𝘾𝙃𝘼𝙋𝙏𝙀𝙍 27

50 0 0
                                    

Nasapo ko ang ulo ko pagkabangon. Sobrang sakit nun na pakiramdam ko eh binibiyak na. Lumingon ako sa paligid na di pa masyadong mulat. Nandito ako sa kwarto ko. Ano bang nangyari kagabi? Ang naaalala ko  lang eh nasa comedy bar kami nina Aya at Genna. Tapos umorder ako ng alak at nagpakalasing... Sh*t! Oo nga pala, kaya pala sobrang sakit ng ulo ko.

Napatingin ako sa suot ko. Nakabihis na ako ng pantulog. Pero hindi ko maalalang nagpalit ako. Malamang sina Genna at Aya ang nagpalit sa akin. Naku kailangan ko palang mag-sorry sa kanila. Nahirapan sila saken kagabi. Bakit naman kasi naisipan ko pang mag-inom?

Iuuwi ko na siya.

Napakunot ang noo ko nang bigla na lang yung pumasok sa isip ko. Teka, may ibang sumalo sa akin nang mahuhulog na ako sa upuan dahil sa sobrang hilo. Inalalayan ako ng kung sino mang iyon at siya ang nagsabing iuuwi na ako.

Si Maico. Oo, sa pagkakatanda ko siya yung nakita ko pero malabo yun. O baka nga nagiilusyon lang ako nang mga oras na yun? Sa totoo lang kasi siya ang gusto kong makasama nang mga sandaling yun.

Pero sa likod ng isip ko eh parang may malabong pangyayari na binuhat niya ako at dinala sa kotse niya. Pinagalitan pa nga ako pagkababa niya pa lang sa akin sa likod ng sasakyan. Pasaway! Yan ang naaalala  kong bigla niyang sinabi bago yung mahabang litanya na hindi ko na maalala.

Winaksi ko yun sa isip ko. Baka nananaginip lang ako.

Tumayo na ako ng tuluyan at pumunta sa banyo para mag-shower at mahulasan yung natitirang tama ko. Inalis ko na yung mga damit ko at naramdaman ko yung mga pantal sa likod ko. Tsk! Di pa pala naalis 'to kahit nakatulog na ako. Kailangan ko pang uminom ng gamot para dito.

Nakapikit na itinapat ko ang mukha ko sa shower.

Now I know how you felt when you took me home drunk.

Napamulat ako bigla. Pumasok sa isip ko yung dahan-dahan na paglapat ng likod ko kama habang sinasabi niya ang mga salitang yun. Paano pa kaya nung ako, siguradong hirap na hirap ka nun. Dugtong pa niya na tila naalala yung unang  beses na... oh scrap that. Pero siya ba talaga ang naghatid saken kagabi?

Pilit kong inaalala yung nangyari habang nagsha-shower. May pumapasok sa isip ko na sumuka ako at di ko alam kung saang banda. Pero malamang sa malamang eh nagawa ko yun. Pagkatapos nun eh nilinisan niya ako saka binihisan. Malabo lahat pero ramdam kong totoong nangyari lahat yan at hindi panaginip lang.

Pumunta ako sa kusina matapos maligo at makapagbihis. Magluluto sana ako ng mainit na sabaw para mabawasan yung sakit ng ulo ko nang may makitang pagkain sa mesa. Nakatakip yun at may note sa ibabaw.

Initin mo na lang yang sabaw, ako mismo nagluto niyan. Inumin mo rin yung gamot na nanjan. Para yan sa hangover. Meron ding gamot jan para sa allergies, nakita ko kasing puno ka ng pantal. Don't worry that's safe nai-prescribe yan ng doctor.

Napangiti ako roon. Alam kong handwriting yun ni Maico kahit na hindi niya pa nilagyan ng pangalan. Inalis ko agad yung takip at nandoon nga yung mga sinabi niya. Nilagay ko sa microwave yung soup para initin yun.

"Wow."  wala sa sariling nasabi ko pagkahigop ng sabaw. Si Maico talaga ang nagluto nito? Ang sarap.  Seryoso. Sa lasa nun, tanya ko eh chicken soup yun.

So hindi nga panaginip yun, si Maico talaga ang naghatid sa akin dito  sa bahay. Siya rin ang nag-alaga sa aking kagabi habang nasa kagagahan stage ako.

Natawa na lang ako sa sarili ko. Ewan ko ba pero kinikilig ako sa gesture niyang yun. Doon ko nakumpirma na sinusundan niya ako, kami. Hindi naman siya tinawagan nina Aya dahil hindi sila nagkaroon ng pagkakataon kaya ibig sabihin, sa simula pa lang nandun na siya. Isa pa, nakita ko rin siya sa Glorietta pero bigla siyang nawala.

Maybe I should give him a chance.

Tinapos ko  ang pagkain at uminom ng gamot saka nagpunta sa sala. Naroon yung kontrata sa mesa at hindi man lang yun nagalaw. Kinuha ko yun at dinala sa kwarto para basahin.

Sinuot ko ang eyeglasses ko. Akmang bubuksan ko na yun nang tumunog yung cellphone.

Calling...

Mica

Ang dear sister pala ni Maico.

Inilagay ko na muna sa drawer yung kontrata saka sinagot yung tawag.

"Mica?"

"Best friend!!" patiling sabi niya.

"Oh, napatawag ka?"

"Lunch out naman tayo please! Nami-miss na kita eh."

May alam kaya siya sa nangyayari sa amin ni Maico ngayon? Baka kakausapin niya ako tungkol dun.

"Sure. Tamang-tama tinatamad akong magluto ngayon. Saan tayo?"

"SM Aura. Susunduin kita jan. See yah!" ibinaba niya na yung tawag bago pa ako makapagsalita ulit.

__________

Bandang alas-once nang sunduin ako ni Mica. Gaya ng sabi niya, sa SM Aura kami nagpunta. Bagong tayo lang yun sa tapat ng Market! Market! kaya pala gusto niyang puntahan.

Medyo iba sa mga normal na SM itong Aura. May pagka-sosyal ang dating kaya bagay na bagay dito si Mica. Pero ako? Parang hindi.

Naghanap siya ng maakainan namin at nagpumilit siyang siya na ang magbabayad. Pumayag na lang ako since malaki rin ang nagastos ko kaggabi.

Wait. Nagastos kagabi?! Oo nga pala, umalis ako bago pa makapagbayad dahil sobrang lasing na ako. Kinuha ko agad ang pitaka ko at tinignan. Kumpleto pa nga yung pera ko dun. Jeez! nakakahiya naman dun sa dalawa, eh ang sabi ko ako  ang taya.

Nag-text ako sa kanila at humingi ng sorry. Sinabi ko ring babayaran ko na lang sila.

From: Aya

Gaga! Hindi kami ang nagbayad nung bill. Sa boyfriend mo ikaw magpasalamat.

Bakit ba hindi na ako nagulat sa sinabi ni Aya? Malamang si Maico na ang magbabayad nun, nandun nga siya di ba? Katangahan ko talaga.

"Ayos ka lang best?" napatingin ako kay Mica.

"Yeah, I'm ok."

"Naka-order na ako. Sabi mo naman kasi  kahit ano eh."

Nginitian ko na lang siya bilang sagot.

"Kamusta kayo ni Kuya? Alam mo ba ang sungit sungit nun kahapon? Talo pa nga ang may buwanang dalaw eh!"

Natawa ako sa sinabi niya. "Talaga? Eh bakit daw siya nagsusungit?"

"Ewan dun. Naku, kaya sobrang bilib ako sayo kasi natatagalan mo yung sapak ng  isang yun eh."

Kung alam mo lang Mica, ako ang dahilan ng pagsusungit niya. At dahil yun sa hindi ko na natagalan ang sapak niya sa utak.

"Intindihin mo na lang ang Kuya mo, malamang marami yung iniisip."

"Ay sus! Marami ka ba? Puro ikaw lang naman ang nasa isip nun eh." aniya saseryosong tono.

Naramdaman ko yung pag-iinit ng pisngi ko sa sinabi niya. "Pinagsasasabi mo jan?" mahinang sabi ko.

"Sobrang mahal ka ni Kuya. Obvious naman, haller!" walang anu-anong sabi niya habang may kinakalikot sa cellphone niya.

Hindi na ako nakaimik sa sinabi niya. Mahal ako ni Maico? Kahit kailan eh hindi ko pa yun narinig mula sa kanya. Dapat bang maniwala ako?

THE NERDY REBOUND GIRLWhere stories live. Discover now