Dahan-dahan ang ginawa kong pagsusuot ng baby blue na dress ko para sa Engagement party namin ni Maico. Aabot lang yun lampas ng kaunti sa tuhod ko. Nilagyan ako nung bakla sa labas ng light lang na make-up pero makikita mo yung malaking pagbabago sa mukha ko. Kinulot niya rin ang hanggang beywang kong buhok at itinali sa bandang kanan at inilabas sa balikat ko. Yung sapatos kong baby blue din ang kulay eh pinaparusahan ako sa taas.
"Kakainggit ka naman friend. Malapit ka nang ikasal. Ako kaya kelan?" si Aya. Siya ang nag-aasist sa akin sa pagsusuot ko nitong damit.
"Maghanap ka muna ng boyfriend saka ka mag-isip ng kasal 'no," tinignan ko yung repleksyon ko sa salamin at inayos pa ng kaunti yung pagkakasuot ng damit. "Ilang taon ka na bang tigang? Sa pagkaka-alam ko eh si Vince pa yung pinakahuli mong naging boyfriend. Kelan pa yun? College? God! That was years ago! Namatay na si Dolphy at lahat wala ka pa ring lovelife."
"Duh! Eh sa walang magkamali sa akin eh bakit ba?"
"Ang sabihin mo, choosy ka kasi! Oh baka naman may hinihintay kang bumalik?" tinaasan ko siya ng isang kilay pang-aasar.
Lumungkot yung mukha niya. "Tigilan mo nga ako," aniya saka lumabas ng dressing room.
Sumunod na rin ako pagkalabas niya pero wala na siya roon. Baka lumabas na ng tuluyan ng kwarto.
"Wow! You look great! Ag galing ko talaga oh my gosh," lumapit sa akin yung bakla saka umikot pa at sinipat yung bawat anggulo ko. "Yan, reyding reydi ka na!" maarte pang sabi niya.
Naupo ako sa kama dahil nangangawit na ako. Ito ang kwartong ginamit ko mula pa kahapon. Narito kami ngayon sa resort nina Maico sa Pansol at dito gaganapin ang engagement party. Para tuloy na rin daw swimming yung mga dadalo.
Piling bisita lang ang inimbitahan. Yung mga pamilya at malalapit na kaibigan lang ang naririto. Ang balak namin eh sa kasal na lang imbitahin yung iba pang mga kakilala namin. Actually, hinahanda na ni Mica yung engrandeng kasal namin na yun.
"Best friend!" si Mica.
Nginitian ko lang siya at tinapik ko yung pwesto sa tabi ko. Tumalima naman agad siya at naupo roon. May kinukuha siya sa pouch niya habang nagsasalita siya.
"May ipinabibigay sa'yo si Mommy," aniya habang patuloy ang paghalungkat sa pouch. "Asan na ba yun?" bulong niya pa. "Got ya!" aniya saka iniharap sa akin ang isang necklace.
Nakagiting kinuha ko yun sa kamay niya. "Para saan 'to?" tanong ko.
"Sa leeg malamang! Try mo sa ilong baka pwede," aniya at ngumuso pa.
"Sira! I mean, bakit naman ako binigyan ni Mommy nito?"
She rolled her eyes. Kinuha niya yung necklace sa kamay ko at siya na ang nagsuot nun sa leeg ko.
"Kailngan pa bang may dahilan para bigyan ka namin ng regalo?" aniya pa.
Bahagya akong tumawa. "Hindi lang kasi ako sanay na may basta na lang magreregalo sa akin."
~~~
Nasa thirty rin ang bisita. Ang bisita ko lang talaga eh anim. Yung mga kaibigan ko at si Lola. Yung ibang guests dito puro inimbitahan na ng Mommy ni Maico. Ang sabi ni Mica kanina eh kamag-anak nila lahat ng narito. Saka nga pala si Elaine. Natatanaw ko siyang mag-isa sa sulok.
Walang nakaka-alam ng tungkol sa ipinagbubuntis niya. Kahit ang Mommy ni Maico at si Mica eh walang ideya. Ang balak namin, sasabihin na lang sa kanila pag nandyan na yung bata.
"Congratulations to the two of you. You really look good together," sabi nung isang matanda. I mean, may edad na babaeng naka make-up na sing kapal ata ng alikabok sa bahay na hindi natirhan ng one hundred years.
YOU ARE READING
THE NERDY REBOUND GIRL
Random[Story Completed] Jacky has been in love with Maico since forever. Pero ang kaibigan niyang si Lana ang gusto nito. Kahit pa nga may asawa na ang huli. Nang sumuko si Maico kay Lana, sa kanya ito tumakbo. At doon naganap ang isang di inaasahang pang...