya saka umalis.

Tinignan ko na lang siya habang palayo. Na-guilty naman ako. Ang bait niya sa akin tapos ganun lang ang napala niya. Hindi naman sa ayaw ko sa kanya eh. Gusto ko siyang maging kaibigan. Ayoko lang ng komplikasyon. Lalo na at may kinalaman kay Maico.

Pero anong sabi niya? Di niya mapigilang lapitan ako? Kung ganun... totoo yung tsismis! May gusto talaga siya sa akin? Parang ang assuming ko naman ata masyado.


__________


Di ako mapakali. Alas onse na kasi di pa ako makauwi. Ito naman kasing si Mica eh naglalasing ngayon. Nakipaghiwalay na daw kasi sa kanya ng tuluyan yung boyfriend niya.

Nandito kami ngayon sa Banchetto. Siya lang naman ang umiinom. Taga ubos lang ako ng pulutan niya. May allergy kasi ako sa alak kaya kahit na anong pilit niya, di ako uminom.

"A-at alam mo ba? P-pinagtataguan pa ako ngayon! Out of town daw! Pshhh. If I know, out of home lang yun! Nandun yun sa babaeng kinakalantari niya!" anya habang umiiyak sabay lagok ng alak.

Ok. Di naman siya paulit-ulit. Promise. Di ko pa narinig na sinabi niya yan ng walong beses!

"Tahan na Mica, makakahanap ka pa ng iba jan. Sa ganda mong yan." sabi ko habang hinahagod ang likod niya.

Di rin ako paulit-ulit ha! Di yan ang lagi kong sagot!

"Bakit ganun Jacky? Ano pa bang kulang saken? Kung ikaw siguro ako di pa ako magtataka eh. Pero ako?..." aniya sabay turo sa sarili niya.

Dagukan ko kaya ito? Kahit hindi direkta eh nilait ako! Naku! Pasalamat siya't sinasamahan ko pa siya eh.

"Tara na. Ihahatid na kita sa tinutuluyan mo." sabi ko sa kanya. Tumayo na ako at hinawakan siya sa braso.

"Ayokong umuwi dun marami siyang picture sa kwarto ko mahihirapan lang ako!" parang batang sabi niya. Nagmamaktol pa.

"Pero di naman pwedeng magdamag tayo dito. Saka lasing na lasing ka na oh."

Sa totoo lang, nagaalala na ako sa kanya. Pulang pula na siya at hindi na diretso yung pagsasalita niya. Mula pagdating ba naman eh di na tinigilan ang pag-iinom. Di ko na nga nabilang kung naka ilang bote siya sa dami nun eh.

THE NERDY REBOUND GIRLWhere stories live. Discover now